Have celebrities lost their star power?

IMAGE 0


Ang mga pelikula nina Richard Gomez (above left), Cesar Montano (below left), at Vilma Santos ay pinalakpakan at pinilahan sa mga sinehan. Ganoon din kaya ang pagtanggap sa kanila ng tao sa mundo ng pulitika?




Kapansin-pansin sa katatapos lamang na eleksyon nakaramihan sa mga tumakbong artista ay napag-iiwanan ng kani-kanilang mgakalaban.

Kung tutuusin, hindi na bago ang pagkakaroon ng mgaartistang sumusubok sa mundo ng pulitika. Sa katunayan, isa sa mga naging Pangulo ng Pilipinas ay mula sa showbiz—the former President Joseph Estrada.

Magmula pa noong 1957, nagkaroon na ng kinatawan ang mga artista sa senado—nariyan si Rogelio dela Rosa, sinundan nina Ramon Revilla, Sr., Jinggoy Estrada, Lito Lapid, Bong Revilla, Jr. at Vicente"Tito" Sotto. Ang pinakahuli ay muling tumakbo sa pagka-senador ngayong taon ngunit tila nahihirapang makahabol sa karera ayon sa pinakahuling bilang ng NAMFREL (NationalMovement for Free Elections).

Base sa obserbasyon ng mga political analysts, ang ilan sa mga artista ay nanalo dahil sa kanilang popularidad. Malaking bagay diumano ang madalas napaglabas nila sa telebisyon at sa mga pelikula upang makakalap ng mataas na bilang ng boto.

Dagdag pa rito ang imahe na kanilang ipinapakita sa publiko. Ang mga action stars ay itinuturing na tagapagtanggol ng mga inaapi. Ang mga komedyante ay madaling lapitan at hingan ng tulong.

Ngunit tila nag-iba na ang ihip ng hangin at hindi na umubraang "star factor" ngayong eleksyon. Muling sasariwain ng PEP ang mga pangyayari, kasama na siyempre ang mga drama na naganap bago sumapit ang May 14, ang araw ng botohan.

FROM SHOWBIZ TO POLITICS. Simula noong nanalo bilang pangulo ang dating action superstar na si Joseph Estrada ay maraming artista ang sumunod at sumubok sa mundo ng pulitika. Karamihan sa ating mga idolo ay matagumpay na naluklok sa mga pinili nilang posisyon dahil sa track record at charisma sa tao.

VILMA SANTOS.Mula noong naging alkalde ng Lipa, Batangas, naging bihirana ang paglabas-labas ng tinagurian Star for All Seasons na si Vilma Santos satelebisyon at pelikula. Gayunman, nagningning naman ang kanyang bituinsa pamumuno niya ng tatlong termino sa Lipa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang kanyang pamamahala marahil ang dahilan kung bakit maramiang may gustong tumakbo siya sa pagka-gobernador. Matatandaan na tuladng isang pelikula o telenovela, naging ma-drama rin ang mga pangyayari noong ideklara ng multi-awarded actress ang kanyang desisyong tumakbo sa pagka-gobernador.

Una kasing nagpahayag ng pagkagusto sa naturang posisyong ang brother-in-law ni Vilma na si Ricky Recto. Sa bandang huli, pinili ng huli na tumakbo na lamang sa kongreso.

Sa ngayon, nangunguna pa rin ang Starfor All Seasons sa bilangan ng balota, habang ang kanyang brother-in-law na si Ricky ay tila nanganganib na matalo sa karera ng pagka-kongresista.

TERI ONOR.Nakilala sila sa showbiz sa larangan ng komedya. Kung napatunayan nila sa tao ang kanilang kakayahang magpatawa, ngayon naman ay masusubukan ang kanilang galing sa pagsisilbi sa bayan. Nanalo bilang vice mayor ng Abucay, Bataan, si Teri.

Aminado si Teri na nakatulong angpopularidad niya bilang artista. "Partly siguro meron sa pagiging artista, pero siyemprematatalino na ang mga botante ngayon. So, malalaman naman nila kung ano yung sinasabi mo, kung ano yungmagagawa mo, at kung makakatulong pa sa kanila," paliwang niya.

Ilan pa sa mga artistang nagtagumpay nitongnakaraang eleksyon ay sina Herbert Bautista (vice mayor ng Quezon City), Aiko Melendez (councilor ng Quezon City), AlmaMoreno (councilor sa Parañaque City), Daniel Fernandez (congressman sa Laguna) at MickeyArroyo (congressman sa Pampanga). Gaya ng Star for All Seasons, maituturing na hindi na beterano sa pulitika ang mga pangalang nabanggit.

PLEASE TRY AGAIN. Ito na marahil ang nasa isip ngayon ng ilan sa mgaartistang hindi pinalad na mahalal nitong nakaraang eleksyon.

RICHARD GOMEZ.Sa kalagitnaan pa lamang ng taong 2006, matunog na angpagsabak ng dating matinee idol sa pulitika. Ang usap-usapan pa nga noong una ay gubernatorial position angbinabalak niyang puntiryahin, ngunit sa bandang huli, nagpasya itong tumakbopara sa pagka-senador.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matapos magdesisyon, naguluhan naman ang mga taokay Goma—ang mas kilalang tawag kay Richard sa showbiz—kung kaninong partidosiya aanib. Unang inakala ng mgabotante na magiging bahagi siya sa oposisyon dahil sa matinding suportang ibinigaynito kay dating Presidente Estrada.

Pagkatapos ay nagkaroon din ng bali-balita na lilipat siya saadministrasyon. Ngunit 'di naglaonay napagdesisyunan ng aktor na tumakbo bilang independent candidate.

Hindi raw naging madali para sa kanya ang tumakbo bilangindependent dahil sa kakulangan ng pondo para sa pangangampanya. Naging maugong nga ang balitang aatras siya sa kanyang kandidatura sa senado at kinukunsidera na lamang ang pagtakbo bilang party-list representative.

Subalit, natuloy ang unang plano ni Goma, at nakita nito ang kaigihan ng kanyang desisyon na maging independent candidate, "I'll be free to decide on myself what you...which one will begood be good for the people. I will notbe pressured by any political party dun sa mga utang na loob dahil ako, angutang na loob ko kapag ako'y nanalo ay sa tao."

Ngunit tila hindi kinagat ng publiko ang popularidad ni Richard. Sa ngayon,malayo sa top 12 ang puwesto niya sa bilangan ng boto. Sa kabila nito, maluwag namang tinatanggap niRichard ang hatol ng mga botante.

Sa artikulo sa PEP , sinabiniyang, "You have to accept defeat. Makikita mo kasi ‘yong trending, e,malayo talaga. But I'm telling my supporters not to lose hope. Maybe inthe future, they can still help me out. Maybe in the future, I will continue myadvocacy. Maybe in the future, I'll run again for [public] office," sambit ng actor-athlete.

CESAR MONTANO. Biglaan ang balitang pagtakbo ni Cesar sa senado. Sa katunayan, kasalukuyan siyang nasapictorial ng GMA-7 TV series na Lupin nang tawagan siya ng Team Unityupang palitan ang nag-back out na si Governor Jericho Petilla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi na inantala ng action star ang mga nakabinbin pa sananiyang mga proyekto sa showbiz, at agadsiyang nag-file ng kanyang kandidatura.

Nang tanungin siya tungkol sa diumano'y milyonesna halaga ng endorsements na kailangan niyang isantabi: "Pero ito [pagtakbo bilang senador] naman po ay hindi lang para sa akin kundipara sa taong-bayan. Ako naman, lagi ko namang ginagawa yun, e. Yung commercialna yun, siyempre para sa akin lang yun, pero there's something bigger, e."

Kagaya ni Goma, nagkaroon din ng balitang aatras sa kandidatura si Cesar. Kakulangan sa pondo ang itinuturong dahilan. Subalit nanindigan ito at itinuloy ang balak. Aniya, "may pera man o wala, tuloy ang pagkandidato ni Montano sa senado."

Ngunit gaya ni Richard, hindi rin naging matunog angpangalan ni Cesar nitong nakaraang eleksyon. Halos hindi nalalayo ang pwesto ng aktor sa kasalukuyang pwesto niRichard sa senate race.

MARK LAPID.Tulad ng kanyang amang si Lito Lapid na natalo sa Makatimayoralty race, tila hindi na rin makakahabol pa si Mark Lapid sa boto ngdalawa pa niyang kalaban sa pagiging gobernador ng Pampanga. Sa ngayon, nangunguna si Fr. EddiePanlilio sa bilangan.

Nakaapekto kaya ang paglabas ni Yuri Park, ang babaeng Korean na diumano'ypinakasalan ni Mark sa Nevada, sa kanyang kandidatura? Matatandaang inihayagdin ni Yuri sa kanyang e-mail sa PEP na mayroon siyang anak na babae sa aktor.

Ganito rin ang sinapit ngreturning senatorial candidate na si Vicente "Tito" Sotto. Sa kabila ng pagsuporta ng mgakasamahan niya sa Eat...Bulaga! na sina Vic Sotto at Joey de Leon, tagilid ang pagkapanalo ni Tito Sen, ang tawag sa kanya ng mga malalapit na kaibigan. Nakaapekto kaya ang ginawa niyang paglipat mula sa GO papunta sa TEAM Unity?

Isama rin sa listahang ito ang mga showbiz personalities na kasalukuyang nahuhuli sa bilangan—Christopher de Leon(vice governor ng Batangas), Lito Lapid (mayor ng Makati), Nadia Montenegro(congresswoman sa Caloocan), Jestoni Alarcon (congressman sa Rizal), Angelica Jones (board member), MannyPacquiao (congressman sa General Santos City), at Anjo Yllana (vice mayor saParañaque).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi pa tapos ang bilangan, subalit hindi maipagkakaila na hindi na ganoon kainit ang pagtanggap ng mga botante sa mga artistang pulitiko. Ang magiging kabuuang resulta ng halalang ito ay may malaking implikasyon para sa mga artista—may lugar pa ba sila sa mundo ng pulitika? May malaki rin itong indikasyon tungkol sa mga botante—mas gusto ba nilang manatili na lamang sa showbiz ang kanilang mga idolo?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN