Becky Aguila on Angel Locsin leaving GMA-7: "A very painful decision"

IMAGE 0


"Angel has done her part. Nagkatulungan naman sila, e. Angel has done everything that they wanted her to do and I think that's the most important part there. Kumbaga, binigyan ka ng trabaho, pinagbuti mo. Hindi mo nga lang pinagbuti, e, sinagad sagad mo ang sarili mo," says Becky Aguila (right) about her ward, Angel Locsin (left).



Binasag na ng manager ni Angel Locsin na si Becky Aguila ang kanyang katahimikan tungkol sa napakalaking kontrobersiya ng napipintong paglipat ng kanyang alaga sa ABS-CBN mula sa GMA-7. Na-interview ni Boy Abunda si Becky para sa The Buzz noong Biyernes, July 20, sa bahay ni Angel sa Quezon City. Kasalukuyang nasa London si Angel, pero alam daw niya ang pagpapa-interview ni Becky at ng ama niyang si Mr. Angel Colmenares.

Binigyang linaw ni Becky ang mga kontrobersiyang bumabalot sa kalagayan ng career ngayon ni Angel. Si Becky ang manager ni Angel for six years. Una silang nagkakilala noong nagmu-model pa si Angel.

"Actually, she's in ABS-CBN that time. She was in Star Magic Batch 9. Andun siya sa workshop stage. Pero hindi natuloy ang pagpirma ni Angel sa Talent Center [Star Magic na ngayon] para sa Batch 9 dahil hindi pumayag ang kanyang ama na mag-artista siya. Pero talagang kinumbinsi ko ang daddy ni Angel," pahayag ni Becky.

Inabot pa raw ng isang taon bago niya nakumbinsi ang ama ni Angel na subukang mag-audition sa dating youth-oriented show ng GMA-7 na Click.

"Si Angel matiisin ‘yan, e. Remember, she had this laser sa left eye niya? Sobrang matiisin na ‘pag nagbabasa siya ng script almost sa mukha na niya. Tiniis niya ‘yon, e.

"Nandun sa kanya lahat ng qualities ng isang nagsusumikap na artista. Kasi gusto niya talagang humaba pa ang staying power niya dito sa showbiz. So talagang nagpupursigi siya...kasi interesado rin siya na mag-grow, e, not just as an actress but also as a person."

Tinanong ni Kuya Boy si Becky kung si Angel ba ang tipo ng artista na nagrereklamo.

"Si Angel kasi, ever since, she got so busy with one soap after another [sa GMA-7], like with Mulawin, Darna, Majika, and then Asian Treasures. Wala ka nang narinig na reklamo diyan, e. Kung ano ang ibinigay sa kanyang project...tinatanggap naman niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"As the saying goes, opportunity knocks only once then you grab it. But then there's also a saturation point. And lately, ‘yun na ‘yung napansin namin sa kanya. She's been really complaining," kuwento ni Becky.

BURNING OUT. Nagku-complain na raw si Angel dahil sa sobrang pagod, nawawalan na siya ng panahon para sa kanyang sarili at pamilya.

"Yeah, ‘yan palagi ang nagiging argument namin," sabi ni Becky. "Kasi nga sabi niya, ‘I'm so tired Tita, I'm just gonna go home and take a bath and then I have to leave again. There was a time also na bumaba na rin ‘yung BP [blood pressure] niya. Nahihilo raw siya.

"Kahit na may pagka-sporty type si Angel, bumibigay din siya. So, Daddy [Angel Colmenares] and I saw the crucial period of Angel. She's burning out."

Sinabi rin ni Becky sa interview sa The Buzz na hindi raw mahilig gumimik si Angel.

Kuwento ng talent manager, "Hindi mo siya makikita sa labas sa mga bars. Hindi siya ganun, e. She'd rather watch a movie through her DVD and invite some friends in the house. So, in a way, nakakatipid siya kasi hindi siya gaanong gumagastos ‘pag nasa labas."

Hindi naniniwala si Becky na kapag nawala sila sa telebisyon ng two weeks ay makakalimutan na si Angel ng publiko.

"Ang importante, you have to have pacing. You can't just jump from one project to another. What's important is the well-being of the artist. I'm not just here as the manager, but I'm also here as a mother. The point here is she needs to take a break and we really saw it coming. You could even see naman from her physical looks that she's drained out."



PAINFUL DECISION. Kinumpirma ni Becky ang nauna nang naisulat na nagkaroon sila ng serious talk nang pumunta sila sa Amerika ni Angel para sa premiere night ng co-production nilang Angels. Although, kahit noong bago pa sila umalis ay nag-usap-usap na rin sila rito ni Angel at ng Daddy niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"When we were there, we all know naman that everyone is expecting us to decide. Doon na nga nag-umpisa ‘yung kung anu-anong issues, e. Speculations na lilipat nga daw kami. Nag-soul searching kami. We started from scratch. Meaning, from the time that she started as an artist and now that she's Angel Locsin.



"Malalim ang usapan. In fact, it's really a very painful decision," sabi ni Becky kay Boy. "Because we love the network. We love GMA but then... You know there are some things that are better left unsaid."

Sinabi ni Becky na tapos na tapos na ang kontrata ni Angel sa GMA-7 noon pang March 31. Freelancer na si Angel bago pa siya umalis papuntang U.S. From the U.S., nag-usap daw si Becky at ng ama ni Angel. Sa pag-uusap na ‘yon, nagpadala siya ng feeler sa ABS-CBN.



"I offered, I wanna clear that, I offered," mariing sabi ni Becky. Ito ay taliwas sa unang napabalita na ang ABS-CBN ang nag-offer kay Angel.



Naiintindihan din daw ni Becky ang sinasabi ng iba na walang utang na loob si Angel.



"Of course, that's understandable if these issues are coming out," sabi niya. "But then again, Angel has done her part. Nagkatulungan naman sila, e. Angel has done everything that they wanted her to do and I think that's the most important part there. Kumbaga, binigyan ka ng trabaho, pinagbuti mo. Hindi mo nga lang pinagbuti, e, sinagad-sagad mo ang sarili mo.

"Sa part naman ng GMA, siyempre nakita naman nila ang potensyal ni Angel kaya ibinigay din naman sa kanya ang karapat-dapat na projects na dapat na makuha niya."

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pakikipag-usap ni Becky with ABS-CBN. Inayunan niya ang sinabi ng Daddy ni Angel na "malaki" ang posibilidad na lilipat na sa Kapamilya Network ang young actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Samantala, nararamdaman na ni Becky ang epekto ng pag-alis ni Angel sa GMA-7 sa mga iba niyang talents na maiiwan sa Kapuso Network—gaya nina Jennylyn Mercado, Valerie Concepcion, at Charming Lagusad. Pero hiling niya na huwag nang idamay ang mga inosente niyang mga alaga dahil wala naman daw silang kinalaman sa lahat ng pangyayaring ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN