Say Alonzo denies dating Erik Santos

IMAGE 0


"Yes, lumalabas kami ni Erik pero may kasama kami. We're always in a [Bible study] group. Never pa na lumabas kami na Erik na dalawa lang kami," says Say Alonzo (right) about the rumor that she is dating Erik Santos (middle), Rufa Mae Quinto's (left) boyfriend.


Agad tinawagan ng Pinoy Big Brother ex-housemate na si Say Alonzo ang PEP (Philippine Entertainment Portal) para linawin ang ibinuking ni John "Sweet" Lapus sa Showbiz Central last Sunday, May 27, na nag-date sila ng boyfriend ni Rufa Mae Quinto na si Erik Santos. Mariing itinanggi ni Say na lumabas sila ni Erik para mag-date.



"Nagulat ako noong marinig ko ‘yon," bungad ni Say sa telepono. "Nagkataon na I was watching that show [Showbiz Central] noong minention ni John ‘yong name ko na nakipag-date si Erik sa akin. Of course, it's not true."



Kagrupo ni Say si Erik sa Bible study ng Victory Christian Fellowship, pati na si Rufa Mae. Medyo matagal na rin daw silang magkakaibigan nina Rufa at Erik, pati na ang iba nilang kasama sa Bible study gaya nina Toni Gonzaga, Sam Milby, at Piolo Pascual.



"Medyo hindi lang ako naka-attend these past few weeks because I'm busy with this show na Celebrity Ice Skating sa QTV 11. Halos every day wala akong ginawa kundi mag-ice skate kaya di ako nakaka-attend ng Bible study lately.



"But you know what? During the time na napanood ko ‘yong tsismis sa amin ni Erik, I was in Peachy's [palayaw ni Rufa Mae] house. Tumulong ako sa pagpri-prepare ng surprise birthday party for her sa bahay niya sa Acropolis. Five [in the afternoon] pa lang, nandoon na ako sa bahay ni Peachy.



"In fact, after marinig ko ‘yong name ko, tinawagan ko agad si Erik. He was with Rufa Mae that time sa Channel 7. Sinamahan niya si Rufa kasi nga isu-surprise namin siya. E, nasa dressing room si Erik at di raw niya narinig na sinabi ‘yon. Pareho kaming natawa noong sabihin ko sa kanya.

"Yes, lumalabas kami ni Erik pero may kasama kami. We're always in a [Bible study] group. Never pa na lumabas kami na Erik na dalawa lang kami," mahabang paliwanag ni Say.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Sobrang nasorpresa si Rufa Mae nang pagdating niya sa bahay ay may sorpresang naghihintay sa kanya. Doon napag-usapan nina Rufa Mae at Say ang tungkol sa pagdi-date nila diumano ni Erik.



"Tawa kami nang tawa ni Rufa habang pinag-uusapan ‘yon. Kasi siya mismo, alam niya kung ano ang totoo. Hanggang sa inabot na ako ng 2 a.m. sa party ni Rufa," sabi ni Say.



Hindi maintindihan ni Say kung bakit kung kani-kanino siya natsismis na nakikipag-date. Feeling niya raw ay may naninira lang sa kanya kaya inili-link siya sa iba. Samantalang most of the time daw ay si Sam ang madalas niyang kasamang mag-dinner sa labas na hindi nababalita. Favorite hangout nila ni Sam para kumain ang Greenbelt, Makati, since halfway place ito para kay Sam na nasa Pasig ang condo at si Say naman na nakatira sa Multinational Village sa Parañaque.



And speaking of Sam, kung Paul Smith na sneakers ang regalo ni Anne Curtis kay Sam nong birthday ng binata, personalized necklace naman ang ibinigay ni Say sa dating co-Pinoy Big Brother housemate.



Dinisenyo pa raw ng kaibigan ni Say na si Cindy Ng ng Hoseki jewelries sa Podium para kay Sam ‘yong kuwintas na may silver pendant with solid gold and ebony wood. Meron itong black rubber chord. Nagustuhan daw ito ni Sam dahil bagay na bagay sa tulad niyang rocker ‘yong necklace.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN