Yeng Constantino contradicts Irish Fullerton's statement

IMAGE 0


While Irish Fullerton (left) acquitted Yeng Constantino about drinking during their U.S. concert tour, Irish said that Yeng smoked in the hotel they were staying. So, who's telling the truth?


It's a battle of she said-she said ang usapang Yeng Constantino and Irish Fullerton regarding sa sinabi ni Irish na nagsigarilyo raw si Yeng during the concert tour of the Pinoy Dream Academy (PDA) scholars in the U.S. last month.

Hindi pa bumabalik si Irish sa U.S. Nandito lang siya ngayon but not as visible as she used to be. Kamakailan, na-interview si Irish sa kanyang side regarding what really happened sa U.S. tour nila.

Sa isyung inuman, Irish acquitted Yeng. Hindi raw ito uminom. Pero sabi ni Irish, nagsigarilyo raw si Yeng.

Nakausap namin kaninang tanghali, May 17, si Yeng sa Dencio's Grill in front of ABS-CBN. Very happy siya't matutuloy na ang kanyang first solo concert sa Pilipinas, although it won't be at the Araneta Coliseum anymore, kundi sa Aliw Theater na.

Paliwanag ng isang taga-PDA, naghihintay na ang U.S. promoters ng solo concert ni Yeng. Kailangan kasing dito muna gawin sa Pilipinas ang concert bago madala sa ibang bansa. Fully booked na raw ang Big Dome at kung madi-delay ang concert, pati ang U.S. tour ay madi-delay rin. Kaya kumuha na lang sila ng isang alternative venue, ang Aliw Theater nga.

Sa June 23 naka-schedule ang solo concert ni Yeng. Makakasama niya rito ang kapwa PDA scholars niyang sina Jay-R Siaboc, Ronnie Liang, RJ Jimenez, and the Cebalo Band minus Panky Trinidad. Special guests din sa concert ang mga Champion boys na sina Erik Santos, Mark Bautista, Christian Bautista, and Jed Madela. Higit pa doon, inaayos na ring makasama sa concert sina Jett Pangan of The Dawn, Rico Blanco of Rivermaya, and Wency Cornejo.

Sa U.S. tour naman, loveteams ang makakasama ni Yeng bukod sa PDA scholars. Possibly sina Luis Manzano and Anne Curtis in one show, Carlo Aquino and Angelica Panganiban in another, and some other loveteams pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dito pumasok ang usaping first U.S. tour na naging mitsa ng gulo at sanctions sa PDA.

Tinanong outright si Yeng kung totoo ba ang sinabi ni Irish na nagsigarilyo siya sa San Diego hotel where they stayed. Hindi raw, sabi ni Yeng.

Tinanong muli siya bakit ito sinabi ni Irish kung hindi pala totoo.

"Hindi ko po alam," sagot niya.

"Maaga po akong natulog noong gabing 'yon. Alam ko po nagpaplano na talaga sila ng party kasi last day na namin ‘yon sa States. Kaya lang, pagod na pagod ako kaya maaga akong natulog. Maaga rin po kasi ang alis namin," salaysay ni Yeng.

Bagama't sina Irish at Panky ang kasamahan ni Yeng sa kuwarto, si Yeng ang nag-stay at sina Irish at Panky ang lumipat.

Tinanong namin si Yeng kung naninigarilyo ba siya.

"Minsan lang po noong bata ako," pag-amin niya. "Gusto ko lang subukan. Alam naman ninyo ang kabataan, gustong ma-experience ang ganito."

Tinanong namin siya ulit kung nagsisigarilyo pa ba siya bago siya pumasok sa PDA. Hindi na raw.

"Nasibak na po ako agad ng tatay ko kaya hindi ko na po ito ginawang bisyo," paliwanag niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN