Pia Guanio apologizes to Dolly Anne Carvajal

IMAGE 0


Showbiz Central host Pia Guanio has publicly apologized to Dolly Anne Carvajal for not being able to control Annabelle Rama during her interview last week.



Hindi nag-guest si Dolly Anne Carvajal kaninang hapon sa Showbiz Central, kung saan siya napagsalitaan ni Annabelle Rama last week. Ang payo raw sa kanya ng kanyang mga kamag-anak, "Why guest in a show that does not know how to interview?"

Inamin ni Dolly Anne na nasaktan siya ng show at pati na rin ng nag-interview kay Annabelle na si Pia Guanio dahil feeling niya, sumobra ang naging panlalait sa kanya. Hindi naman daw siya nagalit, nasaktan lang na napabayaan ang dire-diretsong pagsasalita laban sa kanya without drawing any line.

Kanina sa Showbiz Central, nagsalita na rin si Pia about this. Pia apologized to Dolly Anne kung sakali man daw nagkulang siya sa kanyang interview kay Annabelle. Pero ipinaliwanag niya na bilang isang host ay kailangan niyang maging objective.

After mailabas ang mahabang text message ni Dolly Anne, tinawagan din daw ni Pia ang entertainment columnist to explain her side.

Willing naman daw makinig si Dolly Anne kay Pia but not just yet. Kung puwede raw, palamigin lang muna siya. Tampo lang daw ang sa kanya, hindi actual na galit.

Inulit niya ang naging pakiusap niya na sana'y nangyari during the interview. Dapat daw Pia could have drawn the line and stopped the interview.

Sabi ni Dolly Anne, hasa rin naman daw siya sa showbiz talk shows dahil sa kanyang ina, the late Lourdes Carvajal, better known as Inday Badiday, the Queen of Intrigues and the Queen of Showbiz Talk Shows. Alam niya naman daw na kapag out of bounds na ang mga sinasabi ng isang interviewee, maka-cut naman daw ito ng host.

Feeling ni Dolly Anne, baka raw na-overwhelm si Pia kay Annabelle.

In a way kasi, naintindihan din daw ni Dolly Anne kung bakit ganoon na lang ang naging galit nito sa kanya dahil isa rin siyang ina. Sana lang daw ay hindi naman umabot sa puntong nalait na ang kanyang pagkatao dahil it could have been stopped.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

RAYMOND & IC. Kaugnay pa rin ng away nina Annabelle/Ruffa at Dolly Anne, dalawang linggo nang napupuri si Raymond Gutierrez, isa sa mga hosts ng Showbiz Central, dahil sa kanyang professionalism. Kahit ang ina niyang si Annabelle at ang kapatid niyang si Ruffa ang naiintriga ngayon, hindi ito nagbibigay ng side comments sa show.

Alam kasi ni Raymond that he is there as a host, not as a member of the Gutierrez clan. Hindi rin siya sumasagot sa mga interview pagkatapos ng Showbiz Central dahil he knows where he stands.

Ganito rin ang anak ni Dolly Anne na si IC Mendoza. Kahit under fire na ang kanyang ina, hindi nagpapa-interview si IC to talk about it.

From a very reliable source, nagkita sina Raymond and IC sa Embassy Bar sa The Fort kamakailan at napag-usapan nila ang nangyayaring gulo sa pamilya nila.

Hindi raw agad nag-usap ang dalawa but afterwards, si Raymond daw ang lumapit kay IC. Nangusap daw ito na sorry about the things happening in their family.

Ang naging sagot daw ni IC, it's alright and they don't have to get involved.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN