Paolo Paraiso "unprotected" while doing love scenes with Asia Agcaoili

IMAGE 0


Lead star Paolo Paraiso talks candidly about the shooting for his sex scenes with co-star Asia Agcaoili in the movie Casa, directed by Deo Fajardo, Jr.



Inamin ng sexy actor na si Paolo Paraiso na hindi siya naglagay ng plaster sa mga maiinit na eksena nila ni Asia Agcaoili sa digital film na Casa.



Ayon sa model-turned-actor, pinagbawalan daw sila ng kanilang direktor na si Deo Fajardo, Jr. na maglagay ng plaster sa kanilang private parts. Bukod daw sa hindi magandang makita ito sa big screen, masakit din daw ito kapag tinanggal.



"Noong una siyempre, nakakakaba kasi exposed nga ang private parts namin ni Asia. First sexy movie ko ito at hindi ko alam ang mga puwedeng mangyari. Pero si Asia, game na game at siya pa ang nagsabi na bahala na raw ang mangyari, basta ingat lang daw ako sa kanya!" natatawang kuwento ni Paolo sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).



"Pero may point din si Direk Deo. Kasi nga, malaking abala pa ang maglagay ng plaster 'tsaka masakit nga raw. Since marunong naman akong mag-control ng sarili ko, sige, bahala na kung ano ang mangyari.



"Natapos naman namin ang movie na walang nangyayaring hindi ginusto ni Asia! Lahat nagustuhan niya!" tawa ulit ni Paolo.



Nag-decide si Paolo na maging daring sa digital film na Casa dahil na rin sa magandang role na ibinigay sa kanya. Tatlo silang bida rito nina Asia at Michael Rivero.



"This is so far the biggest role I've done," banggit niya. "'Yung mga earlier movies ko, mga cameo roles lang or saglit lang ang participation ko. Dito sa Casa, full-length talaga, from start to finish ng movie.



"I guess it's time na rin na subukan ko ang ganitong klaseng mga movies habang bata ako. I just turned 25 years old and I'm not getting any younger. Habang maganda pa ang hitsura ng katawan ko, might as well gawin ko ito kahit minsan lang. Pangit naman kasi kung magpapa-sexy ako kung mataba na at wala nang porma ang katawan ko, di ba? Nag-workout ako nang husto for the movie para mas delicious daw akong tingnan," sabay ngiti ni Paolo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Alam din daw ng kanyang ex-live-in partner na si Mylene Dizon ang kanyang desisyon na magpa-sexy sa pelikula with Asia. Magkakilala raw sina Mylene at Asia kaya all-out ang support nito sa kanya.



"Okay naman kay Mylene because she knows na I want to improve on my career sa movies. It's good daw that I'm trying new things in my life. I have her support sa pinasok kong ito," pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN