Iwa Moto is now friends with Rochelle Pangilinan

by Rommel R. Llanes
Apr 30, 2007
"Yung lovelife, dadating at dadating ‘yan. Nakakapaghintay, kung makakapaghintay. Kung mayroon mang may gusto, mag- antay na lang till the time na... kailangan ng right time," says Iwa Moto about finding a new love after her break-up with Yexel Sebastian.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang StarStruck Batch 3 First Princess na si Iwa Moto kagabi, April 29, sa kampanya ng isang mayoralty candidate sa Alaminos, Laguna. Napag-usapan namin ni Iwa ang tungkol sa sitwasyon ngayon sa pagitan nila ng SexBomb member na si Rochelle Pangilinan.

Dati ay nagkaroon ng gap sa pagitan ng dalawang female celebrities dahil ang ex-boyfriend ni Rochelle, ang male dancer na si Yexel Sebastian, ay naging boyfriend din for a time ni Iwa.

"We're close, we're friends talaga," sabi ni Iwa. "Oo, nagtatawagan kami, nagte-text-an, ganun. Rochelle and I are friends. And besides, wala namang hard feelings between us, kasi tapos na, e."

Dagdag pa niya, "Kung nagkaroon man ng isyu before, it's over. Na-overcome na namin, and tsaka hindi naman kailangang pag-awayan ang isang tao."

Kumusta na ang lovelife ni Iwa? May ipinalit na ba siya kay Yexel?

"Lovelife? Sad na sad! Wala po, by choice," natatawang sabi ni Iwa.

Continue reading below ↓

Ayon pa sa young actress, focused siya ngayon sa kanyang showbiz career.

"Siyempre, madaming work, di ba? Tsaka yung lovelife, dadating at dadating ‘yan. Nakakapaghintay, kung makakapaghintay. Kung mayroon mang may gusto, mag- antay na lang till the time na ... kailangan ng right time. Lahat naman ng bagay, may right time, di ba?" pahayag niya.

In a recent interview, sinabi ng kaibigan ni Iwa na si Jackie Rice na mas okay sa kanya na walang lovelife si Iwa para matutukan nito ang kanyang career. Ano ang reaksiyon ni Iwa dito?

"Kasi alam din naman ni Jackie kung gaano ko siya ka-love at kung gaano ako nagki-care sa kanya. Kasi kapag may problema naman siya, tumatakbo rin sa akin yun. Binibigyan ko rin siya ng advise as ate. Thankful ako kasi naa-appreciate niya lahat ng mga ginagawa ko sa kanya. And in return, alam mo yun, pinagpe-pray pa rin niya yung success ko," pagtatapos ni Iwa.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Yung lovelife, dadating at dadating ‘yan. Nakakapaghintay, kung makakapaghintay. Kung mayroon mang may gusto, mag- antay na lang till the time na... kailangan ng right time," says Iwa Moto about finding a new love after her break-up with Yexel Sebastian.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results