Paolo Serrano says he will not sell his body

IMAGE 0


"Malaki ang expectations nila sa gagawin kong man-to-man video. Pero wala naman itong frontal nudity, the usual na video na pampakiliti. Hindi naman porno ang gagawin namin," explains Paolo Serrano of a sexy video he will star in.



Kahit disbanded na ang original all-male group na Viva Hot Men, nananatili pa ring busy ang isa nitong miyembro na si Paolo Serrano. Kasama si Paolo sa Season 15 ng Daisy Siete na "Isla Chikita," tampok ang SexBomb Girls.



Mas maganda ang pangangatawan ni Paolo ngayon at mine-maintain niya ito dahil madalas daw na topless siya sa mga eksena niya sa Daisy Siete.



"Mga sumasalubong kami ng mga guest ng resort sa show. Kaya kadalasan, ang suot lang namin ay beach shorts or drawstring pants lang. Nakakahiya naman kasi kung hindi maganda ang porma mo, di ba? Pang-akit na rin ito sa mga gustong kumuha sa akin!" biro niya.



Samantala, ibinalita ni Paolo na may gagawin siyang sexy video, kung saan ang kaulayaw niya sa maiinit na sex scenes ay kapwa niya lalake. Natatawa ngang ikinuwento ni Paolo na pumayag na rin siya na gumawa ng ganitong klaseng video dahil malakas daw kasi ang bentahe kapag mga lalake ang mga bida.



"Yun ang sinabi sa amin kaya malaki ang expectations nila sa gagawin kong man-to-man video. Pero wala naman itong frontal nudity, the usual na video na pampakiliti. Hindi naman porno ang gagawin namin. Ang ka-partner ko pala ay pinsan ni Jordan Herrera," sabi niya.



Nakarating na rin kay Paolo ang balita na karamihan daw sa mga ka-batch niya sa Viva Hot Men ay ibinahay na raw ng mga matrona at mga bading, samantalang yung iba naman ay pinasok na diumano ang pagbebenta ng katawan.



Sabi ni Paolo ay puro tsismis lang daw ang nakakarating sa kanya. Wala na raw kasi siyang communication sa mga dating kasamahan. Kung tatanungin naman siya, hindi raw niya hilig ang trip ng ibang lalake para kumita ng malaking pera.



"Hindi sa nagyayabang ako, pero may kaya naman ang pamilya namin," sabi ni Paolo. "Tsaka hindi naman ako nawawalan ng trabaho kaya hindi ko kailangang magbenta ng aliw. Aaminin ko na marami nang nag-offer, pero lahat 'yon tinanggihan ko. Kasi nga hindi ko trip, e. Mas gusto kong galing sa pinagpaguran kong trabaho ang kikitain ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN