Dina Bonnevie and Rosanna Roces: From enemies to friends

IMAGE 0


"Actually from the very beginning, talagang hinahanapan ko kung paano kami magkamukha kasi ang puti-puti niya, maitim ako. Ang kamukha talaga ni Osang ay 'yong cousin ko [Lou Bonnevie], hindi ako," says Dina Bonnevie (right) about Rosanna Roces (left).



Ang bagong morning TV show nina Boy Abunda at Kris Aquino ang naging pangalawang arena para kina Rosanna Roces at Dina Bonnevie para magkaharap sa isang interview. Una silang napanood sa The Buzz, pero mas detalyado ang kanilang paghaharap sa Boy & Kris dahil pinag-usapan dito ang ugat ng kanilang kontrobersiya—ang pagiging magkamukha nila na hindi matanggap-tanggap nina Dina at Osang noong una.

Nagsisimula pa lamng kasi noong si Rosanna sa showbiz, with Ana Maceda as screen name, at may mga nagsasabi na malaki ang pagkakahawig niya kay Dina. Tila hindi nagustuhan ni Dina ang pagkukumpara sa kanya kay Osang, na ipinag-react naman ng huli. Since then ay nagkaroon na ng alitan ang dalawa.

Pero pagkatapos ng mahabang panahon ay mukhang nagkaayos na ang dalawang aktres. Magkakasama sa unang pagkakataon sina Dina at Rosanna sa Sine Serye ng ABS-CBN na Natutulog Ba ang Diyos?.



Ayon kay Dina, ang first impression niya kay Osang ay isang palaban na babae. Gandang-ganda naman si Osang kay Dina.



Ayon naman kay Osang, kung naririnig nito ang pangalan ng aktres ay si Vic Sotto agad ang naalala niya. Para naman kay Dina, "flawless" ang unang naaalala ni Dina kapag binabanggit s Osang, ang huli raw kasi ang nagpauso ng salitang ito.



Masayang inamin ni Osang na very proud ito na ikumpara kay Ms D. "I'm proud kasi maganda siya," sabi ni Osang.



"Actually from the very beginning, talagang hinahanapan ko kung paano kami magkamukha kasi ang puti-puti niya, maitim ako. Ang kamukha talaga ni Osang ay 'yong cousin ko [Lou Bonnevie], hindi ako," sagot naman ni Dina.

Narito ang ilang common questions kina Dina at Rosanna sa question-and-answer portion ng Boy & Kris:

Paano ninyo nalagpasan ang mga intriga at tsimis sa showbiz?


ROSANNA: Deadma. May nakakaapekto when it involves my daughter, my son, and my grandson. Pero kung ako lang ang titirahin, magsimula kayo.
DINA: Ako naman, I'm not affected with tsismis. Pero there was once lang na may idinemanda ako. That was the time na they accused me na I was having an affair with my houseboy... I go home lasing and kinakarga daw ako ng houseboy ko. ‘Yon pala, they were referring to another actress, but one reporter pinangalanan niyang si Dina Bonnevie 'yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang nagawa sa inyo ng showbiz bilang isang tao?


ROSANNA: Marami. Natuto akong makisama sa ibang klase ng tao, mataas, mababa. At saka plastik, totoong tao, manggagamit, lahat ng klase ng tao nandito, e. Like you are going to [a] mall. Kahit may problema ka, gusto nila [people] i-entertain mo sila. Pero ngayon iba na ang natutunan ko. Iba ang nagagawa ng smile. Lalo na kung naghihirap sila, ngitian mo lang sila at ngingitian din kayo, ang sarap ng pakiramdam.


DINA: I have learned my lessons kasi noong una, palagi akong totoo, e. Pag wala ako sa mood, wala ako sa mood. Dati ha, noong bata-bata pa ako, sabihin ko, ‘Please sana intindihin ninyo ako, wala pa akong tulog.' And then I learned na it's not good kasi di naman nila kasalanan kung wala kang tulog, e. Pinili mo 'yong trabahong maging public property. Pinili mo 'yong trabahong pinapanood ka ng tao, 'yong buong buhay, talambuhay mo, alam nila. Kasama 'yon, that goes with the story.

Gaano kahalaga ang lalaki sa konepto ng kaligayahan mo ngayon?


ROSANNA: Sa ngayon ang lalaki [sa buhay ko] ay sina Budoy at si Onyok. At siyempre, 'yong nagmamahal sa akin, at saka hindi factor 'yong asawa. Kumbaga, kung bibigyan ako, mapi-feel ko naman siguro 'yon. Di naman ako nagsasara ng pinto no, kasi ayaw kong tumandang nag-iisa. Hello!


DINA: Ngayon, ang pananaw ko sa buhay is I have myself, my kids, and my God. If God will give somebody to love and to share my life with, He knows what I mean. Para sa akin, kung mayroon, thank you. Pero sana Lord, talagang bigyan mo ako ng for keeps na.



Halatang pareho nang nag-mature ang dalawang palabang aktres kaya naman hindi nakapagtataka na mula pagiging magkaaway ay maging magkaibigan na sina Dina at Osang. Ayon nga kay Osang, magiging mabuti silang magkaibigan dahil magkatulad silang prangka at mapagmahal sa anak, na sinang-ayunan naman ni Dina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN