Andrew Schimmer still friends with ex-girlfriend Katrina Halili

IMAGE 0


"Siyempre kahit papaano, concerned pa rin ako sa kanya... Actually, pinag-uusapan namin kahit ang mga problema niya. Iniiyak niya sa akin," says Andrew Schimmer about his current relationship with ex-girlfriend Katrina Halili.


Maganda pa rin ang situwasyon sa pagitan ng dating magkasintahan na sina Andrew Schimmer at Katrina Halili. Nananatili pa rin daw na magkaibigan ang dalawa.

Medyo matagal nawala sa sirkulasyon si Andrew na dating alaga ni Douglas Quijano. Sa kanyang pagbabalik ay may bago na siyang image—bilang isang sexy actor. Si Andrew ang leading man ni Cristine Reyes sa first sexy movie ng young actress, ang Green Paradise.

Ano sa palagay ni Andrew ang magiging reaksiyon ni Katrina sa pagpapaseksi niya onscreen?

"Actually, hindi na siguro siya makikialam. Kumbaga, wala nang selos factor. Actually matutuwa ‘yon para sa amin ni Cristine dahil magkaibigan rin sila, tapos magkaibigan kami, kaya matutuwa siya," pahayag ni Andrew sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Bakit nag-decide si Andrew na magpa-sexy?

"Naiinip na ako sa mga pa-tweetums, e," diretso niyang sagot. "At saka ang dami na naming nag-aagawan sa ganung role sa GMA-7, ang dami na. Tsaka 21 na ako. Siguro it's time to move on to something new."

Ayon kay Andrew ay nagkukumustahan pa rin sila ni Katrina. Maging tungkol daw sa mga suitors ni Katrina ay nagtatanong si Andrew.

"Lagi ko siyang tinatanong kung sino, kung bakit, kung anong meron. Lagi naman siyang sumasagot. Siyempre kahit papaano, concerned pa rin ako sa kanya. Tinatanong ko siya na ‘Matino ba ‘yan, mahal ka ba niyan, mahal mo ba ‘yan?' Ganun. Actually, pinag-uusapan namin kahit ang mga problema niya. Iniiyak niya sa akin," kuwento ni Andrew.

So, naging mabuti siyang boyfriend kay Katrina?

"Ayokong magsalita, pero alam ni Kat ‘yon," sagot ng binata.

Ano ba ang dahilan ng break-up nila?

Ayon sa kanya, "Marami pa kasi kaming...parang ‘yong relationship kasi namin dati, nasa next level na... Basta maraming ano, na medyo naging complicated. Talagang dumating sa point na meron pa pala akong gustong gawing iba, siya marami pa siyang pangarap sa buhay niya, na feeling niya... Actually, totoo naman, na makakahadlang ako sa karamihan dun sa mga pangarap niya. Kumbaga, inuna namin ang career at pinag-usapan namin ‘yon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala ba siyang nililigawang iba ngayon?

"Wala pa, wala pa akong nakikita," sabi ni Andrew. "Tulad nga ng sinabi ko, marami pa akong gustong gawin, marami pa akong gustong ma-achieve. Feeling ko kasi hindi pa tama ‘yong oras para mag-girlfriend ako ulit, e. Hindi pa ako nakakaano, e... Kumbaga, pabalik pa lang ako ulit sa showbiz, tapos sasamahan ko na agad ng ganun, masakit sa ulo."

How about flings?

"Hindi maiiwasan ‘yon," pag-amin niya.

May naka-fling na ba siyang artista?

"Oo, hindi maaalis ‘yan. Pero hindi ‘yong flings na as in lahat, may nangyari. Mga fling-fling lang," paglilinaw niya.

Pero sa iba, may nangyari?

"Meron din kahit papaano."

Kahit anong pilit, ayaw pangalanan ni Andrew ang mga artistang naka-fling niya. Sinabi rin ni Andrew na may mga stalkers daw siya.

"Hindi naman grabe na sunud nang sunod," sabi niya. "Marami lang nagte-text ng kung anu-ano. Pero wala ‘yun, hindi ko pinapansin. Babae lahat."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN