Kathleen Hermosa on sister Kristine: "Wala akong pakialam..."

IMAGE 0


"Kung ano man ang gawin niya—kahit na alam ko na may sarili naman akong opinion—pero malaki na siya at nasa tamang edad na siya, may karapatan na siyang mag-decide kung anong gusto niya sa buhay. Pero para sa akin, priority ko ang family ko at trabaho ko," says Kathleen Hermosa (right) about sister Kristine Hermosa (left).


Nagbabalik-showbiz ang nakatatandang kapatid ni Kristine Hermosa na si Kathleen Hermosa pagkatapos ng apat na taong pagkawala sa limelight. Sa mga panahong nawala siya ay tinapos muna niya ang kursong Entrepreneurship sa Thames at nagnegosyo.

"Nagbabalik ako sa show business ngayon. Ang difference is, dati hindi ako consistent, hindi rin ako persistent. Ngayon, walang kasing persistent ako to do this kasi acting talaga 'yung passion ko," panimulang pahayag ni Kathleen sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last June 28 sa ABS-CBN compound.

"Tinalikuran ko 'yung dati," patuloy niya. "Sinabi ko sa sarili ko na parang hindi ito para sa akin. Pero eventually, na-realize ko na kung ano ang gusto mo, huwag kang mag-give up. Just keep on trying. May kumukuha pa naman sa akin hanggang ngayon. May mga projects pa rin naman ako."

Hindi ba siya natatakot na sa kanyang pagkawala ay marami na rin naman nagsulputang mga baguhang artista? Ibig sabihin, mas naging mahigpit ang kumpetisyon ngayon.

"Palagay ko, ang labanan na lang siguro, patindihan ng passion. Kung mahal mo talaga 'yung craft mo, malayo ang mararating mo, plus huwag ka lang magi-give up. Oo, matindi 'yung competition, pero depende na lang siguro sa talent," kampanteng sagot niya.

Paano kung hindi pa rin siya mawala sa anino ng kapatid na si Kristine? Nakilala kasi noon si Kathleen as "the sister of Kristine."

"Ngayon kasi na alam ko na 'yung gusto ko sa buhay, hindi na ako nagpapaapekto sa sinasabi nilang kapatid ako ni Kristine. E, ano naman ngayon? Sino ba ang merong kapatid na napakaganda, di ba? Proud ako. 'Yung comparison siguro dapat tinitignan natin in a positive way. At least, every time people see me na kapatid ni Kristine, saka ako nagpapakilala na ako si Kathleen," paliwanag niya.

Nabalita noon na muntik nang ikasal si Kathleen sa fiancé nito for eight years. Pero anong nangyari at naghiwalay pala sila? Totoo bang ang dahilan ay ang pagpu-pose niya sa FHM magazine?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yeah, that's true," pag-amin niya. "Hindi niya nagustuhan. Nag-pose ako sa FHM April [2006], naulit pa when they got me sa first Internet video ng magazine. I was engaged, fiancé ko na siya. Nakipag-break siya sa akin.

"Pero ngayon, bumabalik na siya sa akin. But I don't love him anymore the same way that I loved him before. Maganda na rin siguro 'yung nangyari. I'm happy being single. I get to enjoy the company of [and] meeting new friends. Masarap rin pala ang mahalin mo naman ang sarili mo."



Bagama't last June 2006 ay na-grant na rin ang nullity ng marriage ni Kristine kay Diether Ocampo, sa palagay ba ni Kathleen ay mauunahan pa rin siya ng kapatid na magpakasal?

"Ayokong magsalita ng tapos, pero oo," sagot ni Kathleen.

Sa mga sumunod naming tanong kay Kathleen ay hindi niya naitago ang kanyang sama ng loob sa kapatid.

"Wala naman na akong pakialam kung anong nangyayari sa buhay niya dahil hindi naman niya pinapaalam sa amin na pamilya niya. Nagawa ko na 'yung parte ko. Kung ano man ang gawin niya—kahit na alam ko na may sarili naman akong opinion—pero malaki na siya at nasa tamang edad na siya, may karapatan na siyang mag-decide kung anong gusto niya sa buhay. Pero para sa akin, priority ko ang family ko at trabaho ko," sabi ni Kathleen.

Pero masama man ang loob, may lugar pa rin sa puso ni Kathleen si Kristine. Nasasaktan pa rin daw siya sa tuwing nasusulat ng hindi maganda ang kapatid.

"Oo naman. I always get hurt but that's part of show business."

May isang blind item na lumabas tungkol sa isang young actress na hindi man lamang dumalaw sa kanilang ina na naoperahan dahil sa myoma. Hindi man pinangalanan, walang duda na si Kristine ang tinutukoy, at siya namang kinumpirma ni Kathleen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, totoo naman kasi ‘yon," sabi ni Kathleen. "Pumasok at nakalabas si Mama na hindi siya [Kristine] dumalaw. Hindi naman puwedeng hindi niya alam kasi may nakapagsabi naman siguro sa kanya at tinext ko siya."

Bilang nakakatanda, hindi ba niya pinagsasabihan si Kristine?

"Nagawa ko na ‘yon. Hanggang ngayon naman, pero hindi rin kasi kami on good terms ngayon. Hindi ko rin naman alam kung bakit. Ang alam ko lang, ang lagi kong nire-remind sa kanya more than anything else or any one else in this world, i-prioritize niya sana ang family niya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN