Rosanna Roces confirms Pajero gift of Bong Revilla to grandson Budoy

IMAGE 0


Rosanna Roces talks about the car that Bong Revilla gave their grandson Budoy and about her family life.



Kinumpirma ng comebacking actress na si Rosanna Roces ang balitang niregulahan ni Bong Revilla ang apo nilang si Gab ng isang Pajero. Si Gab o Budoy ay anak ng panganay ni Osang na si Grace Adriano at ng pangalawang anak nina Bong at Lani Revilla na si Jolo Revilla.



"Pajero, puti!" pag-amin ni Osang nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa press con ng Natutulog Ba ang Diyos? Kagabi sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.

"Tinanong niya [Bong] si Budoy, ‘Gusto mo ng car? Anong kulay?' ‘White!' Ayun, binigyan ng white na Pajero. Sa akin naman, hinihingi niya [Budoy], horse na puti. Mga Revilla talaga, mahilig sa sabong!



"Hindi, napakatalinong bata [ni Budoy]. Nag-aaral na, e. Ang tatas [magsalita]! At saka kanina, isinama ko sa set... Makikita mong marunong nang makisama kahit na kaninong tao. Alam mong pinaghalong artista at pulitika," very proud ni kuwento ni Osang.



Maluwag ba nilang tinanggap ang Pajero na bigay ni Bong kay Budoy?



"Oo," mabilis na tugon ng aktres. "Sinasabi ko kay Grace, huwag ka nang magreklamo. ‘Yung gestures, ‘yun ‘yon. Hindi ‘yung small thing or big thing, car ‘to, e... Be thankful for whatever na ibinibigay sa atin. ‘Yung gesture na lang ng pagbibigay. And I promised that I will pay it forward. Ibibigay ko rin, magbibigay rin ako sa iba."



May balita rin na si Lani raw ang talagang gumagamit ng Pajero na ‘yon bago ibinigay sa kanila? Ano ang reaksiyon niya rito?



"Ay naku, kahit ano pa ‘yon, kahit pupugak-pugak pa ‘yon! But it's the gesture of giving. Kahit hindi Pasko, di ba? ‘Yun ang sinasabi ko, madaling kausap talaga si Bong," sabi ni Osang.



Ayon pa kay Osang, she found religion in silence. Kaya nang hingan ito na magbigay ng anumang komento tungkol kina Lani at Rudy Fernandez, na magaling na sa kanyang cancer, hindi talaga napilit si Osang or na-provoke man lang unlike before.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Huwag naman tayong ganyan," sabi niya. "Positive na lang. Let's leave it alone. Kahit nga si Grace, siya na ang nagsasabi na ayaw na niyang magsalita dahil taon na ito. ‘Mapapa-away na naman si Mommy.'



"Bata na ‘yung nagsasalita. Tapos tayong matatanda, hindi natin naiisip ‘yon? ‘Yung batang ‘yon, dapat galit ‘yon, pero makikita ninyo, hindi galit. Iyon ang sinasabing good seed. Kahit ano ang ipinukol nila sa akin, ‘ayan ang bunga o. Isang batang mapagmahal na walang galit sa katawan. Hindi ba napakagandang mensahe naman no'n? Iyon ‘yung si Grace ngayon... Nag-iba siya, ang laki ng ipinagbago niya."



Wala bang plano si Grace na pumalaot din sa showbiz at mag-artista?



"Ayaw niya, e. Gusto ko rin siyempre para siya rin naman kumikita at para hindi naman siya ‘yung hingi nang hingi lang. Tatlo ang nanghihingi sa akin, pati si Budoy. Talaga naman!" natatawang sabi ni Osang.



Pero hindi naman daw niya mahindian ang mga ito.



"Talagang hindi. E, kung noong araw ang mga nanghihingi sa akin, ibang tao. Kung ipamigay ko ang pera, pero ngayon, apo ko! Talagang bigay lang ‘yon. Hangga't maaari, ayoko ng may pera sa wallet, hindi ako tinatantanan."



Magkano naman kadalasan ang ibinibigay niya kay Budoy?



"Five hundred palagi. Pero nagbibigay naman ng sukli. Kung minsan, binibili niya ako ng load [ng cell phone]. Uy, mabait ‘yung batang ‘yon at kilala siya ng mga tao dun sa amin. Hindi mo nga puwedeng kidnapin ‘yon dahil sa mga tricycle driver pa lang, kilalang-kilala na siya. Doon pa lang, mabubugbog na magtatangkang kumidnap. Mahal na mahal siya ng mga tao," pagmamalaki ng aktres.



Lola's boy raw talaga ang apo. Hindi ba siya natatakot na since spoiled ito sa kanya at spoiled din sa lolo niyang si Bong, lumaking pasaway si Budoy?



"Hindi, e, mabait siya," sabi ni Osang. "Huwag lang salbahe. At saka kapag pinandilatan ko, natatakot na. At saka, iiyak ‘yan. Ayaw niya ng may taong kinakagalitan. Kahit si Onyok, kapag kinagalitan ko, iiyak ‘yan. "

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masaya si Osang dahil sa dami ng trabahong ibinibigay sa kanya ngayon ng ABS-CBN. Ito raw ang kinu-consider niyang blessing or bonus sa pagbabalik-loob niya sa Panginoon. Maging ang mga anak raw niya, may mga trabaho na rin.



"Naku, siguro dahil nawalan, so mas alam na nila ngayon ang value ng pera. Si Onyok, nagtuturo ng English sa Koreans. Sa DECS sila, trabaho talaga. At kapag Pasko naman, nagti-tiangge ang mga ‘yan, bumibili sila sa Divisoria," kuwento niya.



Hindi rin itinanggi ni Osang na malapit siya sa bagong boyfriend ni Grace.



"Si Filemon... Sinasabi ko nga kay Filemon na, ‘O, don't do that to Grace ha...don't do that [kasabay ng gesture sa tiyan na tipong buntis]. I don't like that, I will eat you alive here!' E, ang hirap ng salita niya, hindi ko maintindihan," natatawa niyang sabi.



Half-Arab at half-American kasi ang bagong boyfriend ng anak ni Osang.



"Iyon na nga ang love! Regardless of religion, regardless of race, colors. Di ba, napakaganda ng mensahe ng pamilya ko about love? Tapos sila Onyok, may estudyanteng Koreano na tinuturuang mag-English. And one thing din na na-amaze ako, dati nandidiri ako the way they eat. Pero ngayon, ang sarap!

"May dalawang Ethiopian pa na nakatira sa bahay ko. Isipin mo, nagtitirintas ng buhok ko, Ethiopian talaga! Tapos, ‘yung pagkain namin, international talaga. Para akong may Benetton sa bahay. Ang saya-saya! Actually, ‘yung love ko, parang nag-overflow. Kahit sa nanay ko na dati palagi kong pinapagalitan, ngayon nagbabawi talaga kami sa isa't isa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN