Judy Ann still has hangover from her Tubbataha trip with Ryan

IMAGE 0


"Gusto ko kasing i-cherish ‘yong moment na kami lang ‘yong nakakaalamkung ano ‘yong mga nangyari doon. So, I don't really want to talkabout it kasi hanggang ngayon, ang saya-saya ko pa," says Judy Ann Santos about her trip to Tubbataha Reef with boyfriend Ryan Agoncillo.



Pumirma muli ng panibagong kontrata for 15 months ang young actress na si Judy Ann Santos bilang celebrity endorser ng MLhuillier Pawnshop last May 19 sa PhilAm Life Building, Makati. Nag-lapse na kasi ang first contract ni Juday with MLhuillier which is also a 15-month deal.



May iba pang malalaking female celebrities ang ikinunsidera bago kinuha ulit si Juday ng MLhuillier. Pero na-eliminate sila dahil sa sobrang laki ng talent fee na hinihingi. Bukod sa affordable ang presyo ni Juday, swak na swak pa raw ang personality niya sa mga customers ng MLhuillier.



From a source, nalaman namin na mahigit P6 million ang talent fee ni Juday for this endorsement. Puwedeng-puwede nang ipambayad if ever sa natitira niyang utang sa BIR (Bureau of Internal Revenue). Although sinabi ni Juday sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na wala nang magagawa ngayon dahil nasa Court of Tax Appeals na raw ang kaso at naghihintay na lang sila ng desisyon sa ginagawa pa ring hearing sa kaso.

"Inaayos pa rin, ongoing," sabi ni Juday. "I'm praying na sana matapos na kasi mahigit isang taon na rin siya. Sino nga bang tao ang may gusto na may inaayos kang kaso, di ba? Grumabe lang. Hindi naman siya dapat grumabe, e. Um-OA lang.

"Well, I guess it's part of life. Ganun talaga. If you want to learn more about your business, you have to suffer. You have to know [the] do's and don'ts of the process," paliwanag pa ng young actress.



Samantala, naging masaya naman daw ang live-aboard diving trip nila ng boyfriend niya na si Ryan Agoncillo sa Tubbataha Reef bago ang kanyang birthday noong May 11.



"Simpleng bakasyon, masaya," sabi ni Juday. "Actually, lahat exciting ‘yong moments, e. Kasi pareho naming first-timer doon, so nakakatuwa. Pero six years na akong diver.



"Ngayon, trabaho uli. May hangover lang. Pero gusto ko kasing i-cherish ‘yong moment na kami lang ‘yong nakakaalam kung ano ‘yong mga nangyari doon. So, I don't really want to talk about it kasi hanggang ngayon, ang saya-saya ko pa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Biniro namin si Juday na tutal naman katabi lang niya that time ang panganay na anak ng may-ari ng MLhuillier na si Charles Lhuillier, e, baka type niya na magpagawa na ng gown sa bunsong kapatid nito at sikat na fashion designer sa U.S. na si Monique Lhuillier.



"Aray ko! Hindi kaya ng budget!" natatawa niyang sagot.



"Kung magkaroon man ako ng chance na magpagawa ng damit kay Monique, siguro it will be a personal, you know, it's not for a wedding or something. It's just gonna be something personal na talagang panghabambuhay. Kasi 'pag wedding, isang beses mo lang gagamitin, e. Iyong kay Monique, parang kailangan mong ulit-ulitin para masulit ‘yong bayad mo. Hindi siya pang-one time lang na suotan. Hindi talaga," paliwanag niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN