Robin postpones Beijing trip for his children's Muay Thai competition

IMAGE 0


Action superstar Robin Padilla was supposed to fly to Beijing on May 19 with the cast and crew of Asian Treasures, but he requested it to be moved so he can watch his children in a Muay Thai competition.



Hindi tuloy ang pag-alis ng cast at crew ng Asian Treasures sa Lunes, May 21, para sa taping nila sa Beijing, China. Sa halip, sa May 27 na aalis ang mga bidang sina Robin Padilla, Angel Locsin, Diana Zubiri, at Marvin Agustin. Ang advance party ng production staff headed by Production Manager Redgie Magno ay maunang aalis sa Thursday, May 24.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon, May 19, ang manager ni Robin na si Betchay Vidanes para linawin kung bakit na-postpone ang pag-alis ng cast and crew ng Asian Treasures.

Sinabi ni Betchay na si Robin ang nag-request na i-postpone muna ang pag-alis nila dahil gusto niyang mapanood ang first Muay Thai competition na sasalihan ng mga anak niyang sina Queenie at Kyle. Pumayag naman daw ang mga taga-Asian Treasures.

Ayon pa sa manager ni Robin, nagbukas ang Milo ng Muay Thai competition na gaganapin sa ULTRA sa May 27. Kasali rito ang dalawang anak ni Robin. Nasa Muay Thai Institute sa Thailand pa sina Queenie at Kyle at darating sila sa May 25. Darating din ang misis ni Robin na si Liezl at ang mga anak nilang sina Zherilyn at Ali para mapanood ang competition. Dahil umaga naman ang competition, aalis si Robin sa evening flight papuntang Beijing, China.

Nalaman din ng PEP kay Betchay na extended ng another two weeks ang Asian Treasures dahil mataas pa rin ang rating nito. Sa halip na sa June 15 ito magtatapos ay hanggang sa June 29 pa ito mapapanood sa GMA-7.

Ito rin ang dahilan kaya nag-beg-off si Robin sa paggi-guest sana niya sa show nina Ogie Alcasid at Ai-Ai delas Alas sa United States sa June 19. Ayaw raw niyang umalis hanggang ini-ere pa ang Asian Treasures dahil mahirap daw kung magkaproblema ang show, hindi magagawan ng paraan kung wala siya rito.

"Naintindihan naman ng producer ang point ni Robin at pumayag sila," sabi ni Betchay. "By October daw naman ay ibabalik pa rin sa States ang show nina Ogie at Ai-Ai at doon na lang daw nila isasama si Robin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natanong na rin ng PEP kay Betchay kung tuloy ba ang shooting nina Robin at Sharon Cuneta ng movie nila sa GMA Films.

"Tuloy na ‘yon," paniniguro ni Betchay. "Inaayos na lang ang script ni Direk Joey Reyes, na siya ring magdidirek ng movie. Baka magbakasyon lang ng ilang linggo si Robin pagkatapos ng taping ng Asian Treasures with his family dahil school break sa Australia at iyon na ang isusunod niya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN