Former driver-bodyguard charges Batangas Vice Gov. Marc Leviste of immoral behavior

IMAGE 0


Batangas Vice Governor-elect Marc Leviste (right) is being accused by his former driver-bodyguard of immoral behavior, and has had sexual affairs with Anjo Yllana's wife Jackie Manzano (top left)and sexy stars Diana Zubiri (center left) and Maui Taylor (bottom left).


Nagkarelasyon daw sina Jackie Yllana, asawa ni Anjo Yllana, at Batangas Vice Governor-elect Marc Leviste, ayon sa dating driver-bodyguard ni Marc.

Umaga ng Huwebes, June 7, nang nagpunta sa Office of the Ombudsman ang dating driver-bodyguard ni Leviste para mag-file ng complaint against his former employer sa paglabag diumano nito sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials (RA # 6713) and Anti-Graft and Corrupt Practices Act (RA # 3019).

In a four-page complaint affidavit, including an annex of evidence, isinalaysay ni Edward Ronquillo ang mga katiwalian diumano ni Marc habang empleyado pa siya nito, which was from January 23 to July 21, 2006.

Number 11 entry in the complaint reads: "Labag sa batas ng tao at ng Diyos ang mga gawain ni Marc Leviste. Para lumabas ang totoo, at bilang tulong ko na rin kay Vice Mayor Anjo Yllana ng Parañaque, dapat lang malaman niya na siya ay 'naiputan sa ulo' ni Marc Leviste. Noong March 2006, bandang 7:45 ng gabi, ako ay inutusan ni Marc Leviste na sunduin ang isang babae sa parking area ng SM Sucat. Dala ko ang Green Toyota Revo na may plate na XLN 731, at laking gulat ko nang malaman ko na ang babae na aking susunduin pala ay isang dating artista na kasalukuyang asawa ni Vice Mayor Anjo Yllana na si Mrs. Jackie Yllana. Nagbukas ako ng bintana ng kotse at nilapitan ako ni Jackie Yllana at ito po ang exact na pag-uusap namin:

Jackie: Are you the driver of Marc Leviste?

Edward: Yes ma'am.

Jackie: Okay, open the door. I will ride with you and will go to your boss."

Number 12 entry in the complaint reads: "Sumakay na si Jackie at sinundo namin si Marc Leviste sa may Total Gasoline Station sa may Macapagal Blvd., Pasay City. Sumakay si Marc at na nagsabi ng ‘Hi honey!' sabay halik sa lips ni Mrs. Jackie Yllana. Pagkatapos inutusan na ako ni Marc Leviste na ihatid ko sila sa may Grand Boulevard Hotel sa may Roxas Boulevard."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Number 13 entry in the complaint reads: "Habang kami ay naglalakabay, ako ay na-shock dahil nakita ko ang walang humpay na laplapan ni Marc Leviste at ang asawa ni Vice Mayor Anjo Yllana na si Jackie sa loob ng Revo na dala ko. Pagdating doon ay bumaba na sila at sinabihan ako na balikan ko sila pagkatapos ng (6) hours. Naulit pa ito ng maraming beses sa iba't ibang hotel gaya ng Hyatt, Traders at Matabungkay Beach Resort sa may Lian, Batangas. Inamin ng boss ko na si Marc Leviste na siya ay isang sex addict at hindi siya mapakali pag hindi siya nakakagalaw ng iba-ibang sex partner. Wala rin siyang respeto sa mga babae at kabilang sa mga babaeng nasaksikhan ko mismo na dinala niya sa hotel/motel ay sina Diana Zubiri at Maui Taylor. Doon ko lang nalaman na napaka-imoral pala ng amo ko na Board Member Marc Leviste. Pati nga ang caddy na nagtratrabaho sa kanilang Golf Course sa may Summit Point sa Lipa City ay di pinatawad."

In the impromptu interview na ginawa sa Annabel's restaurant sa Tomas Morato tanghali rin ng Huwebes, isinalaysay naman ni Edward kung kailan nangyari ang kina Maui at Marc. April of 2006 daw unang sinundo ni Edward si Maui sa Landmark department store sa may Makati and May of 2006 naman sa Hard Rock, also sa Makati.

Isang beses niya lang daw nakita si Diana na kasama ang kanyang dating amo.

Nag-file ng complaint sa Ombudsman si Edward dahil ayon sa kanya, nanganganib ang buhay niya sa mga death threats na natatanggap niya kay Marc pagkatapos niyang mag-resign dito.

Hindi niya raw kasi magawa ang huling ipinag-utos sa kanya, na maglagay ng bomba sa opisina ng board member ng Batangas na si Leanda Bolilia.

Ang buong detalye nito ay nasa another four-page report attached with the affidavit complaint, ang sinumpaang salaysay ni Edward Ronquillo na ibinigay kay Special Investigator Johnny Caguiat ng Intelligence Special Operations Division, National Bureau of Investigation, noong May 31, 2007.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinatantiyang may kinalaman sa pulitika ang paglantad na ito ng dating driver-bodyguard. Si Leviste ang running-mate ng dating governor ng Batangas na si Armand Sanchez, na tinalo ng actress-politician na si Vilma Santos.

Naunang naiproklama bilang bagong gobernador ng Batangas si Vilma, samantalang si Marc ay naantala ang proklamasyon dahil sa protestang inihain ng kanyang mga kalaban. Ang pinakamahigpit na naging kalaban ni Leviste sa pagka-bise gobernador ay si ang running mate ni Vilma na si Edwin Ermita.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN