Angelika dela Cruz: To bikini or not to bikini?

IMAGE 0


Angelika dela Cruz has never worn a bikini or a bathing suit in a TV show or a movie. Now that she's 25 years old, the young actress says she may be ready to show some skin.


Kung nagkataon, hindi pala sana si Roxanne Guinoo ang bagong image model ng White Castle kung di si Angelika dela Cruz.



Napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na bago in-offer kay Roxanne ang pagiging latest celebrity endorser ng White Castle, ito ay kay Angelika muna inalok. Kaya nga lang daw ay hindi ito tinanggap ni Angelika.

Sa katunayan, nakausap na nga raw ng mga taga-White Castle ang manager ni Angelika na si Boy Abunda. Ngunit sa bandang huli, tinanggihan daw ito ng young actress at ng ama nitong si Ernie dela Cruz.



Nang makausap ng PEP si Angelika at tinanong kung hindi ba siya nanghinayang na hindi niya tinanggap ang offer, nangingiting umiling si Angelika.



"Walang panghihinayang," sabi niya. "Kasi ang kausap naman nila, si Tito Boy. Si Tito Boy naman ang makakapagsabi if okay ba ang offer. At saka, ako kasi ang taong naniniwala na kapag hindi natutuloy ang isang bagay, it means na hindi talaga siya meant to be.



"At that time pa na in-offer nila ‘yon, I was in Japan for the whole month, meron akong show. So, hindi rin possible na magawa ko ‘yon."



Bukod dito, kahit 25 years old na si Angelika, talagang hindi pa rin daw niya makita ang sarili na magpa-sexy. In fact, sa buong panahon na inilagi raw niya sa showbiz, never pa raw siyang nakapagsuot ng bikini o bathing suit sa anumang TV show or pelikula na ginawa niya.



Pagdating sa bagay na ito, masasabing ang ama ni Angelika na si Daddy Ernie ang may conservative outlook. Hindi pa rin daw niya kayang mapanood ang anak na magpa-sexy, o kahit naka-bikini lang, lalo pa ang magpakita ng maseselang parte ng katawan.



Pero ayon kay Angelika, "Twenty-five years old na rin ako. So siguro, puwede na rin naming i-welcome ‘yong idea na mag-two-piece kung kailangan talaga at kung maganda naman ang offer."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Hindi rin itinanggi ni Angelika na napakarami na talagang offers sa kanya na ma-cover girl sa iba't ibang men's magazines.



"Siguro kung sakali man na gagawin ko ‘yon, gusto ko na kapag ginawa ko ang isang bagay, ‘yong tipong handang-handa na talaga ako at hindi ko pagsisisihan pagdating ng araw ang anumang decision na gagawin ko," paliwanag ni Angelika.



Nang makausap naman ng PEP ang ama ni Angelika na si Daddy Ernie, sinabi nitong may pinanggalingan din kung bakit ganoon na lang ang tanggi niya sa sexy offers para sa anak.



Kuwento ni Daddy Ernie, "Noong magkaroon kasi ng sunog sa lugar namin, around fourteen [years old] pa lang si Angelika noon, dala-dala niya sa labas ng bahay ‘yong mga important documents. Kumbaga, nagpi-prepare na rin kami na mai-save ‘yong mga dapat ma-save in case umabot ‘yung sunog sa bahay namin.



"Habang nagkakasunog at nasa labas kami, may mga dati akong kakilala sa lugar namin na dumadaan. Nang makita nila si Angelika, narinig ko talaga nang sabihin nilang, ‘Sobra naman si Ernie, pinag-bold na ang anak!'"



That was the time na introducing daw si Angelika sa pelikulang Nights of Serafina ng Regal Films. Bagama't hindi nagpa-sexy si Angelika sa naturang pelikula, tila hindi mawala sa impression ng mga tao na lumabas si Angelika sa isang sexy film. Pero kung tutuusin ay wholesome ang role na ginampanan ni Angelika sa kanyang kauna-unahang pelikula.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN