Marky Cielo says he sacrificed education for showbiz

IMAGE 0


StarStruck 3 Ultimate Sole Survivor Marky Cielo had to sacrifice his studies for his showbiz career. "Gusto ko pong makatapos talaga. Pero sa ngayon, hindi ko pa po alam kung kailan, kung papaano. Pero someday, sana nga, matapos ko ang pag-aaral ko," says Marky.


Halos pareho lang daw ang effort na ibibigay ni Marky Cielo sa bago nilang show na Boys Nxt Door kumpara sa effort na ibinuhos niya dati sa Fantastikids. Kung dati raw ay sa isang fantaserye siya napapanood, ngayon ay sa isang youth-oriented show na siya makikita.

"Though ganun po, na nag-require po talaga ng mataas na energy dati sa Fantastikids, dito po [sa Boys Nxt Door], ganung energy rin po ang ibinibigay ko," sabi ng StarStruck 3 Ultimate Sole Survivor sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa press con ng Boys Nxt Door last June 14.

"Magkaiba lang po kasi sila, kasi ‘yong dapat na ibuhos namin dahil sa audience, kung paano namin ie-entertain ang mga tao, kung ano ang gusto nilang makuha from us, kung ano ang maibibigay namin sa paraang kaya namin. Sa Fantastikids dati, action, tapos may mga lessons rin na siguro mas para sa mga bata. Ngayon, mga teens halos."

Tinanong din namin si Marky kung wala bang insecurity sa pagitan nila nina Mart Escudero at Aljur Abrenica, na mga kasama niya sa Boys Nxt Door, dahil pare-pareho silang StarStruck winners. Both from Batch 4, Aljur is the Ultimate Male Hunk while Mart is the other half of the Ultimate Loveteam.

"Wala po," mabilis na tugon ni Marky. "Sa una naming show na magkatrabaho po kami, ayos naman po. Parang ‘yong iba rin po na nakasama ko, parang ‘yong mga Batch 3 rin po ang nakatrabaho ko."

Sino kina Mart at Aljur ang una niyang naka-close?

"Pareho lang po," sabi ni Marky. "Si Aljur at si Mart, halos kasabay ko lang po silang nakatrabaho. Sa SOP una, tapos ngayon nga dito sa Boys Nxt Door, kaming tatlo na."

Dahil busy sa kanyang showbiz career, kinailangang isakripisyo muna ni Marky ang kanyang pag-aaral.

"Di ba, pinaghirapan ni Mama ang edukasyon ko, ang pag-aaral po, tapos parang kapalit dun isinakripisyo ko ‘yong pag-aaral na ‘yon? Kaya siyempre, pagbubutihan ko po ang trabaho ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pinag-aral niya po kami, tapos gusto niya kaming makatapos. Noong pumasok ako sa StarStruck, open naman po siya dun. Sa akin lang po, ‘yong responsibilidad na utang na loob na isinakripisyo ko ‘yong pag-aaral ko para sa trabaho.

"Gusto ko pong makatapos talaga. Pero sa ngayon, hindi ko pa po alam kung kailan, kung papaano. Pero someday, sana nga, matapos ko ang pag-aaral ko," sabi ni Marky bilang pagtatapos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN