Yeng Constantino is proud to be an 18-year-old virgin

IMAGE 0


Yeng Constantino entertained the press in anticipation of her first major concert on June 23, Rock Enroll: Yeng's Rock to School (Back to School) Concert.


Masusubukan ang star power ng Pinoy Dream Academy grand winner na si Yeng Constantino sa pamamagitan ng kanyang first major concert, ang Rock Enroll: Yeng's Rock To School (Back to School) Concert, na gaganapin sa June 23 sa Aliw Theater.



Aminado si Yeng na pressured at kabado na siya, pero pilit daw niyang hindi maapektuhan sa ganoong klase ng attitude. Pa'no kung sakaling hindi mapuno ang kanyang concert, anong gagawin niya? Kampante lang si Yeng sa pagsasabing matatangap niya 'yon at magpapasalamat pa rin sa mga taong susuporta sa kanya.



Napag-usapan din sa press conference ng concert ni Yeng kahapon, June 6, ang mga personal na bagay tungkol sa kanya, gaya ng pagdududa ng marami sa kanyang kasarian (gender). Hanggang ngayon kasi ay wala pa ring boyfriend ang 18-year-old singer.

Ayon kay Yeng ay hindi raw siya tomboy at buong pagmamalaking sinabi: "I'm still a virgin!"

Nagbiro ang ilang entertainment press kay Yeng at sinabing tila hindi kapani-paniwala na may isang gaya niya na napi-preserve pa ang kanyang virginity.



"Corny man pong sabihin, pero talaga pong ito ako, e," sabi niya. "Hindi ko masabi kung ano ito, pero 'yon po ang paniniwala ko. Na mas maganda pa ring pagdating ng tamang panahon, at saka ko lang 'yon ibigay sa lalakeng tama para sa buhay ko."



Pinalakpakan si Yeng ng mga kaharap na entertainment press dahil sa pagiging totoo nito, hindi lang sa mga kaharap niya kundi pati na sa kanyang sarili. Natanong tuloy ang dalaga kung mga lalake raw ba ang mga kapatid niya dahil pansin din sa kilos niya ang astang lalaki, pati ang speaking voice niya.



"Lumalaki lang po siguro ang vocal chords ko. Pero ganito na po talaga ang timbre ng boses ko. At saka ang tangi ko pong kapatid na lalake, e, bakla!" sabay tawa ni Yeng.



Sinabi rin ni Yeng na wala sa prayoridad nito ngayon ang pagkakaroon ng lovelife. Mas gusto niyang mag-focus sa kanyang career bilang isang musikera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Sa mga intriga namang ipinupukol kay Yeng, na supladita at maldita raw siya, ayaw raw niyang pansinin ang mga ito dahil ang alam niya, wala namang insidenteng nangyari sa kanya na may inartehan siya ng kagaspangan. Dahil kahit na ano raw ang ginagawa ay siguradong bibitawan niya kapag may lumapit na mga fans sa kanya.



Yeng has so many big dreams. Kabilang dito ang pagpapatayo ng sarili nilang restaurant ng kanyang inang mahilig sa pagluluto. Gusto rin niyang magkaroon ng sariling mga apartment na paparentahan. Nagpapagawa na nga raw siya ng bahay, pero hanggang bewang pa lang daw niya ang taas ng mga hollow blocks na naitatayo.



Mga sikat na bokalista ng mga bandang Cueshe (Ruben Caballero at Jay Justiniani) at Shamrock (Mark Tupaz) ang magiging special guests ni Yeng sa kanyang first major concert. Treat na rin daw ang concert ni Yeng para sa mga estudyante, na bibigyan ng buy-4-take-1 promo sa tickets na kanilang bibilhin.



Si Johnny Manahan ang magdidirek ng unang major concert ni Yeng kaya marami ang nagsasabing siguradong bongga ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN