Stunt director who accidentally hit Valerie Concepcion gets sanction

IMAGE 0


Young actress Valerie Concepcion was accidentally hit by a car in a scene of the afternoon soap opera Sinasamba Kita. The stunt director, Jay Javier, who hit Valerie will be sanctioned.



Okay na ang young actress na si Valerie Concepcion after the accident that happened to her sa taping ng Sinasamba Kita last Friday, May 25, kung saan natuluyan ang pagkakabangga sa kanya ng sasakyan for one scene in the said afternoon soap directed by Joel Lamangan.

Sa Muntinlupa kinunan ang nasabing scene, kung saan dapat ay mababangga nga ng isang sasakyan si Valerie driven by the stunt director Jay Javier. Kaso, hindi sinasadyang lumagpas sa mark ang stunt director kung kaya't napuruhan si Valerie.

Isinugod agad sa Asian Hospital si Valerie who complained of back and neck aches. Ayon sa mga doctors na nag-check up sa kanya, okay na si Valerie at wala nang dapat ipag-alala sa kanyang health.

Kaso, bibigyan ng sanction si Jay dahil sa nangyari. Handa namang tanggapin ng stunt director ang sanction kahit hindi niya ito sinasadya.

Ipapalabas pa rin ang sagasaan scene as part of Sinasamba Kita. Ang mapapanood ng viewers ay ang actual accident dahil hindi na nga ito na-reshoot due to Valerie's condition.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN