Janelle Jamer says she never got pregnant by Willie Revillame

IMAGE 0


"Naiinis ako kasi siguro ‘yun ang pinaka-imoral na gagawin mo, na papatay ka ng bata na wala namang alam," says former Wowowee co-host Janelle Jamer about the rumor that she aborted her pregnancy by Willie Revillame.



Isa-isang sinagot ng comedienne-TV host na si Janelle Jamer ang mga isyung ibinabato sa kanya, nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) bago magsimula ang grand finals ng Search for the Next White Castle Lady. Mapapanod ang Search ngayong Sabado ng gabi, July 28, sa ABS-CBN.



Una na ang isyu ng pananatili pa rin niya sa Pilipinas at paglabas sa iba't ibang shows pagkatapos niyang magsalita sa inalisang show na Wowowee sa Kapamilya Network, na pupunta siya sa Amerika para subukang magkaroon ng singing career doon. Kaya't ang ipinagtataka ng marami ay kung bakit nandito pa rin siya sa Pilipinas hanggang ngayon.



"Hindi, kasi talaga before, I decided to rest bago kami mag-show nina Piolo [Pascual] sa Jordan. Meron kasi ako na August 30, nasa Jordan kami ni Papa Piolo. Gusto ko munang mag-rest kasi nga ang daming nangyari.

"Tapos sabi ni Ate Cacai [Velasquez-Mitra, her new manager], hindi puwede. ‘Kailangan habang naghihintay ka sa mga shows mo abroad, kailangan mong maging visible kasi hindi mamamatay ‘yung isyu na buntis ka. So, kailangan mong lumabas.'

"Nung una, ayoko talaga. ‘Ate, maglilipat ako ng house. Gusto ko munang huwag mag-everyday show.' Tapos, nagkaroon ng problem sa pamilya namin, na ngayon ay naayos na siya. Tapos sabi ni Ate Cacai, ‘Kung ako, if you trust me, makinig ka sa akin.' Sabi niya, ‘Kung sinabi mo na parang hindi mo na feel na may nagde-decide para sa ‘yo, iba na ngayon,'" mahabang kuwento ni Janelle.



Ayon kay Janelle, hindi naman porke sinabi niya na pupunta siya sa Amerika, literally kinabukasan ay nandun na siya.



"Hindi lang naipaliwanag kasi hindi naman ganun kahaba ‘yung time namin," paliwanag niya. "Hindi siya naipaliwanag na magre-rest muna ako bago ako pumunta doon. Kasi gusto ko munang mag-spend ng time with my family. Nung sinabi ni Ate Cacai, ‘Gusto ko pa rin mag-work ka sa Philippines. Gusto ko ring mag-work sa abroad. Kasi kung iisipin mo, paano ka magkakaroon ng audience abroad kung hindi ka nakikita sa TV dito?' Kaya sinunod ko siya. Kasi dati, ako lang ang nag-decide on my own.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"From August after ng show kay Piolo, uwi ako ng Pilipinas. Babalik ulit ako ng September. Meron ulit akong show, balik ng Pilipinas. October, babalik ako doon [sa U.S.]. Tapos now, we're doing my second album."

Wala pa raw definite na recording company sa pagkakaalam niya para sa second album niya. Pero inaayos na raw ng asawa ni Cacai na si Raul Mitra ang mga kanta sa susunod niyang album.



WILLIE REVILLAME. Marami naman ang nakapansin na sa pagbabalik niya sa telebisyon ay pumayat ang comedienne-TV host. May tsismis tuloy na nagpalaglag siya ng anak nila ng matagal nang itsinitsismis sa kanyang si Willie Revillame.



"Hindi po totoo ‘yon," mariing tanggi niya. "Nagdyi-gym ako. Nagwo-workout ako every day. Pag-uwi ko ng Pilipinas, after one week, nag-start na akong mag-workout. Tapos humingi ako ng pampapayat kay Dr. [Manny] Calayan.



"E, ganun naman talaga. Wala naman silang mapapatunayan na may naglaglag. Kung puwede ko lang... Alam ng staff ng Wowowee last time na nag-Tagaytay lahat ng staff, kailan lang ‘yon, may period pa ako kaya hindi ako makapag-swimming. Nagkaroon pa ako ng stain. Kaya di talaga ako nagbuntis at nagpalaglag," depensa niya.



Pilit ikinu-connect ng iba na may kinalaman ang isyu ng pagpapalaglag niya diumano sa kasong kinakaharap ni Willie.



"Alam mo, ganito lang ‘yan, kahit sinong patulan ko na may kaso, hindi ako papatay ng baby para lang sa kaso. Kasi hindi naman ‘yon judgment day sa mundong ‘to. Sa langit tayo idya-judge. So, wala akong pakialam sa judgment dito sa earth, alam mo ‘yon? Naiinis ako kasi siguro ‘yun ang pinaka-imoral na gagawin mo, na papatay ka ng bata na wala namang alam," mariin niyang sabi.

Hindi ba siya nababahala na kahit wala na siya sa Wowowee ay patuloy pa rin ang intriga sa kanila ni Willie?

"E, di okay," sabi na lang niya. "Okay lang kasi alam mo, sobrang natatawa ako kasi lahat ng kilos ko, mini-mean nila. Like, kumakain ako ng Kenny Rogers almost every day, ibig sabihin, doon daw ako nakikipagkita [kay Willie]. Of all places naman, bakit naman doon?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN