Sunshine Cruz: So what if Buboy went to girlie bar?

IMAGE 0


"Ayokong patulan ‘yan. Saka kung sakaling nagpunta nga roon si Buboy, ano naman ang masama?" says Sunshine Cruz about the rumor that her husband Cesar Montano went to a girlie bar.


Kadarating lang sa airport ni Cesar Montano from Bohol nang tumawag siya sa publicist ng latest movie niya na Paraiso: Tatlong Mukha ng Pag-asa produced by Gawad Kalinga. Tinanong ni Cesar kung makakahabol pa siya sa press con sa Cibo restaurant sa Gateway, Cubao. That time, nakaalis na rin halos lahat ng invited entertainment press kaya hindi na siya pinapunta.



In Paraiso, Cesar plays the role of Rudy Abad na nakapag-asawa ng Italian-American na nasawi sa 9/11 tragedy sa New York. His episode was directed by actor Ricky Davao. Bida naman sa dalawa pang episodes sina Maricel Soriano at Michael V.



Nalaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) mula sa misis ni Cesar na si Sunshine Cruz na umalis din pala that same day na dumating ang aktor from Bohol papuntang United States. Meron daw mga importanteng tao doon na kakausapin si Cesar na maaaring may kinalaman sa pagma-market ng kanyang pelikula doon and a possible movie project sa Hollywood.



Nakaabot na rin kay Sunshine ang tsismis na nakitang pumunta si Cesar sa girlie bar na Air Force 1 sa ParaƱaque. Tinangka ng ilang entertainment press na close kay Sunshine na kausapin si Cesar about the issue, pero hindi ma-reach ang aktor para makunan ng statement. Tumanggi ring magbigay ng pahayag si Sunshine sa pakiramdam niya ay malisyosong tsismis.



Tanggap na rin daw nilang mag-asawa ang kinahinatnan ng pagtakbo bilang senador ni Cesar last election. Hindi naman daw naging mahirap kay Sunshine ang pagtanggap sa pagkatalo ng kanyang mister. Okay naman daw yung experience nila sa pagtangka ni Cesar na pumasok sa pulitika. It taught them a lot of lessons. Nahirapan lang naman daw sila during the campaign period.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN