EXCLUSIVE: Sabina Barretto celebrates her third birthday

IMAGE 0


Sabina, the adopted daughter of Claudine Barretto, celebrated her third birthday last June 23 at the Philippine Stock Exchange. Claudine's husband, Raymart Santiago, is also now in the process of legally adopting Sab. More photos.


Pinalad na madaluhan ng GMA News at PEP (Philippine Entertainment Portal) ang ikatlong kaarawan ng adopted daughter ni Claudine Barretto na si Sabina noong Sabado, June 23.

Dora the Explorer ang tema ng birthday party ni Sab. Ginayakan ang function room ng Philippine Stock Exchange Building sa Ortigas na parang isang wonderland para sa mga bata.

Bandang alas-tres ay nag-umpisa nang magdatingan ang mga bisita ni Sab.

Namataan namin sina Paolo Contis, kasama ang kanyang girlfriend na si Isabel Oli. Naroon din ang basketbolistang si Benjie Paras na halos kasabay ni Bobby Andrews.

Si Quezon City Councilor Aiko Melendez naman ay kasama ang kanyang asawang si Martin Jickain at ang kanilang baby na si Marthena. Hindi raw kasama ni Aiko ang kanyang panganay na si Andre dahil kasama raw ito ng kanyang amang si Jomari Yllana.

Dumating din si Liz Almoro kasama ang kanyang cute na anak na si Juamee. Nakakuwentuhan namin si Liz at sinabi nitong busing-busy siya sa kanyang trabaho ngayon.

"Single ako ngayon. Walang boyfriend. Kahahabol nga lang ng baby ko, kulang na ang oras ko, mag-boyfriend pa?" natatawang sabi ni Liz, na nakipaghiwalay na sa asawang si Willie Revillame.

Nandun din ang mga magulang ni Claudine, kasama ang kapatid na si Marjorie Barretto at ang kanyang mga anak. Ilang minuto pa, dumating din ang asawa ni Marjorie na si Dennis Padilla, pero hindi namin nakitang nag-usap ang estranged couple.

Ayaw na rin pag-usapan ni Marjorie ang annulment na nai-file niya para mapawalang-bisa ang kasal nila ni Dennis.

"Pag-usapan na lang natin yung graduation ko kahapon na isang legislation course sa University of the Philippines. Kasama ko si Aiko, classmate ko siya dun," pagmamalaki ni Marjorie, na nanalong konsehal sa Caloocan City.

Makikita sa mga exclusive photos na ipinadala ng mag-asawang Santiago sa GMA News at PEP ang matinding saya sa party.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilang parlor games ang talaga namang nagpatingkad ng mood ng mga bagets. Hindi maikakaila na isang masayang bata si Sabina.

Bukod sa birthday party, may isa pang matinding regalo si Raymart. Ayaw na niyang magpa-interview tungkol dito dahil personal daw para sa kanya ito. Pumayag na lang siyang makipag-usap kami sa kanyang abogadong si Atty. Ellen Veza.

Sa kuwento ng abogado, nag-file daw sila ng isang mahalagang papeles para kay Sabina noong isang linggo.



"Its for the adoption of Sabina. This time, by Raymart. Kasi if you remember, we filed for adoption two years ago but Claudine was still single then. So when they got married, its not automatic that Sabina becomes Raymart's adopted daughter. We're doing this para ang name niya maging Sabina Natasha Barretto Santiago," kuwento ni Atty. Veza.

Naisip daw ni Raymart na ito ang pinakamagandang regalo na maibibigay niya kay Sabina.

"Mahal na mahal ni Raymart si Sabina and his specific instruction is to file it on her birthday, which is June 21—it's Sabina's third birthday. So I think it's Raymart's ultimate gift. And he did it right before Claudine's giving birth, so it's an assurance to Sabina that even if they're having their own kid, they really love her. So they're doing this adoption," pagtatapos ng abogado.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN