Tirso Cruz III not shocked by Nora Aunor's same-sex marriage

IMAGE 0


"Lahat nagawa na ni Guy and she's capable of that. Hindi na ako nagulat. Tsaka baka gusto talaga ni Guy gawin ‘yon noon pa. Parang siguro pagod na rin siya. And now, she's free to do that naman yata, e," says Tirso Cruz III about the rumored same-sex marriage of his former loveteam, Nora Aunor, in Las Vegas, Nevada.



Isa sa mga unang dumating sa birthday celebration ni Sam Milby last Wednesday, May 23, ang aktor na si Tirso Cruz III. Avid fan kasi ni Sam ang misis ni Pip na si Lyn Ynchausti-Cruz. Tino-tolerate naman ng aktor ang pagiging fan ng kanyang misis dahil tagahanga rin daw niya kasi si Lyn nang una silang magkakilala.



Sa party ni Sam ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Tirso. Isa sa mga napagkuwentuhan namin ay ang balitang pagpapakasal diumano ng dati niyang ka-loveteam na si Nora Aunor sa kanyang manager na si Norie Sayo, isang tomboy. Ang tambalang Guy & Pip ang pinakasikat na tambalan noong ‘70s.

Dito sa PEP unang lumabas ang pagpapakasal diumano nina Nora at Norie sa Las Vegas, Nevada, noong May 22, 2000.



"Hindi ako nagulat," diretsong pahayag ni Pip. "Kasi sa Amerika naman, napaka-ordinaryo na ng ganun, e. Napakadaling magpakasal doon. Kahit nga same sex napakadaling magpakasal.

"Kaya nga lang, pagdating dito sa atin, e, medyo di pa ganun kadali para sa ilan nating mga kababayan ang ganung sistema, ang ganung kultura. Tsaka kaya lang naman isyu ‘yang pagpapakasal ni Guy, e, dahil Superstar siya dito," paliwanag ng aktor.



Naniniwala ba siyang nagpakasal nga si Guy sa kapwa niya babae?



"Oo naman!" sagot niya. "Sabi ko nga sa ‘yo kanina, normal lang ‘yon sa Amerika, e. Ang ano lang diyan, kung noong 2000 pa sila ikinasal, aba, naitago nila ng ilang taon, huh!

"There's nothing new," patuloy niya. "It's very Nora Aunor. Lahat nagawa na ni Guy and she's capable of that. Hindi na ako nagulat. Tsaka baka gusto talaga ni Guy gawin ‘yon noon pa. Parang siguro pagod na rin siya. And now, she's free to do that naman yata, e."



Huling nagkita sina Guy at Pip bago pumunta sa US ang Superstar at nahulihan diumano ng ipinagbabawal na gamot sa airport. Nabanggit din ni Pip na isa sa mga ninang ng anak niyang si Bodie, na kasalukuyang nasa loob ng Pinoy Big Brother house, ang Superstar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pagpapakasal ni Guy kay Norie, heto ang mensahe ni Kuya Pip: "Well, I just wish her all the best."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN