Ryan Yllana does not believe his sister-in-law would cheat on Anjo

IMAGE 0


"Medyo bothered po. Kasi unang-una, sobrang shocking nung isyung ‘yon. Pangalawa, hindi niya mapipigilang magka-doubts... Pero ‘yon nga po, dahil nag-usap naman sila, I think it's okay," reveals Ryan Yllana about his brother Anjo Yllana and sister-in-law Jackie Manzano.


Hindi naniniwala ang bunsong kapatid ni Anjo Yllana na si Ryan Yllana sa paratang sa kanyang hipag na si Jackie Manzano-Yllana na nagkaroon ito ng affair sa isang married politician.

Matatandaang noong June 7, 2007, ay nagsampa ng complaint affidavit ang dating driver ni Batangas Vice Governor-elect Marc Leviste na si Edward Ronquillo sa Office of the Ombudsman. Isiniwalat nito na nagkaroon diumano ng sekswal na relasyon ang misis ni Anjo na si Jackie at si Marc.

Ayon sa reklamong inihain ni Ronquillo noong Marso, taong 2006 diumano nagsimula ang palihim na pagtatagpo at pagniniig nina Jackie at Marc, na ilang beses daw naulit sa iba't ibang hotel sa Roxas Boulevard at beach resort sa Batangas.

Bukod kay Jackie ay nadawit din sa isyung ito ang pangalan nina Maui Taylor at Diana Zubiri na kapwa itinanggi ang mga akusasyon ng naturang driver.

Nagbigay na rin ng tahasang denial si Governor Leviste hinggil dito, samantalang ang kampo ng mga Yllana ay mas piniling huwag patulan ang isyu.

Kahapon, June 24, sa press con ng horror flick na Tiyanaks sa Imperial Palace Suites ay hiningan ng reaksiyon ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang bunsong kapatid ni Anjo tungkol sa isyu.

"Siyempre, una, parang nakaka-offend sa kapatid ko ‘yon," simulang pahayag ni Ryan. "I'm sure hindi naman po sila naniniwala sa isyu and they've talked naman siguro.

"Napag-usapan na nila siguro ‘yon. Actually, she's [Jackie] pregnant, three months. Pang-fourth na nilang anak ‘yon ni Anjo. May tatlo na sila, e—dalawang girl, isang boy."

Close ba siya sa kanyang eldest brother at sister-in-law?

"Not naman close. Kasi unang-una, hiwalay kami ng bahay. So, bihira kaming nagkikita. Sa Tahanan Village [sa Parañaque] kami nakatira nina Jomari, sa Mommy ko. Sila [Anjo and family], may sarili silang bahay sa BF Homes," paliwanag niya.

Pero sa pagkakakilala niya sa hipag niyang si Jackie, sa tingin ba niya ay kaya nitong gawin ang ibinibintang na ‘yon ng dating driver ni Leviste?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi po," sagot ni Ryan. "Kasi unang-una, napakaliit ng mundo para hindi malaman ‘yon. At saka pangalawa, galing pulitika si Anjo. So, alam mo naman sa pulitika, lahat gagawin para manalo or something."

Nakausap at natanong na ba niya si Anjo tungkol sa isyung ito?

"Kami kasing magkakapatid, pag ganyang problema, hindi kami nag-uusap masyado. Nakikiramdam lang kami.

"Actually, nung mangyari ‘yan, ako ang unang kinontak ni Tito Rez Cortez. Kasi, he was in Batangas then. Siya ang unang nakakita nung i-file yung affidavit. Tinawagan niya ako kasi wala siyang number ni Anjo. Hiningi niya sa akin, so ibinigay ko naman at nag-usap sila," kuwento ni Ryan.

Nakita niya bang bothered ang kapatid niya sa mapanirang isyu na ‘yon?

"Medyo bothered po," pag-amin ni Ryan. "Kasi unang-una, sobrang shocking nung isyung ‘yon. Pangalawa, hindi niya mapipigilang magka-doubts... Pero ‘yon nga po, dahil nag-usap naman sila, I think it's okay."

As far as Ryan knows, wala bang problema sa pagitan nina Anjo at Jackie?

"Wala pa naman. Wala pa naman akong naririnig na may pinalayas or naglayas!" natatawang sagot ni Ryan.

Hindi na nga pinalad manalo sa pagka-Vice Mayor ng Parañaque si Anjo sa katatapos na eleksiyon ay may dumating pang ganitong intriga sa mag-asawa. Paano tinanggap ng kanilang pamilya ang lahat ng ito?

"Malungkot kaming lahat kasi, we did our best. Ako, almost every day akong nangampanya for him. Siyempre, nakakalungkot. Pero kailangan na lang tanggapin," sambit ni Ryan.

Ang 25-anyos na si Ryan ang bunso sa Yllana brothers composed of Anjo, Robbie, Paulie, Jomari, and himself.



Ang first showbiz exposure ni Ryan was right after he graduated from college, bilang heavyweight character na si Baldog sa telefantasyang Sugo ni Richard Gutierrez nung 2005.

His first big TV break was in Captain Barbell (2006) bilang sidekick ng bidang superhero also played by Richard. Doon na nagkasunud-sunod ang TV projects ni Ryan. Pero bago ang lahat ng ‘yon ay una siyang naging familiar face sa "Bilog ang Mundo" TV commercial ng Ginebra San Miguel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa July 4 ay ipalalabas na ang first movie ni Ryan na Tiyanaks where he provides the film's comic relief.

On a personal note ay one year na ang relasyon ni Ryan at ng 18-year-old StarStruck (Season 2) Avenger na si Ailyn Luna.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN