Aga Muhlach: "Wala kaming problema ni Janice."

IMAGE 0


"Wala akong ibang intention nung sinabi ko ‘yon. Tinatanong lang ako tungkol sa anak ko. So, pinag-usapan ko lang ‘yung anak ko. So, ‘yon lang ‘yon. You know, I will never say anything bad about Janice; I'm sure Janice also," explains Aga Muhlach.



Nagmamadali na ang staff ng bagong sitcom ni Aga Muhlach sa ABS-CBN, ang That's My Doc, na kunin ang actor dahil may taping din after ng press conference ang buong cast last Wednesday, July 25. Kaya diretshan nang kinuha ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang pahayag ni Aga sa mga sinabi ni Janice de Belen bilang reaksiyon sa mga sinabi ng aktor tungkol sa kanilang anak na si Luigi o Igi Boy.



"Baka naman iba na rin ang nakarating sa kanya na," bungad ni Aga. "Wala, hindi magko-comment ng masama sa akin ‘yon."

Isa sa mga sinabi ni Janice ay wala raw siyang plano na awayin si Aga in public.



"Of course, yes," pagsang-ayon ni Aga.



Ayon kay Aga, hindi pa raw sila nagkita o nag-usap ni Janice pagkatapos lumabas ng interbyu kay Aga dito sa PEP.

"Wala akong ibang intention nung sinabi ko ‘yon," diin ni Aga. "Tinatanong lang ako tungkol sa anak ko. So, pinag-usapan ko lang ‘yung anak ko. So, ‘yon lang ‘yon. You know, I will never say anything bad about Janice; I'm sure Janice also."

Lagi naman daw silang nag-uusap ni Luigi. Katunayan, tatlong araw natulog sa bahay niya si Luigi.

"Everything is normal naman. Wala namang problema. Hayaan mo na siya. Sa amin na lang ‘yon," aniya pa.

Hindi kaya pagsimulan na naman ito ng alitan nila ni Janice?



"Wala, walang nabubuhay. Kaya huwag na nating gawan ng problema ‘yung sa amin ni Janice. Ganun kasimple lang ‘yon. Wala kaming problema ni Janice. Walang problema sa pamilya naming lahat. So, okay kaming lahat," sunud-sunod niyang sabi.

In fairness kay Janice, wala rin naman itong sinabing masama about Aga.



"Exactly," diin ni Aga. "Because there is nothing bad to say about her. There's nothing bad to say about my son. No one can say anything bad about her and my son. Everything is okay, it's normal. Normal ang nangyayari sa buhay naming lahat kaya huwag na nating lagyan ng anggulo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN