Angel Locsin remains silent about negative issues thrown at her

IMAGE 0


Young actress Angel Locsin remains silent about accusations against her. At last night's cast party for Asian Treasures, Angel avoided answering questions and just said, "Masaya po ako!"



Marami ang nag-akala na magiging "no show" si Angel Locsin sa cast party ng action-adventure series ng GMA-7 na Asian Treasures, na ginanap kagabi, June 28, sa 22nd Street along Marcos Highway in Antipolo.



May nagparating daw kasi sa mga reporters ng GMA shows na 24 Oras, Startalk, at Showbiz Central na baka hindi makarating si Angel sa cast party dahil may iba itong lalakarin.

Dumating sa cast party sina Robin Padilla, Eddie Garcia, Glaiza de Castro (kasama ang brother niyang si Alchris Galura), Gio Alvarez (kasama ang kanyang wife), Caridad Sanchez, Ella V., at ang may-ari ng 22nd Street na si Mon Confiado (kasama ang girlfriend niyang si Ynez Veneracion).



Hindi na namataan ng mga TV crew ang iba pang cast na sina Marvin Agustin, Marky Cielo, Sandy Andolong, at Diana Zubiri.



Pero pasado alas-dose ng madaling-araw ay dumating si Angel. Pero pilit niyang iniwasan ang mga TV cameras na gusto siyang hingan ng pahayag tungkol sa mga negative issues sa kanya. Pero ang tanging nasagot ni Angel ay: "Masaya po ako!"



Ilang araw na ring nagsisilabasan ang hindi magagandang issues regarding Angel. Nagsimula ito sa hindi raw niya pagtanggap ng proyektong Marimar at ang hindi niya pagpirma ng bagong kontrata sa GMA Artist Center. Gusto raw kasi ng kanyang manager na si Becky Aguila na solo nitong ima-manage si Angel, unlike before na katuwang ang Artist Center.



Si Becky rin diumano ang nagpipigil na magsalita si Angel sa media para magpaliwanag sa mga hindi magandang issues laban sa kanya.



Dahil late dumating si Angel sa cast party, hindi niya naabutan ang senior vice president ng GMA-7 na si Ms. Wilma Galvante, na nagbigay ng mensahe sa buong cast and crew ng Asian Treasures. Nabanggit nito na may bagong show ulit para sa kanila na ikinatuwa ng mga naroon sa party.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Kung napaaga ang pagdating ni Angel ay baka naging madrama ang tagpo nila ni Ms. Galvante.



Tutulak patungong United States si Angel this July para sa ilang screenings ng pelikula niyang Angels. Tapos ay diretso na siya sa London para sa kanyang binabalak na two-month course in fashion designing.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN