Marjorie Barretto and Dennis Padilla confirm "trial separation"

IMAGE 0


After first denying that their marriage is on the rocks, Marjorie Barretto and Dennis Padilla finally admit that they have separated.



Noong panahon ng kampanya for the May 14 elections, naging maingat si Marjorie Barretto sa pagsagot ng mga tanong, kabilang na dito ang mga usapin tungkol sa kanyang pamilya. Hanggang sa naproklama siya bilang konsehal ng Caloocan City noong May 23, walang naka-alam na may problema pala sa pagsasama nila ng asawang si Dennis Padilla. Ito raw ang araw na umalis si Dennis sa kanilang tahanan at natulog sa apartment na inuupahan nila para maging headquarters ni Marjorie noong kampanya.

April 13 nang una naming ma-interview si Marjorie habang naglilibot siya sa ilang barangay na kanyang nasasakupan para mangampanya. Hindi nakitaan ang aktres ng kahit anong senyales na nagkakalamat na pala ang relasyon nilang mag-asawa. Pulos tanong pa sa pagbabati ng mga kapatid niyang sina Gretchen at Claudine Barretto ang kanyang sinagot noon.

Ikinuwento rin ni Marjorie kung gaano kalaki ang adjustment ni Dennis lalo na nang pasukin niya ang pulitika. Oras-oras daw tumatawag ang kanyang asawa para i-check siya.

Ilang araw bago ang eleksiyon, pumutok ang balitang may karelasyon daw si Marjorie na isang politician. Ito raw ang rason kung bakit naghiwalay ang mag-asawa. Marami ang nag-isip na smear campaign lang ito laban sa kumakandidatong si Marjorie kaya't hindi masyadong pinansin ng media.

Sa panayam nga ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Dennis noong May 17, na lumabas dito noong May 19, ay pinabulaanan din ng komedyante ang balitang hiwalay na sila ni Marjorie.

Sabi niya, "Hindi totoo 'yon. That's part ng campaign ng kalaban para siraan si Marjorie. But sad to say, hindi 'yon nagtagumpay. Hindi sila pinaniwalaan ng taong-bayan. Politically motivated 'yong isyu na 'yan."

Pero kahapon, May 25, kinumpirma ng mag-asawa sa pamamagitan ng column ni Ricky Lo sa Philippine STAR na hiwalay na nga sila.

Ikinuwento ni Ricky sa "Chika Minute" ng 24 Oras kung paano humarap sa kanya ang dalawa. Nagbibiruan pa raw ito pero desididong hiwalayan ang pinag-usapan. Inamin daw ni Dennis na siya ang may kasalanan sa kanilang trial separation ni Marjorie. Hindi na raw idinetalye nina Marjorie at Dennis ang rason.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Marjorie daw ang nanghingi ng space. Kailangan niya raw ito para ayusin ang kanyang pag-iisip para sa ilang mahahalagang bagay. Binibigyan din daw niya ng pagkakataon si Dennis para baguhin kung anuman ang naging mitsa ng kanilang hiwalayan.

Maaari pa rin daw bisitahin ni Dennis ang kanilang mga anak.

Iginiit din ng mag-asawa na walang third party na namamagitan sa kanila. Hindi rin daw totoo ang tsismis na may ibang karelasyon si Marjorie. Bagkus, sinabi ni Dennis na isang mabuting asawa at ina si Marjorie.

Magse-celebrate na raw dapat ng ika-sampung wedding anniversary ang dalawa sa darating na Nobyembre. May apat na anak sina Dennis at Marjorie—sina Daniella, 13; Julia, 10; Claudia, 7; at Leon, 2.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN