Comedian Bayani Agbayani visits his old neighborhood

IMAGE 0


Bayani Agbayani, who popularized the hit novelty song "Ocho-Ocho," recently visited his former neighbors in FTI Taguig. "Matagal akong nanirahan dun. Lahat ng hirap ng buhay, inabot ko sa FTI hanggang lumipat kami sa Malabon," he reminisces.


Nakakuwentuhan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang komedyanteng si Bayani Agbayani last Sunday, June 24, sa poolside ng Greenwich Clubhouse sa Corinthian Garden.

Ikinuwento ni Bayani sa PEP ang pagpunta niya earlier that day sa FTI sa Taguig na malapit sa Tenement, kung saan siya nanirahan dati nang hindi pa siya sikat na artista.

Papunta si Bayani sa Metropolis sa Alabang that day for a special appearance. Since maaga pa, naisipan niyang dumaan muna sa FTI para kumustahin ang mga dating kaibigan.

Naisipan din ni Bayani na kumain sa isang karinderya doon, kaya naman nagkagulo ang mga tao na tuwang-tuwang makita ang comedian.

"Nakita ko 'yung mga dati kong kakilala at mga kaibigan dun. 'Yung mga taga-palengke, tulad ni Aling Pining. Dun kami kumain, kasama ko ang mga kapatid ko—sina Ate Benny at Ate Edna. Nandun din si Aling Amy na may karinderya rin. At si aling Fely na maggugulay na kababayan ng nanay ko," banggit ng komedyante sa mga taong naging bahagi ng buhay niya noong wala pa siya sa showbiz.

"Dun 'yun sa tenement, sa gilid ng kalsada. Matagal akong nanirahan dun. Lahat ng hirap ng buhay, inabot ko sa FTI hanggang lumipat kami sa Malabon. Bumalik pa ako sa FTI para magtrabaho sa manggahan ni Kuya Nap habang nag-aaral ako sa PUP," kuwento ni Bayani.

Sa Tenement Elementary School nag-aral ang komedyante at buong elementary level daw ay kaklase niya ang comedian din na si Michael V. Naging kaklase rin daw niya ang pumanaw na komedyante na si Rene Requiestas.

"Si Rene Requiestas, kaklase ko nung Grade Six. Si Rachel Tuazon, na naging host ng Eat Bulaga! dati, naging kaklase ko naman ng Grade Five," pagbabalik-tanaw pa ni Bayani.

Samantala, nagbalik din sa pagiging novelty singer si Bayani dahil may bago siyang album na may titulong Mr. B sa ilalim ng Alpha Records. Ang concept daw ng mga photos niya sa album ay parang mga litrato ni Mr. Bean (Rowan Atkinson).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang carrier single daw ng album niya ay "Tara Ra Jing Pot Pot." Marami ang umaasa na ma-duplicate nito ang phenomenal hit ni Bayani na "Ocho-Ocho."

Ilan sa mga kantang laman ng naturang album ay kanta ng yumaong novelty singer na si Yoyoy Villame na paborito ni Bayani.

"Dapat, Bayani sings Yoyoy ang album ko," sabi ni Bayani. "Kaya lang, gusto ng Alpha Records na may mga original songs din sa album, na hindi revival lahat ng mga kanta. Kaya hindi natuloy ang original concept.

"Tsaka, 'yun nga, namatay si Yoyoy. Pero buhay pa siya nung sinimulan kong gawin ang album. November pa kami nag-start, kaya lang, lagi ako sa ibang bansa, kaya tumagal.

"Maganda 'yung album, magugustuhan ninyo, pinaghirapan ko talaga," pagmamalaki pa ng komedyante.

Nagsu-shoot na rin si Bayani ng pelikula with Jinggoy Estrada at Lorna Tolentino na isasali sa 2007 Metro Manila Film Festival, ang Katas ng Saudi ng Millennium Films being directed by Joey Reyes.

"And hopefully, matuloy 'yung movie nina Sharon Cuneta at Robin Padilla, kasama rin ako dun," dagdag ni Bayani.

Bukod dito, certified concert artist rin si Bayani dahil madalas siyang nag-a-out of the country, lalo na sa Middle East, para sa mga shows ng Smart. Ilan sa mga shows na kasali siya ay mga concerts nina Martin Nievera at Regine Velasquez.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN