Dennis Trillo's Sexiest: Marian Rivera and Angel Locsin

IMAGE 0


Matinee idol Dennis Trillo names Angel Locsin (inset, top) and Marian Rivera (inset, bottom) as the sexiest young actresses.


Nakorner ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Kapusolympics last Saturday, June 23, ang matinee idol na si Dennis Trillo. Para maiba naman ay usapang sexy at buntisan ang naging paksa ng panayam namin sa kanya.

Unang inusisa namin sa young actor ay kung kaya rin niyang sumabak sa pagpapa-sexy sa pelikula, tulad ng ginawa ni Polo Ravales sa pelikulang Silip.

"Ngayon, wala akong planong magpa-sexy talaga," sagot ni Dennis. "Kung sakali, 'yung medyo patikim-tikim lang ng kaunti. Katulad nung sa Majika, 'yung hubad lang 'yung pang-itaas.

"Kasi iba 'yung ginawa ni Polo, e. Medyo sobrang daring na ‘yon at hindi ko kaya ‘yon. Actually, hindi ko napanood ang movie niya, nakita ko lang 'yung pictorial niya para sa movie and masyado nang bold ‘yon para sa akin. Wala akong planong puntahan ang gano'ng pathway."

Tungkol naman sa mga members ng so-called third sex, ayon kay Dennis ay marami siyang kaibigang bading. Inamin niya na magkahalong feelings ang nararamdaman niya kapag nalalamang may mga gay na nagpapantasya sa kanya.



"Hindi ko ma-explain, e," sabi niya. "Minsan kasi hindi ko alam kung matatawa ka ba o mao-overwhelm o mapa-flatter. Magkahalong feelings, kasi siyempre, kahit paano ay nakakatuwa rin. Hindi lang pala babae ang nagpapantasya sa iyo, mayroon ding mga lalaki. So, okay na rin ‘yon. Pandagdag ng... anong tawag doon? Tagahanga.

"Marami akong kaibigang mga bading, walang problema sa akin ‘yon. Mga tao rin silang tulad natin at hindi naman nila sinasadyang maging ganoon. Kumbaga, ganoon talaga sila nilikha, and hindi mo sila masisisi kung bakit sila ganoon. Normal na tao rin ‘yon kaya walang dapat mabago sa pakikitungo ko sa kanila, okay nga silang kasama e," nakangiting saad niya.

Sina Angel Locsin at Marian Rivera naman ang napili ni Dennis bilang sexiest young actresses. Hindi raw kasi bilib ang matinee idol sa ibang naging cover ng men's magazines dahil may mga niretoke lang kaya naging super-sexy sa cover.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Doon sa mga nag-pose na ng sexy sa cover ng magazine? Sa totoo lang, hindi ko na masabi sa ngayon, kasi kung titingnan mo sa magazine, marami doon ay nireretoke lang. So, mas maganda ‘yong nakikita mo na lang talaga nang personal kesa yung sa cover lang.

"Sa mga nakita ko nang personal, sina Marian at Angel ang sexy para sa akin. Si Marian kasi ay nakasama ko na sa Super Twins at mayroon kaming eksena dati na fit 'yung suot niya. At least, nakikita ang kaseksihan niya at alam mong genuine talaga ‘yon na walang nireretoke. Walang ine-edit sa computer o sa Photoshop.

"Si Angel, sa tagal ko na siyang katrabaho, kumbaga'y nakilatis ko na," sabi naman niya sa kanyang leading lady sa Mulawin, Darna, at Majika.

Umiwas naman si Dennis na pag-usapan pa ang dating girlfriend na si Carlene Aguilar, lalo pa't siya ang natsitsismis na ama ng ipinagbubuntis ng dating beauty queen. Kaya tinanong na lang namin siya kung posible bang may anak na siya, pero hindi lang niya alam?

"Hindi ko alam, ewan ko, hindi ko masabi, e. Siguro basta kung alam mong maingat ka...and iwas lang sa mga ganoong bagay. Kasi mahirap nang magkaroon ng karagdagang responsibilidad, hindi ba? Kailangang maging maingat ka lang lagi. At least alam mo sa sarili mo and walang gumugulo at the back of your mind na, ‘Uy, baka may anak ako sa labas.' Mas okay na walang gumugulo sa iyong isip," paliwanag niya.

Sinabi pa ni Dennis na three years ago ay may nag-claim na siya ang ama ng isang bata, pero nawala na lang basta ang issue dahil alam naman daw niya ang totoo.

Pero sakaling makabuntis siya, aaminin kaya niya iyon sa publiko kahit posibleng makaapekto iyon sa kanyang career?

"Hindi ko alam, kasi hindi pa nangyayari, e. So hindi ko talaga alam," sagot niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko rin alam kung makakasira nga ‘yon sa career ng isang aktor, depende siguro kung gaano kalakas ang kapit ng fans. Pero sa akin, personally, ewan ko. Hindi ko talaga alam kung paano iha-handle ang situation kapag dumating ‘yon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN