Donna Cruz gives birth to her third child

May 26, 2007
Former actress-singer Donna Cruz (in phot) and her husband Dr. Yong Larrazabal welcome the arrival of their third child, Iñigo Renato Larrazabal, who was born yesterday, May 25, in Cebu.

Nanganak na ang dating actress-singer na si Donna Cruz ng isang malusog na baby boy kahapon, May 25, bandang alas-otso ng umaga sa Cebu Doctors Hospital. Ang pangatlong anak ni Donna, na pinangalanang Iñigo Renato Larrazabal, ay isinilang via the caesarean section ni Dr. Raida Varong, ang obstetrician-gynecologist ni Donna. Ito ang unang pagkakataon na nagsilang si Donna via the caesarean section.

Ang sanggol ay tumimbang ng 8.8 lbs. Kasama ni Donna sa delivery room ang kanyang asawang si Dr. Yong Larrazabal.

Donna was admitted to the Cebu Doctor's Hospital mga bandang alas-onse ng gabi noong Huwebes, May 24. Bandang alas-dose ng hatinggabi ay nagsimula na itong maka-experience ng labor pains na tumagal ng pitong oras.

Sa huling pakikipag-usap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Donna sa telepono two weeks ago, sinabi ng dating actress-singer na ayaw niyang ma-CS. Mas gusto pa rin daw niya na normal delivery lamang niya iluluwal ang kanyang sanggol.

Continue reading below ↓

Pero ayon pa rin sa kuwento ni Donna, sinabihan daw siya ng kanyang OB-Gyne na masyadong mabigat ang bata sa kanyang tiyan. Halos kasimbigat na raw ito ng panganay niyang si Belle nang ipanganak niya ito.

Ngayong araw, May 26, ay nakatakdang lumuwas ng Cebu ang ina ni Donna na si Yolly Cruz-Yrastorza.

Ang panganay nina Donna at Yong na si Belle is turning eight years old this October, samantalang ang ikalawa nilang anak na si Sean ay limang taong gulang na.

Read Next
Read More Stories About
Donna Cruz, Yong Larrazabal
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former actress-singer Donna Cruz (in phot) and her husband Dr. Yong Larrazabal welcome the arrival of their third child, Iñigo Renato Larrazabal, who was born yesterday, May 25, in Cebu.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results