Amy Perez and live-in partner Carlo Castillo: Can't marry yet but firmly committed

IMAGE 0


"Mas pinag-uusapan namin na mas matatag ang relasyon namin, na parang gusto naming ipinapakita sa isa't isa. Kahit hindi pa tayo puwedeng ikasal at this point, alam mo ‘yon, na kaya nating pangatawanan ‘tong relasyon natin. Kaya nating magtagal," says Amy Perez about her relationship with live-in partner Carlo Castillo.


Proud na ipinakita ni Amy Perez sa press con ng Bayan Productions para sa tatlo nilang shows sa ABS-CBN—ang Trip na Trip, Kabuhayang Swak na Swak, at Urban Zone—ang suot niyang engagement ring na ibinigay ng kanyang live-in partner na si Carlo Castillo.



"Actually, ang tawag namin dito is commitment ring to show that we are committed to each other. Kasi siyempre nga, alam natin lahat na hindi pa nga puwede [magpakasal]. Nasa radyo kami noon. Nagtatrabaho siya, tapos dinalaw ko siya. Wala, inabot lang niya," kuwento ni Amy, na hanggang ngayon ay hindi pa naa-annul ang kasal sa dating vocalist ng South Border na si Brix Ferraris.



Wala pa bang formal proposal ng kasal kay Amy si Carlo?



"Wala, wala pa naman," sagot ni Amy. "But originally, dapat magkakaroon kami ng commitment dinner. Pero biglang pinili naming... Kasi parang feeling ni Carlo, ayaw naman niya na parang nagmumukhang hilaw na ano siya, so we just made a dinner para magkakakilala 'yung both families, di ba?

"It was all the idea of Carlo na para talaga mag-meet ang family niya at family ko. Tapos, itinaon na rin namin 'yung birthday ni Adi [Amy's son with Brix], which is last May 7. Para kumbaga, nagkakakilala na lahat hanggang sa mga lolo at lola."

May dream wedding na ba sila ni Carlo?



Natawa si Amy sabay sabi na wala pa naman daw silang napapag-usapan na ganun. "Although nabanggit ni Carlo na magpapakasal kami sa Hong Kong. Pero sabi ko, hindi rin naman siya puwede. Pagbalik kasi namin ng Pilipinas, hindi pa rin naman siya valid," aniya.



Nakatakdang pumunta sina Amy at Carlo sa Hong Kong in August para sa kanilang "honeymoon."



Kuwento ni Amy, "Actually, mas naaano kami doon sa... Mas pinag-uusapan namin na mas matatag ang relasyon namin, na parang gusto naming ipinapakita sa isa't isa. Kahit hindi pa tayo puwedeng ikasal at this point, alam mo ‘yon, na kaya nating pangatawanan ‘tong relasyon natin. Kaya nating magtagal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sobra akong natutuwa noon, kasi I remember... New Year yata ‘yon, nasa Makati kami, nanonood kami ng fireworks. Tapos parang bigla siyang yumakap sa likod. Tapos parang sabi niya, ‘Sana, Babe, bago tayo tumanda mapakasalan man lang kita.' Alam mo ‘yon? Siyempre, parang gustong tumulo ng luha ko... Kaya nga, darating din ‘yon."

May puwede bang gawin para mapabilis ang pagpapawalang-bisa ng kasal nila noon ni Brix?

"'Yung pumunta ako sa ibang bansa at kumuha ako ng ibang citizenship," seryosong sagot ni Amy.

Kumusta naman ang anak niyang si Adi?

"Ten years na siya at Grade Four sa La Salle," very proud na sabi ni Amy. "Maraming salamat sa educational plan na pinagkagastusan ko ng limang taon. Iyon talaga ang pinagkagastusan ko, doon napunta ang kinikita ko. Kaya every year, kumukubra na lang ako sa pambayad sa school niya.

"Very thankful ako sa side ni Carlo dahil tinanggap siya [Adi] nang buong-buo. Excited si Adi na mag-i-sleep-over siya sa mother-in-law ko pag weekend. Excited si Adi kasi meron na siyang additional set of kids pag birthday. Iyon ang concern niya, may iba siyang set of kids pag birthday niya.

"Nakakatuwa, ito lang week sa school... Pinagtatawanan siya ng classmate niya kasi isinulat niya sa papel, Adrielle Benedict Perez Ferraris Castillo. Tama ba ‘yon?" natatawang kuwento ni Amy.

"Sabi ko, ‘Anak, hindi pa puwede. Aayusin pa natin ang papeles.' ‘Ah, okay. Just tell me when,' sabi niya."

Nagtatanong din daw si Adi kung bakit siya binigyan ng singsing ni Carlo gayong hindi pa sila kasal.

"Sabi ko, ‘No, it's just a symbol of our love for each other.' So, pati ‘yon, napapansin niya," pagtatapos ni Amy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN