Asia Agcaoili gets offer to pose for international magazine

IMAGE 0


"Matagal na ‘yon, e. But I could not give them an answer because hindi pa ako nagpapaalam sa FHM regarding the offer. Nakakahiya naman sa FHM kung basta ko na lang tanggapin ang offer without even consulting them first. Columnist ako ng FHM and the magazine did wonders to my career in showbiz kaya malaki ang utang na loob ko sa kanila," explains Asia Agcaoili.



Inamin ng sexy star na si Asia Agcaoili na may offer sa kanya ang isang international sexy magazine para mag-pose. Bibigyan daw si Asia ng ilang pages sa naturang international magazine para sa kanyang sexy pictorial.



Pero ayaw munang banggitin ni Asia kung ano ang magazine na ito dahil baka raw magkaroon ng conflict sa pinagtatrabahuan niyang magazine na FHM.



"The offer is true," diin niya. "Matagal na ‘yon, e. But I could not give them an answer because hindi pa ako nagpapaalam sa FHM regarding the offer. Nakakahiya naman sa FHM kung basta ko na lang tanggapin ang offer without even consulting them first. Columnist ako ng FHM and the magazine did wonders to my career in showbiz kaya malaki ang utang na loob ko sa kanila.



"I would say that the offer is tempting kaya pinag-iisipan ko nang mabuti. Sino ba naman ang ayaw mapasali sa isang international sexy magazine, di ba? Siyempre, mas maganda ang exposure mo globally, lalo na kung kilalang-kilala ang naturang magazine sa buong mundo.



"Siguro when I made a decision and it's okay with FHM, I will be able to reveal what international magazine it is. Sa ngayon, quiet muna ako," sabi pa ni Asia sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng indie film na Casa.



KATRINA HALILI. Speaking of FHM, naging malaking issue ang pagsapaw diumano ni Asia sa Sexiest Woman in the Philippines na si Katrina Halili sa FHM Victory Party two weeks ago. Sinabayan daw kasi niya itong maglakad sa runway na dapat ay si Katrina lang ang maglalakad nang mag-isa.



"Nagkita na kami ni Katrina at pinagtawanan lang namin ‘yung issue na ‘yan. It's really too petty, pero nakakatuwa kasi may mga pumapatol.



"Katrina knows na hindi intentional ang pagsabay ko sa kanya. I was the host of the event and walang kahit na anong bahid ng pananapaw ang ginawa ko kay Katrina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakita ko rin naman ang ibang sagot ni Katrina sa iba't ibang talk shows, she was very consistent in saying na wala naman daw 'yon. We were just having fun together," paliwanag niya.



Tampok si Asia sa sexy independent film na Casa, na idinirek ni Deo Fajardo, Jr. Sa naturang digital film ay maiinit ang mga eksena nila ng leading man niyang si Paolo Paraiso.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN