PDA scholar Panky Trinidad speaks up on alleged wild drinking in US

IMAGE 0


"Bigyan ninyo ako ngayon ng isang baso ng kahit beer lang at ipapakita ko sa inyo kung gaano ako ma-allergy sa alcohol. Pinagbabawalan akong uminom, so paano ako malalasing?" defends Panky Trinidad.



Back in circulation na nga ang tatlong Pinoy Dream Academy (PDA) scholars na na-sanction ng Big Dream Productions kaugnay ng isang drinking spree noong US concert tour nila noong Abril —sina Panky Trinidad, Jay-R Siaboc, and Chad Peralta.

Jay-R started taping for his first soap with Maja Salvador, nai-launch na ang debut album ni Chad from Dream Records, at nagsisimula nang mag-record ni Panky for her debut album na isang CD-Lite.

Tanging si Irish Fullerton na lang ang hindi pa nakababalik dahil nasa States pa. Nagkaroon siya ng Independence Day concert sa hometown niya last June 12.

As much as possible, ayaw nang pag-usapan ni Panky ang nangyari sa kanila sa United States. May gusto lang siyang ipaliwanag sa ilang naglabasang balita.

Una, Panky swears she does not drink.

Drinking and smoking kasi ang nasabing mga kasalanan nila sa US noong Abril, kung kaya sila ay nabigyan ng sanction. Sa pagkalasing daw nila, particularly si Panky, nasira raw nila ang kuwarto ng kanilang hotel.

"God knows I don't drink," sabi ni Panky sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainemtn Portal) noong isang linggo sa Gerry's Grill restaurant sa tapat ng ABS-CBN.

"Bigyan ninyo ako ngayon ng isang baso ng kahit beer lang at ipapakita ko sa inyo kung gaano ako ma-allergy sa alcohol. Pinagbabawalan akong uminom, so paano ako malalasing? Kung may mga ginagawa po man ako, sinisigurado ko sa inyo na ang isa sa hindi ko ginagawa ang uminom," depensa niya.

Nagtataka pa rin si Panky kung sino ang nagkalat ng balita, when in fact, silang anim lang naman ang magkakasama—siya, sina Jay-R, Chad, Irish, Yeng Constantino, at Ronnie Liang. Ayaw nang magsalita ni Panky, although mayroon siyang hinala kung sino ang nagkalat nito.

Gusto ring linawin ni Panky na hindi siya umalis sa Cebalo band (with Yvan Lambatan, Eman Abatayo, and Davey Langit) due to "musical difference." Siya raw ang inalis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"This is my band po, bakit naman ako aalis?" sabi niya. "Siguro inisip na lang ng management na alisin ako doon at gawin po akong solo."

Kinuha naman ni Panky ang dalawang kanta niya na dapat ay nasa original album ng Cebalo. Siya ang nagsulat nito at siya rin ang kumanta. Ilalagay raw niya ito sa kanyang solo album.

Sa ibang kanta ng Cebalo, kung saan nag background siya, hindi naman daw ito aalisin sa recording.

"Kung ako ang umalis, di sana nag-request din ako na alisin ang background voice ko sa mga kanta ng album dahil lahat ng kanta nandoon din ako," dagdag na paliwanag ni Panky.

Ang hindi niya maamin ngayon ay ang relasyon diumano nila ni Chad.

Kahit sabi siya nang sabi na wala silang relasyon, kakaiba ngayon ang glow ni Panky na may shades of makeup na rin at pag-aayos ng buhok. Nagba-blush din palagi si Panky kapag pinag-uusapan si Chad at ngumingisi ito na parang school girl.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN