Ex-MYMP member Michael Manahan takes the showbiz plunge

IMAGE 0


Michael Manahan, nephew of Star Magic big boss Johnny Manahan, joins ABS-CBN's talent arm.


Noong nagsisimula pa lang ang sikat na bandang MYMP, it was a trio, not a duo dahil si Michael Manahan—ang pamangkin ni Mr. Johnny Manahan of ABS-CBN Star Magic—ay part of the band.

Nasa debut album pa ng MYMP si Michael noon. Sila rin ni Juris noon.

Nang mag-split sila, both Michael and Juris found it hard to work together.

"Noong una, well, I think we can make it. Eventually, it became harder so out of delicadeza, I just quit the group," paliwanag ni Michael sa press con na binigay ng ABS-CBN Star Magic for its new batch of artists.

After MYMP, bumuo naman si Michael ng brother team with Angelo at tinawag silang Michaelangelo. Naging sikat din sa mga gigs ang Michaelangelo dahil bukod sa magaling kumanta ang magkapatid, pareho pa silang may hitsura at nakasama sila noon sa mga tinatawag na "pogi bands," kung saan isa o dalawa sa miyembro ay guwapo.

Ang never nilang ipinalaam sa mga shows nila, pamangkin pala sila ni Mr. M. Magpinsang buo ang kanilang ama at si Mr. M.

"We're singers, not actors," sabi ni Michael.

Laking gulat nga ni Michael, who is 25 years old, when he got a call from his uncle asking him if he wants to consider acting.

"I wanted to try acting din kasi," pag-amin niya.

Although may offer din sa kanyang nakababatang kapatid na si Angelo, who is 23 years old, si Michael lang ang nag-accept ng offer.

"I talked to my brother about this. Sabi ko, in the long run, it could help our band. Pero siguro ngayon, hindi pa at malamang na mag-suffer din ang mga gigs namin. He understands naman," kuwento ni Michael.

May Friday gigs ang Michaelangelo sa Bagaberde Pasig, plus other regular shows.

Balik sa MYMP, nagkaayos na rin sila ni Juris dahil matagal na rin naman ang kanilang break-up. Magkakasama sila sa isang show na ginawa sa ABS-CBN at magkakasama rin sila sa isang kuwarto at puro tawanan daw ang ginagawa nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN