Valerie Concepcion talks candidly about her sex life

IMAGE 0


"Kung uunahin ko ang landi, dyusko, baka mabuntis ulit ako! No way, ayoko muna," says Valerie Concepcion.


Natatawa na lang si Valerie Concepcion sa mga tanong sa kanya about sex sa press con ng trilogy movie na Angels last June 5. Inamin ni Valerie na 2004 pa siya huling nakipag-sex at noon siya nabuntis nang wala sa panahon. Pagkatapos daw noon ay hindi na raw siya "nakatikim" ulit.



"Ang lungkot, di ba? Three years na akong hindi nakakatikim!" malakas na tawa ni Valerie.

"Nakakaloka naman at sinasagot ko ang mga tanong ninyo about sex! Sex maniac ba ako?" habol pa niya.



Nakakatuwa si Valerie dahil very open siya sa mga usapin tungkol sa sex. Ayon pa nga sa kanya, hindi raw totoo na kapag nakatikim ka na ay hahanap-hanapin mo.



"Naku, e, di sana may boylet ako ngayon para pagbigyan ako, di ba?" natatawa niyang sabi. "Pero sa totoo lang, wala, e. I don't even look or ask for it. Kaya mali yata ang kasabihan na once you had it, gusto mo paulit-ulit. Hindi totoo sa akin. Tigang na nga ako pero hindi ko pa rin hinahanap ang sex. Ang weird ko nga raw, e."



Sinabi rin ni Valerie na naaasiwa siya kapag may nakikilala siyang mga lalaki na alam niyang sex lang ang hanap sa kanya. Agad daw na umiiwas si Valerie sa mga ito.



"Nagmamaganda talaga ako, promise!" malakas na tawa niya. "Kasi nga nagiging maingat na ako. Dyusko naman, magti-three years old na ang baby girl ko. Ang baby ko ang pinaka-priority ko kaya ako nagtatrabaho nang sobra-sobra. Mahal ang diapers, gatas, at vitamins.



"Kung uunahin ko ang landi, dyusko, baka mabuntis ulit ako! No way, ayoko muna. Kaya ang mga lalake na hanap lang ay maka-sex ako, sorry at hindi puwede. Sobrang pagmamaganda ko na ito, huh! Magbubuhay muna ako nang matino at ayoko nang magdala ng problema sa pamilya. Gusto kong mag-ipon para sa baby ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Hindi ba siya nakakatanggap ng kahit na anong tulong financially mula sa ama ng kanyang baby na si Jeremy Carag (hindi taga showbiz)?



"Wala," sagot niya. "As in nag-disappear na lang siya. Okay lang naman kasi kinaya ko naman, e. He wasn't there noong nagbuntis ako, e. So ano pa ang business niya para panghimasukan kaming mag-ina, di ba?



"Ngayon, kung gusto niyang makita si Fiona, okay lang. Alam naman niya kung saan ako matatagpuan. Ngayon, kung ayaw niya, okay rin lang. Basta ako, I work so hard para sa future ng baby ko. Hindi ako naging pabayang ina."



Pero ano itong tsismis na pinopormahan daw siya ngayon ni Wendell Ramos, lalo na after ng naging kissing scene nila sa Sinasamba Kita?



"Iyong kay Wendell, wala naman ‘yon. Naging close lang kami dahil sa mga naging eksena namin sa Sinasamba Kita. Nagkaroon kasi kami ng chance na mag-bonding sa set kaya nakakabiruan ko na si Wendell.



"Tsaka hindi naman ako popormahan ni Wendell kasi may girlfriend siya, di ba? Ayoko namang maging dahilan kung mag-aaway man sila. Hindi totoo na pinopormahan ako ni Wendell. Iyong kissing scene na ‘yon, normal lang sa trabaho namin," paliwanag ni Valerie.



Kung sakaling walang karelasyon si Wendell, magugustuhan kaya niya ang aktor?



"Kahit na sinong girl ay magkakagusto kay Wendell," pag amin ni Valerie. "Unang-una, guwapo, matangkad, at macho. Kumbaga, he's the whole package. Pero hindi ko rin masabi kung type na type ko siya. Siguro kung hindi ko siya kilala at wala ako sa showbiz, magkaka-crush ako sa kanya. Pero dahil sa nakilala ko na siya, friend at katrabaho mo siya na maituturing."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN