Polo Ravales admits having a crush on Diana Zubiri

IMAGE 0


"Inamin ko naman kay Diana na noong hindi ko pa siya personally nakikilala, noon pa, kahit wala pa si Ara sa buhay ko, talagang crush ko na siya. Pero siguro nga, we were not meant to be," says Polo Ravales about his crush on Silip co-star Diana Zubiri.


Sa press conference para sa pinakabagong proyekto ng Seiko Films na Silip, inamin ng sexy actor Polo Ravales na kung hindi pa raw sila magkakilala ni Ara Mina, malamang na si Diana Zubiri, isa sa leading ladies niya ngayon sa nasabing pelikula, ang siyang niligawan niya raw.



Kumalat kasi ang balitang sa pagsasama nila sa telefantasya na Encantadia, naging lalong malapit ang loob nila sa isa't isa.



"Inamin ko naman kay Diana na noong hindi ko pa siya personally nakikilala, noon pa, kahit wala pa si Ara sa buhay ko, talagang crush ko na siya. Pero siguro nga, we were not meant to be. Dahil sa trabaho lang talaga kami nagkakasama. At gaya nga ng sabi ni Diana, siya pa ang naging tulay para maging kami ni Ara," kuwento ni Polo.



Pinag-usapan na rin sa iba't ibang babasahin ang pagsalang ni Polo sa masasabing boldest role niya to date because he took off his pants for this movie. Meaning, he showed his ass in some of the scenes. Was it a desperate move para ma-boost ang kanyang career?



"No, hindi naman desperate move," paglilinaw niya. "Noong una, hindi ko rin alam kung kakayanin ko bang gawin ‘yon. Pero dahil nga si Joel Lamangan ang magiging direktor namin, alam ko na I was in safe hands. At hindi lang ‘yong paghuhubad ko o namin [nina Diana at Francine Prieto] ang titingnan o panonoorin sa pelikula kundi sa ikot din ng istorya."



All the more na puwedeng masabing merong puwedeng ma-develop sa kanila ni Diana with the scenes na sinalangan nila. Not just kisses, pero ang paglalapat ng mga katawan dahil na rin sa mag-asawa ang ginagampanan nilang papel.



"Pag nasa harap ka naman ng camera, oo, meron ka ring mararamdaman kung ganoon ang eksenang gagawin mo. Pero hindi dapat. Dahil trabaho ang ginagawa ninyo at hindi dapat na lumampas sa limitasyon ang kailangang mangyari sa paggawa niyo ng ganoong kaseselang mga eksena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Nagkaroon din naman ako ng takot noong gawin ko na ‘yong pag-aalis ko ng saplot. Pero nag-workshop muna naman kami bago kami sumalang sa shooting. Para lang mawala ‘yong hiya namin sa isa't isa. Mawala ang kahit na ano pang inhibitions. First time ko kasi gagawa ng sexy kaya ako pa ‘yong mas ninerbiyos sa mga leading ladies ko.

"At saka, nagawa naman namin nang tama ang kinailangan sa amin ni Direk na ibigay namin sa mga eksena niya dahil na-motivate rin kami nang husto sa mga karakter na ginanpanan namin. Kaya hindi naman naging mahirap para mawala na ‘yong pagka-ilang namin ng mga kaeksena ko," mahaba niyang paliwanag.



Aminado siyang crush niya si Diana noon pa. So, masasabi ba ni Polo kung sino kina Diana at Francine ang mas feel niyang nakasalo sa mga eksenang ginawa nila?



"Mas wild ang mga eksena namin together ni Francine, although meron din with Diana. Mahirap i-compare o sabihin kung alin ang mas feel ko. O kung saan ako mas nag-enjoy. Kasi, pareho namang enjoy!" pilyo niyang tawa.



Going back to Ara, kumusta na sila? Nanumbalik na ba sa pagiging magkaibigan ang trato nila sa isa't isa?



"Noong kampanya ng Dad [Chuck Mathay] niya, there was a time naman na pumunta ako sa isa sa mga sorties nila. ‘Yon nga lang, hindi kami nag-abot. Pag-alis ko, at saka dumating si Ara. Magkaibigan pa rin naman kami. Every once in a while, nagkakapalitan pa rin ng text.



"Kung magkakabalikan? That I do not know. Sila na ba uli ni Jom [Jomari Yllana]?" tanong niya.

Hindi yata alam ni Polo na may Pops Fernandez na ngayon si Jomari.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN