StarStruck 4 Avengers Jesi Corcuera and Kiko Juinio caught by PEP on their first date

IMAGE 0


Boys Nxt Door co-stars Jesi Corcuera (left) and Kiko Juinio (right) do not hide the fact that they are dating. In fact, PEP chanced upon them on their way to their first date.



Tunay ngang nagdi-date ang dalawang StarStruck 4 Avengers na sina Jesi Corcuera at Kiko Juino.

Not part of the promotion or gimmick for their Sunday teen show Boys Nxt Door sa GMA-7, nadatnan at nagkagulatan pa kami nina Jesi at Kiko sa Internet shop na Station 168 sa Tomas Morato kaninang hapon, July 16.

Naglalaro ng Counter-Strike si Kiko habang nasa tabi niya ang nakayuko at inaantok pang si Jesi.

"Magdi-date po kami," sabi ni Kiko sa amin.

"Ewan ko diyan kung ano ang naisipan," sagot naman sa amin ni Jesi.

"Nakatanggap po kasi siya ng TF [talent fee] kaya pakakainin niya po ako sa Greenhills, may hinihintay lang," dagdag ng dalagita.

Talaga palang lumalabas ang dalawa nang sila lang without any fanfare or other friends, although they also go out with their StarStruck batchmates.

Naikuwento rin sa amin ni Jesi na first date nila ito ni "Men"—ang narinig naming tawagan nila sa isa't isa.

Na-treat na rin daw ni Jesi si Kiko sa Starbucks.

Hindi naman lingid sa marami na lesbian si Jesi, pero tila pursigido si Kiko na ma-win over ang puso ng dalagita.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN