Sarah Geronimo graduates from high school

IMAGE 0


Pop star Sarah Geronimo receives her high school diploma from Angelicum College. The young singer-actress is bent on pursuing her college education by enrolling at the University of Sto. Tomas this coming school year.



Masayang nagtapos ng kanyang secondary education ang pop star na si Sarah Geronimo sa Angelicum College, ang private school malapit sa may Sto. Domingo church, Quezon City. Naganap ang graduation rites ni Sarah noong Lunes, April 30, sa mismong eskuwelahan ng young singer-actress.



Dumating si Sarah kasama ang kanyang mga magulang at kapatid one hour before mag-start ang programa ng bandang 4:30 ng hapon. Natapos ang programa bandang 5:30 p.m.

Behaved lang si Sarah habang pinagkakaguluhan siya ng mga kamag-anak ng ibang graduates. Pero halatang nairita ang ibang mga magulang at kaaanak ng ilang estudyanteng nagtapos dahil sa kaguluhang dulot ng presence ni Sarah.



Nakuha ni Sarah ang kanyang high-school diploma through a home study program. Ngayon ay maipagpapatuloy na ni Sarah ang kanyang pangarap na makapagtapos sa kolehiyo. Nabanggit ni Sarah na sa Conservatory of Music ng University of Santo Tomas siya mag-e-enrol ngayong pasukan.



Nang huling nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Sarah sa press con ng Lovespell Presents Sweet Sixty, itinanggi niya na binayaran siya ng malaking halaga ni senatorial candidate Edgardo Angara kapalit ng kanyang pangangampanya rito. Sa pagkakaalam niya, tutulungan siya ni Senator Angara na makapag-aral nang libre sa University of the Philippines sa kursong nais niya.



Samantala, balik-teleserye si Sarah sa another remake movie ng Megastar na si Sharon Cuneta, ang Pangarap na Bituin. Makakapareha niya sa unang pagkakataon dito si Jericho Rosales. Kasama rin sa Pangarap na Bituin sina Maja Salvador, Yeng Constantino, at Rica Peralejo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN