Paolo Contis and Isabel Oli: From lovers to close friends

IMAGE 0


"It's much easier now na magkaintindihan kami ni Paolo, kasi nga friends na lang kami. Wala na ‘yong masyadong nag-e-expect ka kasi baka ma-frustrate ka lang. It's a much healthier relationship now as friends," says Isabel Oli about her current relationship with ex-boyfriend Paolo Contis.


Pahulaan pa rin kung bakit kailangang tapusin nina Paolo Contis at Isabel Oli ang kanilang two-year relationship. Pati nga ang mga entertainment writers ay naguguluhan sa mga paliwanag nila.



Sa press con ng bagong telenovela ng GMA-7 na Mga Mata Ni Anghelita last June 25, kahit na sabay dumating sina Paolo at Isabel sa Annabel's restaurant sa Tomas Morato, Quezon City, parang nag-iiwasan naman silang magkatabi.



Ayon kay Paolo, friends pa rin naman sila ni Isabel, although hindi mo na raw sila male-label na magkasintahan. Mas maganda raw ang sitwasyon nila ngayon kesa dati.

"Mas naging open pa nga kami noong nawala 'yung boyfriend-girlfriend relationship namin," sabi ni Paolo. "Siguro nga, nakawala ng pressure sa amin ‘yon. Kasi before, people expect too much from what we have. Ngayon, bilang magkaibigan, normal na ulit.



"But we still do the same things together. Sabay kaming nagsisimba sa church namin. We go out to dinner at nanonood kami ng movie. Kailan lang, magkakasama kami ng family ni Isabel sa Cebu. So, parang wala namang nabago talaga, except na hindi mo na kami matatawag na magsyota talaga."



Agree naman si Isabel sa sinabi ni Paolo. Mas naging magaan daw ang lahat noong nawala ang pressure ng pakikipagrelasyon.



"It's much easier now na magkaintindihan kami ni Paolo, kasi nga friends na lang kami. Wala na ‘yong masyadong nag-e-expect ka kasi baka ma-frustrate ka lang. It's a much healthier relationship now as friends," pahayag ng young actress.



Pinabulaanan din ni Isabel na may kinalaman ang pamilya niya sa paghihiwalay nila ni Paolo.



"Ay, no! In fact, paborito nila si Paolo," paglilinaw ni Isabel. "Nami-miss na nga siya ng parents ko, kaya nga nakibakasyon si Paolo sa Cebu kailan lang.

"Yung family naman namin, very supportive sila. Hindi sila nakikialam sa mga desisyon namin ni Paolo. It's just that may hinihintay kaming tamang panahon siguro na puwede naming masabi sa isa't isa na okay na maging kami ulit."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Samantala, nag-deny naman si Isabel sa balitang may nanliligaw raw sa kanyang taga-Abztract Dancers. Nakilala raw ito ni Isabel noong mag-guest siya kamakailan sa GMA-7 morning show na SiS.



"Talaga? Sino daw siya?" sabay tawa ni Isabel. "Hindi ko yata alam na may nanliligaw sa akin. Sana magpakilala siya sa akin, di ba?



"I heard about that at nag-text pa nga si Paolo sa akin tungkol diyan. Sabi ko naman, wala akong alam. Malalaman naman ni Paolo if I'm dating somebody else kasi promise namin sa isa't isa na ipapaalam namin. Like si Paolo, alam kong wala siyang dine-date ngayon.

"Pero itong taga-Abztract daw, hindi totoo. Wala pang nakikipag-date sa akin, promise," pagtatapos ni Isabel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN