Oyo Sotto happy if ex-girlfriend Angel Locsin decides to move to ABS-CBN

IMAGE 0


"Masaya ako kung matutuloy nga talaga ‘yon. Hindi naman kami nagkakailanganan kasi ‘yung friendship naman namin ni Angel, utol-utol, ganun ulit," says Oyo Sotto abour rumors that Angel Locsin might transfer to the Kapamilya Network.



Nakarating na kay Oyo Sotto ang isyu tungkol sa hindi pagpirma ng panibagong kontrata ng kanyang ex-girlfriend na si Angel Locsin sa Artist Center, ang talent arm ng GMA-7.

Bagama't ayaw makialam ni Oyo sa kung anuman ang maging desisyon ng dating kasintahan, inamin niya na magiging masaya siya kung makakatrabaho niya si Angel sa bakuran ng ABS-CBN kung saan may dalawang existing shows ang young actor.



"Masaya ako kung kung matutuloy nga talaga ‘yon. Hindi naman kami nagkakailanganan kasi ‘yung friendship naman namin ni Angel, utol-utol, ganun ulit," lahad ni Oyo nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) after ng guesting niya sa The Buzz kahapon, July 8.

Gaano ba sila ka-close ni Angel ngayon?

"Siyempre, hindi naman kasing solid nung dati, pero papunta na doon. Parang kaunti na lang papunta na doon. Kasi parang, ayun, tumawag siya sa akin nung nasa States siya. Sabi niya, ‘O, kumusta ka diyan?' ‘Ingat ka,' sabi ko. Ganun," kuwento ng bunsong anak nina Vic Sotto at Dina Bonnevie.



Kung sakaling hingan siya ng advise ni Angel kung saang network siya magtatrabaho, ano ang sasabihin ni Oyo?



"Kung ano ‘yung nararamdaman niya at kung ano sa tingin niya ang makakabuti sa kanya. Basta importante lang naman, ipagdasal mo muna, di ba? Sasabihin ko sa kanya na humingi siya ng guidance kay Lord," sagot ni Oyo.



Kasabay ng usap-usapan tungkol diumano sa paglipat ni Angel ng ibang network ay ang isyu na kaya umalis ng Pilipinas ang young actress ay dahil nasa interesting stage siya ngayon. Ano ang masasabi ni Oyo rito?



"Hindi naman totoo ‘yon, so wala naman kailangang idepensa. Kasi mag-aaral siya sa London," sabi niya.



Nabalitaan din ba niya na dumalaw si Angel sa taping ni Richard Gutierrez ng Lupin bago lumipad ang young actress patungong United States?



"Hindi ko alam ‘yon," sagot ni Oyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Tatanungin ba niya si Angel tungkol dito kapag nakausap niya sa telepono ang dating kasintahan?



"Hindi naman," mahinahong sagot ni Oyo. "Ayoko naman kasing makialam. If ever dumalaw man siya, baka naman siguro may kinailangan lang, ganun. Hindi ko alam. Okay lang ‘yon, wala naman sa akin ‘yon.

"Ang sabi ko nga sa kanya [Angel] kapag nag-uusap kami, ‘Basta as long as you're happy sa ginagawa mo. Pero isipin mo rin bawat galaw mo, bawat kilos mo. Unahin mo muna si God bago ang iba.'"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN