Life goes on for singer Jo Awayan

IMAGE 0


Jo Awayan used to hold the Queen of Lounge title here in the Philippines. Five years ago, she left for the US to "try her luck."


Jo Awayan has made a name for herself in the entertainment industry as a singer. Rocker ba ang dating! At maraming beses na rin naman siyang sumalang noon sa sari-saring venue, gaya ng Music Museum, Cosmo Bar, at lounges ng iba't ibang hotel.


Small but terrible. Astig pero sexy. ‘Yun ang porma ng isang Jo Awayan when she takes centerstage. At nilulunod ng powerful voice ang kanyang "four feet and no inches" na height.

Ilang taon ding namalagi sa Amerika si Jo. May of last year, umuwi muna siya rito. Limang taon nang namamalagi at namamayagpag sa sari-saring show doon si Jo.

"I'm a green-card holder na. Kaya umuwi naman ako rito kasi, marami rin akong kailangang ayusin. And I'm thankful naman na I'm doing a lot of gigs sa bars ni Allan K. while waiting for the time para bumalik na uli ako in the US."

Nang makita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jo sa gig niya sa Klownz sa Quezon Avenue, naghanap kami ng sagot tungkol sa blind item na tumukoy sa kanya at sa girlfriend niyang may initials na LN. Diumano'y tinapos na niya at ni LN, na madalas makita sa ABS-CBN shows, ang eight-year relationship nila.


"It was a mutual decision. Mahirap din kasi ‘yung situation niya. Kasi, itatakwil siya sa church nila dito kung malaman nila na gano'n. And she had to come home rin naman dahil nilagyan ng pacemaker ang Mama niya, and sa kanilang magkakapatid, siya ‘yung kailangang mag-alaga"

Hindi ka ba tanggap ng pamilya niya?

"Parang gano'n na nga. When she decided to go with me to the States, ayaw nila talaga. But she made her decision. And for a long time, we were doing okay there. Nakita mo naman 'yon doon when you had the chance to visit us, 'di ba? Masarap na mahirap man ang buhay, we just kept on struggling. At nagbubunga naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But now, more than anything, we are still very good friends. ‘Pag may gig ako and may time naman siya to watch, she still comes. Ako rin naman, inaasikaso ko rin ang pamilya ko at sobrang sick ang Papa ko. Nagkaroon siya ng multiple strokes pero medyo stable na ang kalagayan niya ngayon. Ang dami niyang clog sa brain niya. And we're praying na walang pumutok sa mga ito."

Kagaya ba ng ibang artists na to look for greener pastures abroad, particularly in the US, ang siyang rason ni Jo kaya she packed her bags and started a new life there nung March 2002?

"I just felt na gusto ko na rin sigurong i-try ang luck ko there, and hindi naman din marami ang mga gigs namin during that time. And when we got to the US, suwerte rin kami dahil maraming mga kababayan natin ang tumulong sa amin to have shows."

Nakapagsimula na ba kayo ni LN ng isang matiwasay na buhay sa Amerika?

"Nung umuwi kami rito, dadalhin na sana namin lahat ng mga gamit namin from there. Pero ‘yung mga good-hearted people na kumbaga, nag-adopt sa amin doon, sabi, iwan na muna namin ang mga gamit namin doon dahil babalik din naman kami. Nakilala lang namin sila sa mga gigs that we did. Natuwa sa amin kaya instead na mag-rent kami ng apartment there, sa kanila na rin kami tumira. Parang mga nanay na rin namin. And of course, nalungkot din sila sa nangyari sa amin ng girlfriend ko. Pero ganu'n talaga."

So, pag-uwi mo sa Amerika, mag-isa ka na lang babalik?

"I guess so. Siya naman, [she] wants to continue her career here."

Parang kanta, ‘di ba? Some good things never last.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN