Joseph Bitangcol confirms breakup with Sandara Park

IMAGE 0


"Almost three years din naman ang itinagal ng relasyon namin kaya siyempre, kahit paano, hindi naman magiging madali para sa akin ang kalimutan siya. Saka, bago pa lang din kaming naghiwalay, kaya siyempre mahal ko pa rin siya," says Joseph Bitangcol about his breakup with Korean young actress Sandara Park.



Tinawagan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Joseph Bitangcol kahapon, July 14, para tanungin siya kung totoo ang naisulat sa isang pahayagan na diumano'y break na sila ng girlfriend niyang si Sandara Park. Kinumpirma ng young actor ang balita.

"Actually, two weeks na kaming hiwalay ni Sandy," pag-amin ni Joseph. "Hindi kasi namin 'yon ipinamamalita kaya ngayon lang nasulat."

Wala naman daw third party involved sa hiwalayan ng dalawa. Ang madalas lang nilang pag-aaway ang ibinigay na dahilan ni Joseph kung bakit nag-decide silang tapusin na lang ang kanilang relasyon.

Pero kahit hiwalay na, aminado naman si Joseph na mahal pa rin niya ang dating girlfriend.

"Almost three years din naman ang itinagal ng relasyon namin kaya siyempre, kahit paano, hindi naman magiging madali para sa akin ang kalimutan siya. Saka, bago pa lang din kaming naghiwalay, kaya siyempre mahal ko pa rin siya," sabi niya

Iniyakan ba niya ang paghihiwalay nila ni Sandara?

"Nalungkot lang ako, pero hindi ako umiyak. Siya umiyak siya, kasi babae siya, e," sagot ni Joseph.

Ano ang pinakamasayang alaala niya nung time na mag-on pa sila ni Sandara?

"Marami kaming masasayang ala-ala together, e. Pero siguro ang pinakamasaya, nung time na nagpunta kami sa Cebu, last Christmas yata 'yon. Dalawa lang kaming nagpunta doon, namasyal lang kami, tapos dinalaw namin 'yung mga friends namin na nakatira doon. Ang saya-saya talaga namin that time. Nakapag-bonding kami nang husto sa Cebu," kuwento ng young actor.

Sa Mactan Shangri-La Hotel daw nag-stay sina Joseph at Sandara. Pero kahit silang dalawa lang doon ay wala naman daw nangyari sa kanila.

"Kasi ang gusto namin noon, kung may mangyayari sa amin, dapat kasal na muna kami. Saka, hindi rin naman ako 'yung lalaking mapagsamantala. Malakas naman ang kontrol ko sa sarili, e.

"Pero siyempre, magkayakap kaming natulog. Pero hanggang ganoon lang talaga kami. Promise, wala talagang nangyari sa amin," diin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magka-batch sina Joseph at Sandara sa kauna-unahang Star Circle Quest, ang reality-based artista search ng ABS-CBN kung saan ang nanalo ay si Hero Angeles.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN