Annabelle to Ruffa: "Iwanan mo na si Yilmaz, please."

IMAGE 0


"Sa nangyayari ngayon, ako ang pinakamasayang mother sa buong mundo... Hindi ako masaya dahil naghiwalay sila, masaya ako dahil magkasama ulit ang pamilya namin, buo kami," says Annabelle Rama about the separation of her daughter Ruffa Gutierrez to Yilmaz Bektas.


"Ang pinaka-ayaw ko Ruffa, yung punta ka nang punta sa Istanbul. Ayokong umaalis ka, gusto ko nandito ka lang sa Pilipinas. Pagpunta mo sa airport, umpisa na ng pag-iyak ko sa iyo...'Pag umiiyak ka sa akin, nag-aaway kayo ni Yilmaz, nahihirapan ako kung paano kita susunduin dun. Gusto mo akong maging maligaya, Ruffa, hindi ako magkakasakit, huwag ka nang bumalik doon."

Ito ang mga pahayag ni Annabelle Rama sa panayam sa kanya ng anak niyang si Ruffa Gutierrez sa The Buzz noong March 18. Pagkatapos ng naturang panayam ng mag-ina, marami na ang naghinala na may problema siguro sa pagsasama nina Ruffa at ng kanyang asawang si Yilmaz Bektas kaya't ayaw nang pabalikin ni Annabelle ang kanyang unica hija sa Istanbul.

Ilang linggo lamang ang lumipas, noong May 8, isang nakakagulat na balita ang isinulat ng beteranong entertainment columnist na si Ricky Lo sa Philippine STAR: Hiwalay na sina Ruffa at Yilmaz. Ayon sa joint statement nina Ruffa at Yilmaz—na inilabas ng kampo ni Ruffa on the same day—"cultural differences" diumano ang dahilan ng desisyon nilang maghiwalay pagkatapos ng kabuuang pitong taong pagsasama.

Ngunit noong Sabado, May 12, nagpadala ng kanyang sariling official statement si Yilmaz sa GMA-7 talk show na Startalk. Ayon sa pahayag ni Yilmaz, hindi totoong "cultural differences" ang dahilan ng kanilang divorce, kundi ang "professional career and profession" at ang "extended stay" ni Ruffa sa Pilipinas nang hindi nagpapaalam kay Yilmaz.

"MATERIALIST RELATIVE." Nakasaad din sa naturang statement na malaki ring bahagi ng desisyon nilang mag-divorce ang "materialist relative of her [Ruffa] who take advantage over my wife and who have poor conscience and honor. [sic]" Walang pangalang binanggit si Yilmaz kung sino ang tinutukoy niya, ngunit malinaw na ang kanyang pinariringgan ay ang kanyang mother-in-law na si Annabelle Rama.

Sa pagdiriwang ng Mother's Day kahapon, May 13, nagbigay ng kanyang panig si Annabelle sa Showbiz Central ng GMA-7 tungkol sa tinuran ni Yilmaz at ang iba pang mga pahayag nito kaugnay ng paghihiwalay nila ni Ruffa. Sa panayam ni Pia Guanio kay Annabelle, inamin ng ina ni Ruffa na siya nga ang tinutukoy ni Yilmaz na "materialist relative."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Obvious naman, Pia, ako na ‘yong pinatatamaan doon," panimula ni Annabelle. "Hindi naman sa mukha akong pera. Siyempre, wala namang nanay na nangarap na ang anak nila makapangasawa ng lalakeng walang trabaho, mga patay-gutom, PG, di ba? Lahat ng nanay, Pia, gusto natin ang ating mga anak na makapangasawa ng maganda ang buhay iyong lalake. At saka iyong lahat ng luho ni Ruffa, mabibigay man lang sa kanya.

"Kaya nagagalit sa akin si Yilmaz, kasi lately para gusto nang makipagbalikan ni Ruffa. Sa totoo lang, ako ang kumukontra. Ayoko talagang bumalik si Ruffa sa kanya. For one month ‘yan, miserable ang buhay namin sa bahay. Iyak ako nang iyak gabi-gabi; si Ruffa, iyak gabi-gabi. Kasi every time, tuwing umaga, ‘Mama, I'm leaving tonight.' Nagwawala na naman ako. Sabi ko, ‘Ruffa, hindi ka kailangan bumalik sa Istanbul, alam mo ‘yan,'" kuwento ni Annabelle.

Ayon pa kay Annabelle, silang dalawa lang ni Ruffa ang nakakaalam ng totoong dahilan kung bakit ayaw niyang payagan na bumalik ang anak sa Istanbul.

"May isang time na pinipilit siya ni Yilmaz na pumunta sa airport. Nandun ako sa bahay ni Ruffa. Sabi ko sa kanya, ‘Ruffa, magwawala ako sa airport 'pag ikaw aalis. Ayaw kitang umalis, ayaw kitang bumalik ng Istanbul.' Baka puwede daw magbagong-buhay [si Yilmaz]. ‘Let's give him a chance.' Sabi ko, ‘Sa nangyari sa iyo, Ruffa, sa Istanbul na pumunta ka na dito, bakit kailangan ka pang bumalik? Huwag ka nang bumalik.' Nagkataon si Yilmaz, tumatawag kay Ruffa. Inaaway yata si Ruffa, ganoon. Sabi ko kay Yilmaz, ‘I don't want Ruffa to leave Philippines, I would like Ruffa to live here.'"

Bagama't ayaw nang pabalikin ni Tita Annabelle ang anak sa Istanbul, nagulat pa rin daw siya nang magdesisyon si Ruffa na makipaghiwalay na kay Yilmaz.

"Sa nangyari kay Ruffa, nalungkot ako," sabi ni Tita Annabelle. "Talagang umiyak ako na naghiwalay sila. Paggising ko ng umaga, nasa diyaryo na siya. Matagal nang plano ni Ruffa makipaghiwalay, pero hindi talaga hiwalay na tuluy-tuloy na, parang puro plano lang. Nabigla ako sa desisyon niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi rin ni Tita Annabelle na naging maganda naman daw ang pagsasama nina Ruffa at Yilmaz sa simula.

"Nakikita ko naman si Yilmaz, good provider, good husband. Walang problema si Ruffa. Si Ruffa, doñang-doña doon sa Istanbul, walang trabaho," pahayag ni Tita Annabelle.

Nang tanungin kung ano ang naging problema nina Ruffa at Yilmaz kung kaya't nauwi sa hiwalayan ang kanilang pagsasama, inulit Annabelle ang nauna niyang pahayag tungkol sa sikretong silang dalawa lang ni Ruffa ang nakakaalam.

Dagdag niya, "For seven years akong umiiyak, Pia. Hindi lang alam ng lahat ng tao, akala ng tao mataray ako. Umiiyak ako kay Ruffa kasi yung away nila [ni Yilmaz], grabe."

Inamin din ni Tita Annabelle na noong una niyang makilala sa Yilmaz ay ayaw na niya rito.

"Noong ipinakilala sa akin si Yilmaz sa bahay, ayaw na ayaw ko kay Yilmaz. Unang-una, narinig ko lang ang Istanbul, Turkey, ‘Nasa mapa ba ‘yan, Ruffa? Nakakatakot naman ang pangalan.' Ipinakilala ni Ruffa sa akin, para siyang pipi, walang alam. 'Pag tinatanong ko siya, may taga-translate na tao. Sabi ko, ‘Ruffa, papaano mo ipapakilala sa akin ‘yang taong ‘yan na maging boyfriend mo, na maging asawa mo, hindi nga nagsasalita ng English, puro lang Turkish? Papaano kami magkasundong dalawa, paano ko siya iinterbyuhin?' So, umpisa pa lang, ayaw ko talaga kay Yilmaz," kuwento ng ina ni Ruffa.

Pero bumawi agad si Annabelle at sinabing, "Noong ikinasal na sila, natuto na akong mahalin si Yilmaz kasi mabait naman. Si Yilmaz, 'pag hindi mainit ang ulo, masarap kausap, mabait."

"PHYSICAL VIOLENCE." Nakasaad din sa official statement ni Yilmaz na nagkaroon ng "mutual negative, psychological and physical violence" sa pagitan nila ni Ruffa. Nagpapahiwatig ito na may pisikal na sakitan na nagaganap sa kanilang pagsasama.

Ano ang masasabi ni Annabelle dito?

"Dapat si Ruffa ang sasagot niya," pag-iwas niya. "Kasi unang-una, hindi naman ako kasama ni Ruffa... Ibig sabihin, wala ako dun sa Istanbul."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala bang sinasabi sa kanya si Ruffa tungkol dito?

"Sobrang pagmamahal kasi ni Yilmaz kay Ruffa. Takot siya [Ruffa] na magwawala rin siguro ako kaya wala siyang sinasabi sa akin. Pero sa salita ni Yilmaz, siya na ang umamin na ganun nga ang nangyayari," sabi niya.

Sa loob pa ng apat na taong pagsasama nina Ruffa at Yilmaz bilang mag-asawa ay hindi ba lumapit ang anak kay Annabelle at sinabing hindi na siya masaya sa piling ng kanyang asawa?

"Every time na tatawag sa akin si Ruffa sa gabi, hindi na ako makakatulog kasi umiiyak siya: ‘Mommy, I want to go back there.' Sabi ko, Ruffa, anytime, pumunta ka na rito. Kung hindi ka na happy sa pagsasama ninyo ni Yilmaz, huwag mo nang pilitin. Bumalik ka na dito. Magbagong-buhay ka na dito at wala nang problema ang mga anak mo, nandito ang parents mo,'" salaysay niya.

Nang diretsahang tanungin ni Pia si Annabelle kung battered wife ba ang kanyang anak, ito ang sagot niya: "Ayaw ko nang mag-comment about that kasi delikadong question 'yan. Gusto ko si Ruffa lang ang sumagot sa ganoon. Ayokong makilalam diyan, siya lang."


Pero aminado si Annabelle na masaya siya sa naging desisyon ni Ruffa na makipaghiwalay na sa kanyang Turkish husband.

"Sa nangyayari ngayon, ako ang pinakamasayang mother sa buong mundo," aniya. "Kasi unang-una, kumpleto ang family namin, meron pa akong [mga] apo. Hindi ako masaya dahil naghiwalay sila, masaya ako dahil magkasama ulit ang pamilya namin, buo kami."

"FAME AND MONEY." Samantala, pinabulaanan naman ni Annabelle ang akusasayon ni Yilmaz na dahil sa kasikatan at pera kaya hindi na bumalik sa Istanbul si Ruffa, kahit na walang permiso ni Yilmaz.

"Hindi ganun ang anak ko, e," diin niya. "Kasi bago niya [Yilmaz] pinakasalan si Ruffa, marami nang pera ang anak ko, e. Marami nang naipon ‘yan... Ako nga ang nalugi, nawala ang komisyon ko. Wala akong komisyon ng three years o four years, di ba? Ibig sabihin, hindi siya mukhang pera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagkataon lang talaga si Ruffa, napakasuwerte. Every time uuwi siya ng Pilipinas, marami talagang offer. Tinatanggap naman ni Ruffa yung trabaho, wala namang problema siguro. Iyong sinasabi ni Yilmaz, tama ‘yon, na hindi siya nagpaalam na magtatrabaho siya dito. Nagpaalam siya, pero iyong pag-extend niya ng ganoon katagal, siguro hindi na alam ni Yilmaz ‘yon."

Iginiit din ni Annabelle na hindi totoong ipinagpalit ni Ruffa ang kanyang marriage kapalit ng katanyagan.

"Dapat noon pa," depensa ni Annabelle. "Hollywood career yon, ‘Day. Dollar 'yong income ni Ruffa noon at saka napakasikat ni Ruffa sa trabaho niya. Ginive up niya lahat dahil diyan [kay Yilmaz], e. Hindi naman kami mukhang pera, e. Ako, sometimes lang, ako ang mukhang pera. Siyempre, natural lang sa nanay ‘yan. Gusto natin ang anak natin, mag-asawa ng mayroon ding kaya.

"Pero right now, naiintindihan ko, e. Hindi pala pera lang ang reason... Sa nangyari kay Ruffa ngayon, ayoko ng pera. Hindi na baleng umuwi siya sa akin na wala siyang nakuha kay Yilmaz. Kasi marami siyang naiwan doong [Istanbul] alahas, mga damit. Dalawang maleta lang ang dala-dala niya dito, e. Ang dami niyang naiwan doong kayamanan kay Yilmaz. Sabi ko, ‘Kalimutan mo na lahat Ruffa ‘yan. Ang importante, nandito ka na.' For me, right now, hindi importante ang pera. Ang importante sa akin, ang freedom ni Ruffa.

"Siguro pati si Ruffa, haping-happy siya ngayon. Siguro yung mga pains na ginagawa niya araw-araw, iyak siya nang iyak, nawala na lahat-lahat ‘yon. Biro mo, araw-araw siyang umiiyak sa akin sa telepono, gabi-gabi. ‘Anong klaseng pagsasama Ruffa ‘yan, gabi-gabi ka umiiyak? Ano ba nangyari sa ‘yo? Di umuwi ka na lang dito.'"

"CULTURAL DIFFERENCES." Nagbigay rin ng kanyang opinyon si Annabelle sa paliwanag ni Ruffa na "cultural differences" ang dahilan ng pakikipaghiwalay nito kay Yilmaz.

"Iba talaga ang culture nila sa Istanbul. Unang-una, ang babae, kailangan sa bahay lang at nag-aalaga lang ng bata, hindi puwedeng magsuot ng mga seksing damit. Ibig sabihin, hindi kasi buhay ni Ruffa iyong ganyan, e," paliwanag ng ina ni Ruffa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Alam ng lahat kung paanong ipinaglaban ni Annabelle ang pagsasama ng mister niyang si Eddie Gutierrez sa kabila ng pagkakaroon nito ng maraming babae noon. Bakit kaya hindi nagawang i-advise ni Annabelle kay Ruffa na gawin ang parehong sakripisyo para maging buo ang sarili nitong pamilya?

Ayon sa kanya, "Kaya umabot sila ng seven years, ako ang hindi pumayag na maghiwalay sila noon pa. Kasi ang relation nina Ruffa at Yilmaz, puro away. Di ba, mahirap yung puro away, puro selos, puro selos? Kasi si Yilmaz, napakaseloso talagang tao, sobrang seloso talaga ‘yan. So, noon pa, talagang gumawa ako ng paraan. In-advice-an ko si Ruffa na sayang naman, atsutsu. Kaya nagtatagal sila dahil nga sa advice ko.

"This time talaga na umalis si Ruffa sa Istanbul, talagang ako na mismo magsasabi sa kanya na, ‘Ruffa, itigil mo na lahat. Magdesisyon ka na.' Ngayon, nagdesisyon na siya na ayaw na niya, ipagpatuloy na niya. Lagyan mo na ng tuldok, huwag ka nang bumalik doon. Kasi hindi ko na matanggap iyong mga sinasabi sa akin ni Ruffa kung bakit siya umalis doon, hindi ko na matatanggap lahat. Kaming dalawa lang ang nakakaalam ni Ruffa.

"Kaya ngayon lang ako nagdesisyon na talagang tuldukan na, huwag nang bumalik doon sa Istanbul, huwag nang bumalik kay Yilmaz. Move on. Sabi ko kay Ruffa, ‘Napakabata mo pa Ruffa, intelihente ka, maganda ka. Makakasalubong ka rin ng tamang daan na pupuntahan. Makakasalubong ka rin ng tao na magmamahal sa iyo. Bata pa naman si Ruffa, e. Hindi pupuwede iyong basta na lang maghiwalay, magpakamatay na siya kung maging matanda na. Gabi-gabi umiiyak 'yan, e. Until now, umiiyak ‘yan."

TRIP TO MALDIVES. Ibinalita rin ni Annabelle na nakatakdang pumunta rito sa Pilipinas ngayong araw, May 14, si Yilmaz kasama ang kanyang pamilya upang makipag-ayos kay Ruffa. Pero ayon kay Annabelle, hindi raw ito matutuloy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Supposed to be, darating si Yilmaz, susunduin ang mag-ina. Papunta silang Maldives, gusto sasama na naman si Ruffa. Sabi ko, ‘Ruffa, ang desisyon mo ngayon, okay ka. After one year, two years, ganon na naman ang mangyayari at matanda ka na. Sayang naman iyong oras mo at panahon mo sa kanya. Ngayon na nakakuha ka ng freedom sa buhay mo, ipagpatuloy ma na 'yang freedom na ‘yan. Kasi si Ruffa talaga ngayon, gusto niya freedom, na walang nambubuwisit sa kanya.

"Kasi mahirap din iyong maya't maya pinagbibintangan ka, maya't maya inaaway ka. Si Yilmaz, mabait namang asawa ‘yan, e. Natutuwa nga ako sa kanya noong nasa Istanbul kami ni Eddie, talagang mahal na mahal ko ‘yan. Pero masama lang talagang magalit. Mabait basta sa mabait. Walang problema sa pera, sa lahat, okay siya.

"Sabi ni Yilmaz, ‘I'll be there tomorrow with my father, with my family.' Pipik-apin si Ruffa saka mga anak niya. Sabi ko, ‘Ruffa, hindi ako haharap sa kanya, pati Daddy mo. 'Pag pumunta ‘yan, harapin mo, mag-ayos kayong dalawa. Ngayon, ang desisyon mo, sasama ka ba kay Yilmaz o hindi? Kung hindi ka sasama kay Yilmaz pagpunta niya rito, prangkahan mo na siya na hindi ka sasama sa kanya. Huwag mong i-waste ang time nila, iyong ticket nila, na pupunta-punta dito, hindi ka naman pala sasama. Tell the truth na hindi ka sasama.'

"Kasi si Ruffa, ‘Day, urong-sulong ‘yan, e. Kaya natatakot ako kay Ruffa, e. Araw-araw kausap si Yilmaz sa telepono. Kagabi kausap na naman niya. Sabi ko, ‘Anong klaseng hiwalay ‘yan, kausap mo sa telepono?' Sabi niya, ‘Mommy, dahil sa mga bata magkausap kami.' Sabi ko, ‘Ruffa, nag-change ka na ng number para hindi ka makontak ni Yilmaz. Ikaw pa rin pala ang nagbibigay sa kanya.' Ibig sabihin, mahal pa rin niya hanggang ngayon si Yilmaz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya sabi ko, ‘Ruffa, pag gagawin mo 'yang pagbalik kay Yilmaz, nagkasakit ako dahil sa iyo.' Alam niya may sakit ako, e. Tumaas ang cholesterol ko, ang high blood ko [sic], lahat-lahat. Kasi 'pag nalungkot si Ruffa, nalulungkot ako as a mother. Napakahirap iyong anak mo nasa ibang bansa... Wala man lang siyang kakampi doon. Walang Philippine Embassy doon. Papaano kung katay-katayin siya doon, e, di ano namang mangyari sa amin dito?" mahabang pahayag ni Annabelle.

Sa ngayon ay kasama ni Ruffa dito sa Pilipinas ang dalawang anak nila ni Yilmaz na sina Lorin at Venice. Papayag ba si Annabelle kung saka-sakaling kunin ni Yilmaz ang mga anak nila ni Ruffa?

"Para sa akin, huwag na, dito na lang ang mga bata," aniya. "Bibigyan na lang ng cell phone ni Ruffa para makausap ang father nila. 'Pag once makita ni Yilmaz ang mga bata, I'm sure hindi ‘yan isasauli kay Ruffa."

Ayon pa kay Annabelle, bibigyan niya raw ng kopya si Ruffa ng mga pelikulang Chop-Chop Lady at ang Hollywood movie na ang bida ay si Sally Field, ang Not Without My Daughter. Ang Chop-Chop Lady ay ang true-to-life story ng isang babae na pinatay ng kanyang boyfriend at saka pinagputol-putol ang katawan, samantalang ang Not Without My Daughter ay tungkol sa isang ina na naghahanap sa kanyang anak na kinidnap ng sarili niyang asawa na isang Arabo.

"Papanoorin niya ‘yon para malaman niya pag pupunta siya sa Istanbul, takot na siya. Takot kasi ako 'pag bumalik si Ruffa sa Istanbul, kukunin ni Yilmaz iyong mga bata, tapos siya papauwiin ng Pilipinas, baka i-hostage, di ba? Ngayon, pag si Ruffa pumunta sa Istanbul, nasa amin 'yong mga bata, mamaya tatawag na naman sa akin si Ruffa, mag-iiyak sa akin, ‘Ma, dalhin mo ang mga bata dito.' Para wala na lang gulong mangyayari ganun, huwag na lang siyang umalis, dito na lang siya," paliwanag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

UNSOLICITED ADVICE. Pinatutsadahan din ni Annabelle ang mga nagbibigay ng unsolicited advice sa kanyang anak.

"Yung mga nagbibigay ng advise kay Ruffa, hindi naman sila kilala ni Ruffa, tsaka hindi naman siya kasama sa wedding. Ang gusto kong magbigay ng advice kay Ruffa ay ang mga ninong at ninang lang. Iyong mga involved sa wedding, iyong mga bridesmaids, mga barkada ni Ruffa.

"Pero iyong starless na 'yan, napakatapang magsasabi sa TV na kakilala daw niya si Yilmaz. Umpisa pa lang daw nina Ruffa at Yilmaz, nandoon na raw siya. Samantalang na-meet niya si Yilmaz through Ruffa. Pinapalabas niya, siya ang nagpakilala kay Yilmaz kay Ruffa. Puwede ba, mga trying hard, gusto nyo mga publicity, tigil-tigilan mo na 'yang advise-advice sa anak ko, okay? Ako lang ang may karapatang mag-advise sa anak ko, ako ang nanay, ako lang ang nakakaalam. Huwag na kayong makialam sa gulo. Gusto ninyong sumikat, pasikatin ninyo mga tinda-tinda n'yo sa mga katawan ng mga tao diyan. Bahala kayo sa buhay ninyo!"mataray niyang sabi.

A MOTHER'S REQUEST. Kung sa mga naunang pahayag ni Annabelle ay naging matatag siya, sa huling bahagi ng panayam ni Pia sa kanya ay hindi na napigilan ng ina ni Ruffa na ibuhos ang kanyang tunay na damdamin.

"Ang message ko kay Ruffa, iwanan mo na si Yilmaz, please. Mamamatay talaga ako, Ruffa. Iwanan mo na, Ruffa, please. Nakikiusap ako sa ‘yo. Iwanan mo na si Yilmaz, please lang!" humahagulhol niyang sabi.

"Napakahirap maging nanay. At saka ang anak ko, ang layo-layo sa akin palagi, nasa Istanbul. Biro mo, for one-year-and-a-half, hindi siya umuwi sa akin. Ngayon, nandito siya sa akin, haping-happy ako. Kaya Ruffa, ang desisyon mo, tuldukan mo na. Please lang, maawa ka sa akin. Kung gusto mo akong matigok, pumunta ka sa Maldives. Kung gusto mo pa akong mabuhay nang matagal, mag-stay ka sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nasa puso ko kasi. Hindi ko masabi sa publiko [ang tunay na dahilan]. Akala kasi ng publiko, sayang si Ruffa, sayang iyong wedding. Hindi puwedeng sayang kasi hindi naman nila alam, e. Pag nalaman nila ang totoong reason bakit si Ruffa na nandito, siyempre magkakampi sila sa akin. Kasi right now, naging kontrabida ako sa mata ni Yilmaz, sa mata ng lahat ng buong bayan. As a mother, gusto ko lang maprotektahan ang anak ko. Iyon lang ang akin doon," pagtatapos ni Tita Annabelle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN