StarStruck Avenger Jesi Corcuera has a crush on Richard Gutierrez

IMAGE 0


"Walang harang, oo na!" will be Jesi Corcuera's (right) answer if her crush Richard Gutierrez (left) woos her.


Aliw kausap ang StarStruck 4 Avenger na si Jesi Corcuera na hindi pa nalalamon ng showbiz system na puro "no comment" ang sagot sa mga pagtatanong. Ang dami niyang ni-reveal sa kuwentuhan namin nang bumisita ang PEP (Philippine Entertainmetn Portal) sa set ng Boys Nxt Door kahapon, June 30, sa Cainta, Rizal.

Hinabol kasi namin ang scene na magdadamit-babae siya, pero hindi kami umabot.

"Ay sayang, sana nakita ninyo ko, may wig pa!" sabi ni Jesi.

Binibiro siya ng mga staff and co-stars niya sa nasabing sequence.

"Noong una, sabi ni Kiko [Juinio] nang nakita niya akong nakadamit-babae, sana raw hindi na ako magpalit. Tapos iniba niya, sabi niya mukha akong bakla. May iba naman nagsasabi na kamukha ko raw si Ate Pauleen [Luna]," natatawang kuwento niya.

"Oo" lang nang "oo" si Jesi sa mga ipinapagawa sa kanya dahil trabaho lang naman daw ito. Hindi na rin naman ito ang unang beses niyang nagdamit-babae. Sa StarStruck ay nagawa na niya ito.

"Nag-bra ulit ako," dagdag niya.

Tinanong namin na kung nag-bra man siya, naka-briefs pa rin ba siya? "Oo," ang sagot niya sa amin. Hindi kasi kailanman nag-panty si Jesi, palaging briefs.

Okay lang din daw kung magkakaroon sila ng halikan ni Kiko rito.

Tinanong namin siya kung sino ang pinaka-crush niyang artista—si Richard Gutierrez daw.

Sa "Balakubak" portion ng gag show na Nuts Entertainment na ipinalabas last Wednesday, siya ang guest at doon din siya natanong kung sino nga ang crush niya. The next taping day ng Nuts Entertainment, pinasali pa rin siya pero sa mga contest na.

"Binibiro nila ako kay Richard, tapos pinasama pa ako sa team niya. Nanalo naman kami," sabi niya.

Hinalikan ba siya?

"Inakbayan ako."

Alam ba ni Richard na crush niya ang young actor.

"Oo."

Ano ang sabi niya?

"Wala, tatawa-tawa lang."

Tinanong namin si Jesi na kung manliligaw ba sa kanya si Richard, ano ang chance nito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Walang harang, oo na!" sagot ni Jesi.

Biniro namin siya na may chance pa palang maging all-girl siya. Siguro naman daw, huwag lang daw siyang manganganak, ayaw niya. Pinakamahirap daw 'yun na gawin.

Sakaling mag-alok sa kanya ang FHM na mag-pose sexily, tatanggapin ba niya?

"Pag tinanggap ko 'yun, baka dumami ang trabaho ko, so 'oo' na!" natatawa niyang sagot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN