Marjorie Barretto denies affair with mayor

IMAGE 0


"I feel insulted! If I was having an affair, do you think my husband will stand by my side? Please, let's give my husband the respect he deserves," says Marjorie Barretto about the rumor that she is having an affair with Caloocan City Mayor Recom Echiverri.


"It was one of the loneliest days in my life," sabi ni Marjorie Barretto habang ikinuwento niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang araw niya kahapon, May 26. Hindi niya raw alam ang gagawin niya dahil paggising niya sa umaga, wala nang kampanya at bilangan, at maaaring wala na rin ang asawa niyang si Dennis Padilla sa tabi niya.

Naging mailap naman si Marjorie sa mga tanong tungkol sa paghihiwalay nila ng asawa. Ayon sa bagong konsehala ng Caloocan, wala na raw siyang puwedeng sabihin pa tungkol sa pakikipaghiwalay niya.

"I feel insulted!" ang bulalas niya nang tanungin tungkol sa pagkaka-link niya sa re-elected Caloocan City Mayor Recom Echiverri. Speaking of the mayor, she said, "Motorcade nga kami bukas, hindi ko alam kung paano ako sasama, sobra akong nahihiya sa kanya."

Ayon kay Marjorie, hindi raw totoo na si Mayor Echiverri ang rason kung bakit naghiwalay sila ng kanyang asawa. Black propaganda lang daw ito laban sa kanya.

"If I was having an affair, do you think my husband will stand by my side? Please, let's give my husband the respect he deserves," sabi niya.

Hindi pa rin nagdetalye si Marjorie tungkol sa hiwalayan nilang mag-asawa.

"I have kids and I think its more than enough reason kung bakit ayaw ko nang magsalita. Mahal namin ni Dennis ang mga anak namin at hindi kami magsisiraan sa publiko," aniya.

Pinabulaanan pa ni Marjorie na sa dating campaign headquarters na lang natutulog si Dennis.

"Hindi naman ako ganoon ka-bad," she said. "I still love Dennis and he is okay where he is."

Ikinuwento rin nito na nanliligaw muli sa kanya ang kanyang asawa.

"He sends me chocolate and flowers and stuffs. Parang flower shop na nga ang bahay namin because Dennis sends me flowers na OA sa dalas."

Pinakikita ni Marjorie na kinikilig siya sa muling panlililgaw ng kanyang asawa, pero nililinaw niyang may mga bagay silang dapat baguhin ni Dennis bago sila magkabalikan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dennis will always be a part of my life," diin niya. "He's out of town right now with our daughter for a show, or else he will be in my family's most important occasions. Kasama si Dennis sa mga Valentines, birthdays, anniversaries—until he finds a girlfriend."

Paano kung si Marjorie naman ang makahanap ng kanyang boyfriend?

"'Yon ang problema ni Dennis!" patawang sagot ni Marjorie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN