Gladys Guevarra reveals text messages from Janno Gibbs

IMAGE 0


"Ang nakakasama lang naman ng loob ko ay iyong huwag lang akong gawing sinungaling. Iyon lang naman ang akin. Kahit sino naman, di ba?" says Gladys Guevarra about her spat with Janno Gibbs.


Tuloy pa rin ang sagutan sa pagitan nina Gladys Guevarra at Janno Gibbs sa kani-kanilang mga interbyu sa telebisyon. At kahapon, Mayo 5, muling lumabas si Gladys sa Startalk upang depensahan ang kanyang sarili.

Nagsimula ang alitan sa pagitan ng dalawang komedyante at singers dahil sa panggagamit diumano ni Janno ng pangalan ni Gladys sa mga jokes nito sa gag show na Nuts Entertainment at sa live gigs niya sa comedy bars. Bukod dito ay ang pag-aakusa diumano ni Janno kay Gladys na siyang naglabas na nagbigay ang singer-comedian ng Hello Kitty stuffed toy sa EB Babe member na si Lian Paz.

Bago umalis patungong US si Gladys noong nakaraang buwan ay naglabas siya ng kanyang sama ng loob kay Janno. Ipinakita rin ni Gladys ang text message sa kanya ni Janno na nagsasabing, "Huwag kang magmalinis."

"Nakikiusap na ako sa kanya [Janno], sabi ko tigilan na niya. Napanood ko yung Nuts [Entertainment, Janno's gag show on GMA-7. Lagi niya akong tinitira sa Nuts. Ano ba'ng personal na galit sa akin ni Janno Gibbs? Hindi ko naman siya inaano. For me, ha, hindi na biro ito... Sorry, ha, I have to say this [to Janno], masyado ka nang nakakatapak," Gladys said in her interview with S-Files aired last April 15.

In S-Files, which has since gone off the air, nag-react din si Janno sa naging pahayag ni Gladys. Nagpadala ito ng text message sa host ng S-Files na si John "Sweet" Lapus.

Janno's text message read: "Itanong mo kahit kanino, wala akong sinasabing masama about her [Gladys]. Obviously, sa video, siya ang galit na galit. Nananahimik ako. Pero ngayon, galit na ako. Nagpa-punchline lang ako pag naiipit ako, and I'm very responsible and sensitive with my jokes, I make sure hindi offensive. Alam ng viewers ‘yan."

Last April 29, nag-guest si Janno sa pilot episode ng Showbiz Central, ang kapalit na programa ng S-Files. Sinabi ng singer-comedian na tutuldukan na niya ang isyu sa pagitan nila ni Gladys. Inamin din niya na nagte-text siya kay Gladys, pero ito raw ay para humingi ng tawad, na hindi pa rin daw tinatanggap ng kanyang dating co-host sa Eat Bulaga!.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit sa panayam ni Gladys sa Startalk kahapon, May 5, ay parang ayaw niyang palampasin nang ganun na lamang ang mga pahayag ni Janno sa mga interviews niya noon.

Ayon kay Gladys, "Doon [Showbiz Central] niya sinabi, tutuldukan na niya ang isyu. Ako, wala naman akong sinasabi na tutuldukan ko na. Although wala naman akong sinasabing pahahabain ko pa. Ang nakakasama lang naman ng loob ko ay iyong huwag lang akong gawing sinungaling. Iyon lang naman ang akin. Kahit sino naman, di ba?"

Sinabi pa rin ni Gladys, "Noong nasa Amerika ako, sinabi sa akin noon may mga deny-deny pa. Ako, parang, teka muna, huwag sinungaling kasi hawak ko lahat 'yong text [messages].

"Bago ako umalis, ang sabi ni Janno, 'yong mga interview naman daw sa kanya ay puro ambush, so hindi niya maiwasan, di ba? Dinedepensa lang daw niya ang sarili niya. Samantalang ako daw, naiintindihan naman daw niya 'yong labas ako nang labas ng TV dahil nagpo-promote ako ng show. Ngayon, Janno, hindi na ako nagpro-promote ng show pero kailangan ko ring idepensa ang sarili ko."

Matapos nito ay binasa ni Gladys ang dalawa sa maraming text messages na nagmula diumano kay Janno na naitabi niya. Ang unang mensahe ay patungkol sa pagbibiro ni Janno sa Nuts Entertainment.

"Ito 'yong isa sa mga text bago ako pumunta ng Amerika: 'Yung sa Nuts [Entertainment], adlib ng EB Babes yun. Di ko pakana iyon, sumagot lang ako.' So all your interviews, deny ka nga, pero nilaro mo rin. At kailangan ba? Oo, tinanong ko si Lian. Binigay daw ni Janno 'yong Hello Kitty. What does that say? Ha?"

Salaysay pa ni Gladys, "Ang sagot ko nga sa kanya doon, ‘Bakit parang ikaw pa 'yong mayabang?' Sabi ko, ‘Inaayos ko nga ito.' Gusto ko ngang mag-usap kami. Kasi parang mali lahat 'yong mga sagot niya sa interview, e, na, ‘Are you willing na magkaharap kayo sa interview ni Gladys?' ‘Oo naman. Oo naman.' Iyong mga text niya sa akin, galit na galit, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sumunod naman ay ang text message sa kanya ni Janno na naipadala noong nagsisimula pa lamang ang isyu na may namagitan sa kanilang dalawa: "‘Our best excuse is our friendship, gets? Basta kapag nagkaipitan, deny to death, ha? Please. Basta best friend lang tayo. Super close, okay?'"

Paliwanag ni Gladys tungkol sa ikalawang mensahe, "Iyong time na 'yon, noon pa 'yon, okay pa kami sa Eat Bulaga! Ngayon, kapag lumabas na naman si Janno at... sinabi niya kasi sa Showbiz Central na... Umamin siya, e, na nagte-text nga kami, bigla siyang nagpalit ng statement na nagte-text na kami. Tapos siya daw 'yong very apologetic.

"Kapag nakita mo 'yong mga text niya, siya pa 'yong galit. Bakit ko daw kinonfirm si Lian [Paz ng EB Babes]. Wala namang nakakaaalam noong kay Lian. 'Yong mga ganoon. Ako naman, kung tatanungin ninyo ako, ‘Bakit from day one wala akong inaamin, wala akong dine-deny?' Kasi may delicadeza pa ako na nakakahiya kina Bing [Loyzaga, Janno's wife], nakakahiya din sa mga bata."

Nilinaw ni Gladys na wala siyang masamang intens'yon sa paglabas niya ng text messages ni Janno. Nais lamang daw niyang depensahan ang sarili niya.

Mukhang mahaba pa ang tatakbuhin ng isyu nila ni Janno nang hilingin ni Gladys sa media na: "Itong panahon na 'to, ibigay ninyo muna sa akin para idepensa ko naman 'yong sarili ko. Kasi ang ending, parang ako 'yong lumalabas na masama sa kakadepensa nila."

Samantala, hiningan din ng Startalk ng pahayag ang kampo ni Janno tungkol sa interview nila kay Gladys. At tulad ni Gladys, sinasabi rin ng SOP host na magkataliwas din ang mga pahayag ng una sa pagdedepensa sa sarili at ang mensahe niya na gusto niyang maayos na ang isyu.

Nagpadala ng text message si Janno sa Startalk host na si Joey de Leon, at sinabi nitong nagmula ito diumano kay Gladys. Ang nilalaman ng text ay: "Bro, saw your interview. 'Yoko na rin ng may kaaway. Peace. Pasensya na rin sa mga nasabi at nangyari bago ako umalis for the States. Stressing at annoying na rin yung issues. Sana tapos na ito.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Gladys tungkol dito, "Ayoko rin kasi 'yong issue ngayon na pinag-aaway pa kami ni Bing, girl. Ayos na kami noong araw pa na nahuli 'yong stalker mo, e. So please send my regards and apologies to her."

Sa mga pahayag ng dalawang panig, tila ang tuldok na sinasabi ng bawat kampo ay hindi tungkol sa pagtatapos ng isyu. Maaaring ang tuldok na ito ay simula pa lamang ng mahabang panahon ng pag-aayos nina Janno at Gladys.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN