When will Toni Gonzaga fall in love?

IMAGE 0


"Ang hirap na magbu-boyfriend ako for the sake na wala akong boyfriend, at sinasabi nilang kailangan ko nang mag-boyfriend dahil ako na lang ang wala. Gusto ko, pag nag-boyfriend ako kaya kong i-handle yung relationship, kaya kong bigyan ng oras," explains Toni Gonzaga.



Sa dami ng mga nagguguwapuhang male celebrities na nali-link kay Toni Gonzaga—from Piolo Pascual, Luis Manzano, Sam Milby, Zanjoe Marudo, at ngayon ang young director na si Paolo Soriano—maraming mga kababaihan ang naiinggit at nangangarap na malagay sa posisyon ng sikat na young TV host-actress.



Pero sa kabila nito, balitang halos karamihan sa mga nabanggit na kalalakihan ay binasted ni Toni. Dahil dito, hindi tuloy maiwasang magtanong ang iba kung ano ba talaga ang qualifications ni Toni sa pagpili ng lalaking mamahalin, at tila wala pang pumapasa sa kanyang panlasa.

Eric Fructuoso. Dagdag pa nga sa listahang ito ay ang aktor na si Eric Fructuoso. Sa guesting ni Eric sa "Forbidden Questions" segment ng radio program ni DJ Mo Twister, sinabi nitong naging girlfriend niya si Toni noong pareho pa silang nasa GMA-7. Kung totoong naging girlfriend nga ni Eric si Toni, pinagtatakhan ng marami kung bakit ang laging sinasabi ni Toni ay hindi pa siya nagkakaroon ng boyfriend kahit kailan.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Toni last Sunday, April 29, sa dressing room ng ASAP '07. Kinuha namin ang kanyang reaksiyon sa naging pahayag ni Eric.



"Nanligaw sa akin si Eric nung 15 years old ako, but other than that, wala na," paglilinaw ni Toni. "Siya yung naging pinaka-close na guy sa akin nung time na yun, pero di nagkaroon ng relationship or whatever."

Kuwento pa niya, "Pero siguro, kung nung time na yun, itinuloy niya yung panliligaw, baka naging boyfriend ko siya. Naging super-close kami na akala ko magiging boyfriend ko siya, pero hindi naman. Kasi nga, at that time, 15 years old lang ako. Sobrang di pa rin time, wala pa ako sa right age."

Paolo Soriano. Ngayon naman, balitang may bagong manliligaw si Toni sa katauhan ni Paolo Soriano. Ayon pa sa balita, madalas daw na dumadalaw ang young director sa mga tapings ni Toni at talaga raw pursigido ito sa panliligaw. Ano ba ang totoo rito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Di siya nanliligaw at all," pagtanggi ni Toni. "Walang panliligaw na nangyayari. I met him last year, we got to work sa summer station ID ng ABS-CBN. He's a director, son of Jeric Soriano, apo ni Nestor de Villa. He's a very, very good person, strong Christian, mabait na tao.

"Nakakahiya nga kasi di naman showbiz yung tao, he's a director, tapos nada-drag yung name niya na nanliligaw or something. He drops by sometimes sa set, bumibisita siya, madalas nagkakausap, nagkukumustahan. But other than that, wala, e. Walang napag-uusapan na relationship or whatsoever. It's so casual, the flow of conversation is so casual. Parang kung paano kami mag-usap nila Vhong, Archie, ganun lang." Sina Vhong Navarro at Archie Alemania ay co-hosts ni Toni sa Wazzup Wazzup.

Sam Milby. Samantala, marami ang nakapansin sa sweetness na ipinakita ni Sam Milby kay Toni sa nakaraang Guillermo Mendoza Memorial Foundation Awards Night, kung saan sila ang itinanghal bilang Prince & Princess of Philippine Movies. Sa isang panayam kay Sam ay nagbitaw raw ito ng pahayag na hindi pa rin siya sumusuko sa nararamdaman niya para kay Toni. Ano ang masasabi ni Toni tungkol sa pahayag ni Sam?

"Tingnan natin yung sinasabi niyang yun. Let's just wait and see," maikling sagot niya.



"I won't deny that we're not that close anymore, unlike before na talagang nagkakasama kami every day. We did a movie and we promoted ourselves as a loveteam. Now, we're moving to a different path, different career. Me, I'm not doing any teleserye. I'm focusing, concentrating on hosting, so I'm standing on my own. Si Sam naman, he has his own teleserye, mayroon na siyang bagong ka-partner [Anne Curtis]," paliwanag ni Toni.

Luis Manzano. Naging very vocal din si Luis Manzano noon kung gaano siya naging kaseryoso sa panliligaw kay Toni, pero hindi siya nabigyan ng dalaga ng pagkakataon. Usap-usapan na kaya raw hindi makapanligaw sa iba si Luis ay dahil umaasa pa rin ito sa pag-ibig ni Toni. Ano ang masasabi ni Toni dito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Graduate na kami ni Luis sa ganyan," sabi niya. "We have this mutual understanding that no matter what happens, I'll always be here for him, he'll always be there for me. I'm really, really fortunate to have Luis as my friend. Ibang klase siya na maging kaibigan, ipaglalaban ka niya.



"Ako, I'm hoping and praying na sana makita na niya yung tao talaga na para sa kanya. Yung deserving talaga sa pagmamahal niya, because he's such a good person."

People are asking kung bakit parang ang hirap yata paibigin ang isang Toni Gonzaga. Hindi raw kaya sarado talaga ang puso niya pagdating sa pag-ibig?



"Actually, hindi ako mapili, hindi ako choosy, hindi ako pihikan. Nagkataon lang na ayokong pumasok sa isang bagay na hindi ko mapapanindigan, na alam kong di ko maibibigay yung 100 percent ko," ani Toni.

"Ang hirap na magbu-boyfriend ako for the sake na wala akong boyfriend, at sinasabi nilang kailangan ko nang mag-boyfriend dahil ako na lang ang wala. Gusto ko, pag nag-boyfriend ako kaya kong i-handle yung relationship, kaya kong bigyan ng oras. Unfair sa magiging boyfriend ko na di ko siya maaasikaso, na di ko mapapanindigan," paliwanag ni Toni.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN