Bea Saw: "I'm not guarding my heart, wala lang akong type."

IMAGE 0


Pinoy Big Brother Season 2 winner Beatriz "Bea" Saw clarifies a report that she doesn't want to join show business. She explains, "No, that's not what I said. Ang tanong kasi sa akin, I remember, kung pumasok daw ba ako sa PBB para maging stepping stone sa showbiz. Kaya ang sagot ko, ‘No. I'm here for the prize money. Wala kaming bahay.'"


Dainty and ladylike but with an infectious laughter, first time naming nakasalamuha ang Season 2 winner ng Pinoy Big Brother (PBB) na si Beatriz "Bea" Saw kahapon, July 11, sa Dencio's restaurant, malapit sa ABS-CBN.

This Ateneo de Naga graduate has brains and a lot of quotable quotes kapag sumasagot sa amin. It turned out, pati pala si Kuya, nabibigyan niya ng mga one-liners niya.

Unang sinagot ni Bea sa amin ang isang artikulong nabasa namin na na-quote siya na wala raw siyang balak mag-artista.

"No, that's not what I said," paglilinaw niya. "Ang tanong kasi sa akin, I remember, kung pumasok daw ba ako sa PBB para maging stepping stone sa showbiz. Kaya ang sagot ko, ‘No. I'm here for the prize money. Wala kaming bahay.'

"Kahit noong nag-interview pa lang sa audition, tinanong na rin ako why I joined, ang sagot ko, ‘I wanted to win.'"

Pumasok si Bea sa Bahay ni Kuya with a mindset that she will win the contest and she did.

Susog namin, kaya ba walang na-link sa kanya while inside the house save for Nel Rapiza?

"No, wala lang akong type," sagot niya. "Tinanong din ako ni Kuya nang nasa loob ako about this at ang sagot ko nga, ‘I'm not guarding my heart, it's just wala lang akong type.'"

Single ngayon si Bea, her last boyfriend was in Bicol pa. Mutual ang decision nila to break up dahil during that time, lilipat na siya sa Manila to work. Hindi siya naniniwala sa long-distance relationship.

Tinanong namin siya na ngayong nasa labas na siya, chances are maipapares siya sa ibang artista kapag umarte na siya. Sino ang pipiliin niyang ka-partner?

Una, wala raw sa mga ka-housemates niya. "May partners na sila, e," sabi niya.

Ayaw rin ni Bea noong una na magbanggit ng ibang pangalan dahil may "sabit" na raw ang mga gusto niyang maka-partner. Later on, bigla siyang sumagot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Puwede apat?" sabay tawa niya.

Biniro namin siya na aayaw-ayaw niyang magbanggit noong una dahil may mga partners na nga ang gusto niya, tapos apat pa ang hihilingin niya.

"E, nagtanong kayo kung sino ang gusto kong maka-partner. Puwede palang lima?" sabi niya.

"Una si Sam Milby. Tapos si John Lloyd [Cruz]; si Enchong [Dee] kasi kilala ko siya, Bicolano rin siya; si Luis [Manzano]; at si John Prats."

Hindi kaya mas bata sa kanya si Enchong? Bea is 21 and Enchong recently turned 18.

Aniya, hindi na raw magka-partner, magkapatid na lang.

Kung taga GMA-7 naman siya at hihilingan din siya ng partner of her choice, napa-"Ay!" muna si Bea bago sumagot. "Si Dennis [Trillo]."

Asked kung isa sa mga nabanggit niya ang crush niya, wala raw.

Ang crush niya raw ay si Champ Lui-Pio, ang vocalist ng bandang Hale.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN