Asia Agcaoili denies stealing Katrina Halili's scene at FHM event

IMAGE 0


"I didn't intend that to happen. Actually, she did her walk and when she did her walk, pumunta na lang kami sa center. Parang bitin so we did another walk, together naman this time because I wanted to assist her," explains Asia Agcaoili (left) about reports that she tried to take the limelight away from Katrina Halili (right) during the FHM event.



Tila hindi matapos ang hiyawan nang rumampa si Katrina Halili sa dulo ng FHM 100 Sexiest Women in the World victory party noong Wednesday, July 12, sa World Trade Center.

Marami rin ang nakapansin sa pagsabay ng host at isa rin sa sexiest women na si Asia Agacaoili sa ikalawang pagrampa ni Katrina. May ilan kaming katabi na nagtanong kung kasama raw ba sa script ang pagrampa rin ni Asia gayong "moment" ni Katrina ang pagrampa.

"I didn't intend that to happen. Actually, she did her walk and when she did her walk, pumunta na lang kami sa center. Parang bitin so we did another walk, together naman this time because I wanted to assist her," paliwanag ng sex guru.

Pakiusap pa ni Asia, huwag na raw sana silang pag-awayin ni Katrina dahil magkaibigan daw sila. Hindi rin daw niya kailangang makipagtalbugan kay Katrina. Malaki raw ang paghanga niya sa young sexy star at hindi raw niya inisip na sapawan ito.

"I just went there to have fun," sabi ni Asia. "I have been hosting the FHM party for three years now and I really wanna make it good.

"Talagang pinaghandaan ko ito. I just got off the plane nung 8:45 ng umaga, galing akong Germany. I know na pag galing ka sa flight, you will gain some weight dahil sa pressure kaya I watched what I ate while I was abroad."

Labis pa raw ipinagmamalaki ni Asia ang kanyang mga costume. Siya raw ang gumawa at nagdisenyo nito.

"Not everybody knows that I took up a fashion course in UP [University of the Philippines]. I really love dressing up and designing what I wear. Sa FHM, nakita nyo naman, may umilaw-ilaw pa. At saka ‘yung isa, thirty-six hours kong tinatahi ‘yon. Iniyakan ko talaga ‘yon!" pagmamalaki ni Asia.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN