Dingdong Dantes on Karylle: "Never naming pinag-awayan ang babae."

IMAGE 0


"Honest kasi kaming dalawa ni Karylle sa lahat ng bagay. Masnagtutulungan din. Kapag may isyu or nabalitaan, nasulat atnabasa—malaki man o maliit—tinatanong namin sa isa't isa. So, hindi nasiya talaga nagiging isyu," says Dingdong Dantes about his two-year relationship with Karylle.



Very proud ang young actor/TV host/director na si Dingdong Dantes nang sabihin niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na for two years, very smooth ang relationship nila ng kanyang girlfriend na si Karylle. Nag-celebrate sila ng kanilang second anniversary last month.



Ayon pa kay Dingdong, sa loob daw ng dalawang taon ng kanilang relasyon ay never nilang pinag-awayan ni Karylle ang ibang babae. Ito ay sa kabila ng pagkaka-link ng binata kina Iza Calzado at Pauleen Luna.

"We're stronger as it is. Never naming pinag-awayan ang babae. Proud ko na masasabi ‘yon and diretsuhan kong masasabi na never," diin ni Dingdong.



"Honest kasi kaming dalawa ni Karylle sa lahat ng bagay. Mas nagtutulungan din. Kapag may isyu or nabalitaan, nasulat at nabasa—malaki man o maliit—tinatanong namin sa isa't isa. So, hindi na siya talaga nagiging isyu."



Ano naman ang pakiramdam ni Dingdong sa naging pahayag ni Karylle sa isang interview na kung saka-sakali raw ay hindi siya papayag na makipag-kissing scene kung hindi ang boyfriend ang kanyang katambal?



"Kung tatanungin ako kung okay lang sa akin na magkaroon siya ng kissing scene sa ibang actors, siyempre hindi rin ako papayag. Pero sa ganyan kasi, nasa kanya pa rin ‘yon. Siya pa rin ang may karapatang magdesisyon," sabi niya.



Ibinalita rin ni Dingdong na malapit na niyang matapos ang editing ng idinirek niyang "Daddy's Angel," isa sa tatlong episodes ng pelikulang Angels. Bida sa naturang episode sina Marvin Agustin at Nash Aguas.



Kung wala raw magiging problema, malamang ay malapit na rin niyang simulan ang pagte-taping ng bago niyang project sa GMA-7.



"Sana matuloy," sabi niya. "Kung sakali, it's something new dahil bago ‘yong makakasama ko. I think, may pagka-drama naman at hindi fantasy. Pero siyempre, mahirap pang magsalita hangga't hindi pa talaga siguradong-sigurado at nagsisimula na ang taping. Pero sana matuloy talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Bagama't ayaw kumpirmahin ni Dingdong kung ano ang tinutukoy niyang proyekto, napag-alaman ng PEP na posibleng ang Philippine version ng Marimar ang susunod niyang show sa GMA-7. Ang Marimar ay ang Mexican telenovela na pinagbidahan ni Thalia. May usap-usapan din na ang gaganap bilang Marimar ay walang iba kundi si Angel Locsin.

Kung saka-sakali ngang matuloy ang pagsasama nina Dingdong at Angel, ito ang unang pagkakataon na pagtatambalin sila ng GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN